31

831 13 1
                                    

Chapter 31 -"Valerious Salvatore"

[Flashback scene in Chapter 26]

" Ms.Tachibana. May mga nakalap na kaming ebidensiya noong nangyari ang trahediya ng pamilya mo." Nagulat siya dahil noong isang araw lang ay sinabi nilang hindi pa enough yung ebidensiya na nahanap nila tapos ngayon ay meron na?

Nilagay ng isang police ang transparent na bag at ipinatong ito sa lamesa na nasa harapan nila— isa itong baril.

" Nahanap namin iyan mismo sa bahay niyo Ms.tachibana at ang kinataka lang namin kung bakit lumitaw ito roon dahil una naming paghahanap ay wala namang baril o ebidensiya ang nakalap namin. Tatanungin ko kayo ngayon.. Nakilala niyo ba ang baril na iyan?"

Kahit isang tingin lang ay alam na alam ni Hikari kung kanino iyun. Iyun ang baril na laging ginagamit ni Valerious noon sa harap niya. Hindi na naman siya makasagot.

" Pero magiging useless ang baril na ito kapag wala kayong binigay na statement. Ms.Tachibana. Hindi namin malalaman kung saan ito konektado. Kaya iyun lang ang irerequest namin sayo. " marahan na tumango ang dalaga. Alam naman niyang wala na siyang magagawa. Naka depende sa kaniya ang resulta ng kaso.

" Ms. Tachibana.. Ito ba ay galing kay Valerious Salvatore?" Parang nawalan siya sandali ng hangin nang marinig iyon galing sa inspector. Hindi niya inaasahan na marinig iyun mismo sa bibig ng police. Napakuyom siya ng kaniyang kamay nang magsimula itong nanginig.

" Believe me or not but Mr. Salvatore was already surrendered to the police. "

" Po??" para yata siyang nabingi sa sinabi nito.

" Your husband already confessed his crime at siya mismo ang nagbigay nito sa amin para maging ebidensiya"

" P- pero sinabi niyo pong nakita niyo to sa bahay hindi ba?"

" We did. Nakita namin to pero nandoon rin si Mr. Salvatore at siya ang kusang nagbigay ng baril na yan." Hindi na siya nakasagot. Hindi agad ma iprocess sa kaniyang utak ang ginawa ni Valerious.

" And before he face his crime, he asked us to cooperate with him at alam kong marami kang alam. Do you know Dion Galzon?" ilang segundo siyang hindi nakasagot pero tumango naman siya kalaunan.

"Valerious provided us with enough evidence to capture Dion Galzon, who, to my understanding, was the mastermind behind the events involving your family. He manipulated Mr. Salvatore into using the death of his sister as a motive to target your family for revenge. Unfortunately, neither of the two killed Sunshine Salvatore; it was one of Mr. Salvatore's associates, Matt Delos Reyes. Is my understanding correct?" Tumango siya bilang sagot.

" Mr. Salvatore happened to have a record with their conversion during that time, thanks to his lawyer but that's not enough to charges him a main suspect. Mr. Salvatore remained as a main suspect if
Dion Galzon can't confess. As our request, are you willing to cooperate with the operation?"

" Ano pong mangyayari kapag umamin po siya? Makukulong parin po ba si Valerious?"

"Yes, he has to face his crimes, but it will depend on you, Ms. Tachibana. There is a possibility that his charges may be reduced because he turned himself in, but the decision is still in your hands."

Tila naging replay iyon sa kaniyang isip. Nasa kaniya ang desisyon at nakadepende naman iyon sa nararamdaman niya.

Naglakad siya papasok ng bahay kung saan sila na nunuluyan ni Cheska ngunit, napatigil siya nang makita si Cheskang may kausap na matangkad na lalaki at nang mapadako ang kaniyang mata sa tattoo nito sa kamay ay bumilis ang tibok ng kaniyang puso.

Beneath His Cruelty (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon