25

816 12 1
                                    

Chapter 25 -His confession letter.

NAGISING  si hikari na wala na sa tabi niya si valerious. Hindi niya maipinta kung bakit nalulungkot siya ngayon at kung bakit nadissapoint siya sa lahat. Pero, nangingibabaw ang lahat at poot ng sakit na nangyare . Bigla nalang pumasok sa isipin niya ang pagkamatay ng magulang nito sa mga kamay ni valerious, naalala niya rin ang pagkamatay at pagkawala na parang bula na naging malapit sa kaniya na si matt. Tuwing pumapasok iyon sa kukuti niya ay nagsisimula nang mag alab ang damdamin nito sa galit.

Napgdesisyonan niya ng tumayo at maghanda ng gamit niya dahil hindi na ito babalik pa sa lugar ni valerious kailan man. Nang naiayos niya na ang importanteng gamit at nakahanda narin ng pampaligo niyang damit ay may napansin siyang papel na may nakasulat roon sa gilid ng kama na nakalagay sa maliit na aparador. Kinuha niya iyon at napaupo  sa kama saka binuksan ang sulat.

Hikari,

"I hope you'll take the time to read this message, even though it may seem like a mess. I don't think I can face you when you wake up, which is why I wrote this. As I write this, I'm watching you sleep so peacefully. I see an innocent, pure, kind, and beautiful lady in my bed, and it makes me happy to see that every morning, every day. I guess this will be the last time I see that.

I may not look my best right now, but I love this side of me that you've brought out, Ms. Tachibana. I'm glad I've experienced this love that everyone talks about with you. You know, at first, I didn't believe in love. I used to say that to my sister, and she always told me that I'd find it one day. I hope she's happy for me now.

Hikari, I'm now ready for the punishment I deserve. Please don't pity me, Hikari, because it's all my fault. For the last time, I'll say this: I'm happy to have met you, Ms. Hikari Tachibana, and even though I may look like a mess today, I want to say this no matter what: I love you so, so much."
                                                               Valerious

Hikari point of view.

Nararamdaman ko na ang pamamaga ng aking mga mata dahil sa kakaiyak. Hindi ko namamalayan na ako'y umiiyak na pala, at ang sakit-sakit na ng aking dibdib. Kahit hawakan ko ito at piliting pisilin, at sinasabi sa aking sarili na huwag akong magpapa-apekto sa mga sinabi ng lalaking iyon, napakahirap pa rin.

I dont know kung paano at saan siya kumukuha ng lakas para sabihin sakin yon dahil ako, duwag ako at isa pa ayaw kong malaman niya ang nararamdaman ko dahil tinatak ko sa puso't isip ko na lilipas din ito. I wipe my tears and took a deep breath bago mapagdesisyonang gumayak na.

~~~~~~~~~~~~~

"Are you ready now ma'am?" sabi ng police sa kaniya na nasa labas na ng gate.

Nag-nod lamang ito sa kanila.Ngunit, bago ito umalis, bumalik muna siya sa loob at niyakap ang mga katulong na matagal nang naghihintay sa kanya para sa kanilang huling yakap. Lumapit siya sa kanila isa't isa at hindi niya malilimutan ang lahat ng kabutihan na kanilang ginawa para sa kanya. Itinuturing niya itong utang na loob na magpapahalagaan niya sa buong buhay niya.

"Mag-iingat ka roon, Hikari," sabi ng matanda habang niyayakap si Hikari.

"Mamimiss ka namin anak, pero masaya kami dahil makakamit mo ang hustisya na matagal mo nang hinahanap," ani ng isa pang matanda habang hinahaplos ang likod ng dalaga at pinipigilan itong umiyak.

"Salamat po sainyo, sana magkita pa ho tayo" ani ni hikari na ngayo'y hinarap sila.

"Mangyayare iyon hikari sa tamang panahon." saad nito habang hinahaplos ang pisngi ng dalaga na ikinatango naman ng dalaga.

"Sige po mauna na po ako" huling sabi nito sa kanila bago tuluyang umalis.

~~~~~~~~~~~~~

Hindi niya mapigiling kabahan nang makarating sila sa presinto. Kanina pa siya nakayuko habang sinunsundan ang mga police na maglakad at pumasok sa isa pang pintuan.

Napahinto sila sa isang lamesa " Police inspector.. We are with Ms. Hikari Tachibana" Sabay saludo nila sa lalaking seryosong nakaupo at nang marinig nito ang pangalan ng dalaga ay napa angat ito ng tingin at dumiretso ang titig sa babae.

Pilit tinatatagan ng dalaga ang kaniyang sarili kahit na hindi niya maiayos ang kaniyang tindig sa lalaking nakatitig sa kaniya.

" Ms. Tachibana. Have a seat " Alok nito sa dalaga. Ang ibang police naman ay nasa likod lang ng dalaga at hinihintay itong matapos. Sila rin ang inaatasan na maging bantay nito hanggang sa matapos ang kaso.

Walang imik na umupo si Hikari sa upuang nasa harapan ng lalaki at hinintay lamang na magtanong ito.

" Ms.Tachibana.Can you please describe in detail what happened during the massacre? And how did you survive? I know this is a sudden questions pero nakasalalay rito ang buhay mo at sa haharapin mo pa sa susunod. If you want to make this successful, cooperate is the best solution" mahabang litanya nito.

Napalunok si Hikari dahil hindi niya malaman kung saan siya magsisimula. Andami rin kasing nangyari at hindi na niya alam kung kaya niya pa bang ibanggit ito sa iba.

Sa huli, wala siyang nabahagi at hindi niya maiayos ang kaniyang mga salita. Nagkatinginan ang mga police roon at napabuntung hininga nalang rin sa huli ang police inspector.

" Mas mabuti pang magpahinga ka nalang muna at iayos ang magiging desisyon mo. Ms. Tachibana. Ikaw lang rin naman ang kawawa sa bandang huli. " Ito ang huling saad ng inspector bago siya pina alis.

Bago siya makalabas ng police station ay isang babae ang kanina pa pala naka abang na matapos siya.

" Hikari?" Napa angat bigla ang kaniyang tingin kung saan nanggagaling ang boses na iyun at hindi siya makapaniwalang makita si Cheskang nakatingin sa kaniyang nakangiti.

Inakap siya nito ng mahigpit habang siya naman ay naguguluhan sa nangyayari.

" Thank goodness! Akala ko ay hindi ka na makakalabas roon. Masaya akong makita ka uli. Hikari" kumalas ito sa kaniya.

" A- anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ni Hikari. Sumabat naman ang kasama nilang police.

" Ma'am Gracella is the one who reported your case.. Ma'am. Magiging witness rin siya sa kaso ninyo pagdating ng araw. "

Hindi niya akalaing ang tinulungan niyang babae ang magpapaligtas sa kaniya roon pero dahil hindi siya pa siya handa, hindi niya malaman kung masaya ba o siya o hindi.

" By the way, Hikari. I'm with your attorney. Siya yung hahawak ng kaso mo at may sasabihin rin raw siyang importante sa iyo" pagpapakilala ni Cheska sa kasama nitong lalaking nasa edad kwarenta.

Tumango lang siya bilang sagot. Pinili nilang mag usap sa office ng abogado niya dahil hindi pwedeng ipa alam ito kung kanino man. Lalo na sa mga police at kasama nito.

Nang makaupo na ang abogado at si Hikari ay nag umpisa ng magsalita ito.

" First of all, I'm here to help you. I'll be the one to handle the case at inatasan rin akong ibahagi ang Last will and Testament ng namayapa mong mga magulang" Nagulat si Hikari dahil hindi niya naman to inaasahan.

" A-anong ibig niyong sabihin. Attorney? May binilin ang aking mga magulang sa akin? " Nagtataka at nagugulang tanong niya.

" Yes.. And please read this.. Galing ito sa iyong ama" Iniabot ng abogado ang isang envelope at isang maliit na libro na sa tingin niya ay isang maliit na notebook na minsan na niyang nakita na hawak ito ng kaniyang ina.Nanginginig niya itong kinuha at binuksan ng marahan.

Napatutop siya nang mabasa ang nilalaman nito. Lalo na sa maliit na librong akala niya ay normal na libro lang. Isa pala itong diary ng kaniyang yumaong ina at tungkol ito lahat sa kaniya.

TO BE CONTINUED. . . .

Beneath His Cruelty (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon