20

1K 17 1
                                    

Chapter 20 -Sunshine.

UMUULAN sa labas. Nandito ako sa loob ng kwarto at panaka nakang nakatingin sa orasan. Ngayon ang araw na magkikita kami ni Matt at ngayon ang araw na hinihiling kong maging successful ito.

During my stay in his house, puro pasakit nalang ang nararanasan ko at kahit paminsan minsan siyang naging marahan at mabait sa akin ay hindi parin nawawala ang galit ko sa kaniya. This life is unfair, Valerious is not the justice at wala siyang karapatang hatulin ako ng panghabang buhay.

He killed my family at kahit mamamatay ako ay hindi ko parin siya mapapatawad. Kahit na naging meserable ang buhay ko noong nabubuhay ang pamilya ko ay hindi parin napasok sa aking isip na magalit sakanila.

" Ms. Tachibana"  hindi ko napansing nakapasok pala si Valerious sa kwarto at nakasuot ng business suit. His hair fixed at may handbag siyang dala na marahil ay laptop iyun.

I did not answer him, instead I just coldly staring at him bago tinuon ang aking mata sa labas ng bintana at makikita ang hardin nila. Nag aasam na magpakita ng maaga si Matt.

" Malalate ako ng uwi. Please be good at matulog ka ng maaga" Hindi ko siya sinagot at nakahalumbabang nakatingin sa labas. I heard him took a deep sighed at naririnig ko ang tunog ng pagtapak niya sa paparuunan ko.

Hinalikan niya ang aking buhok na palagi na niyang ginagawa kapag aalis siya. Naging ganito na siya pagkatapos kong magka lagnat. Napaismid ako at hindi na siya na tiningnan.

Ilang oras akong ganito hanggang sa napagpasyahan kong bumaba para kumain. Ilang mga katulong rin ang nakikita kong naglilinis sa loob ng bahay at hinayaan lamang akong nagpalakad lakad sa kanilang harapan.

" Hikari, may ulam sa lamesa. Ireheat mo nalang" Pagpapa alala ni manang nang makita niya akong dumaan habang ito ay nagwawalis sa bukana ng entrance ng mansiyon. Tumango ako at pumasok na sa kusina.

Tatlong kasambahay ang naririto at sa pagtira ko rito ay naging malapit kami. May minsan rin na tinatanong nila ako kung ano ba daw ginagawa kung bakit parang naging marahan ang lalaki sa akin na hindi ko sinagot. Napapansin ko naman iyun pero wala akong interes.

" Hikari, maaga bang darating si Sir?" Bungad ng kasambahay na si Miraflor. Nagpupunas ito ng lababo at nang masilayan ako ay nagsalita siya.

" Malalate daw siya" Sagot ko habang kinukuha ang takip ng ulam. Araw araw nila akong tinatanong dahil nagpapa alam raw kasi si Valerious sa akin na hindi ko naman din alam kung bakit.

They might think that Valerious already fall in love with me na mapait ko lang nginitian. If he will then I won't. I will never fall in love with a murderous man. Hindi ko siya matatanggap.

Later that day, I noticed that it was already raining pero kahit ganoon ay malakas parin ang pagnanais ko na darating si Matt. The clocking is tickling at kahit umuulan ay naglakad na ako palabas habang dala ang isang payong.

Wala kahit isang tauhan ang nasa mansiyon ngayon kaya confident akong walang makakita sa akin. Hindi rin ako napansin ng mga katulong kahit nasa labas na ako kaya diretso diretso ang hakbang ko sa Hardin ng bahay.

Ilang minuto akong naghintay hanggang sa tumila ang ulan at kasabay din niyon ang pagdating ng pinakahihintay kong tao habang nakangiti ito sa akin. Tila nabura lahat ng pag aalala ko nang makita ko itong okay na kaya mabilis ko itong sinunggaban ng yakap na kinagikhik lang ng lalaki.

" I'm glad okay ka, Matt" Masayang sambit ko. Ngumiti ito sa akin nang kumalas na ako sa pagkakayakap.

" Yes, I'm eager to help you kaya nagpapagaling talaga ako. Tara? Baka makita pa tayo" I nodded at him tapos naglakad kami sa makipot na daan. Naglakad kami hanggang sa makita ko ang kaniyang motor. Wala siyang kasama kaya hindi ko maiwasang mabahala.

Beneath His Cruelty (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon