8

1.1K 21 2
                                    

•Violence and vulgar words are in this chapter, please be openminded!
Pinapaalala ng mga author ng story na ito na huwag tutularan ang ganitong paguugali ni valerious/the malelead.

📌Spread love📌



Chapter 8 -Merciless

Dalawang araw narin ang nakalipas nang marinig ko sa usapan nila valerious at ng tauhan niyang si delos reyes  na patay na si cheska. Lubos ang pagluluksa ko, ganon ba talaga ang itinadhana sa kaniya ang mamatay siya? Subrang pinagsisisihan ko ang lahat na nagawa kong pagtulong sakaniya, sana tinigasan ko nalang ang puso ko at ininda ang paghingi ng kaniyang tulong edi sana ay may pag kakataon pa na buhay siya ngayon rito.

Akala ko ay naiiba siya sa lahat dahil may lakas siya ng loob na kausapin akong normal at ang pag ako ng kasalanang hindi niya naman ginawa. Pero hindi,gaya rin siya ng iba na halang rin ang kaluluwa katulad ng amo nila. Inaasahan ko ng wala talaga akong mapagkakatiwalaan na kahit sino sa kanila.Ang pagiging matapatin nila ay na kay valerious, ang tangin kakampi ko nalang ngayon ay ang sarili ko.

Isang araw na akong nasa loob ng kwarto ngayon, nagkukulong. Ayaw kong lumabas ng kwartong ito dahil umiiwas ako sa lalaking nambaboy sakin. Hindi niya ako tinigilan hangga't sa mahimatay ako noong isang gabi pati ang nga sugat ko na pagaling na sana ay mas nadagdagan lang lalo, napaka lupit niya kaya natatakot akong lumabas dahil baka pag nakita niya ako ay gawin na naman niya saakin uli ang mga yon. Mabuti nalang rin ay hinahatiran parin ako ng pagkain ng mga katulong, kahit na ayaw nila sakin ay nagpapasalamat parin ako sakanila.

Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa narinig kung sigaw, parang sigaw na may daing mula sa kinamumuhian pinandidirian kong lalaki. Dahil doon ay agad akong tumayo sa kinauupuan kong kama at lumakad ng mabillis sa gawi ng pinto para sana ilock iyon ng matigilan ako dahil dinadaing niya ng subra ang tama niya raw sa kaniyang tagiliran habang nagmumura pa. Sa kuryusidad ko ay binuksan ko ng dahan dahan ang pinto ng kwarto at sinilip kung okay lang ba siya, habang tinitignan ko ang mukha niya't reaksyon  ay napaisip ako; Marunong rin pala siyang uminda ng sakit na nararamdaman niya,marunong siyang ipakitang nanghihina s'ya sa harap ng tao.

Nang mapagdesisyunan ko nang lumabas ng kwarto ay dahan dahan akong pumunta sa gawi ni valerious na nakaupo  sa sofa at hawak hawak ang kaniyang tagiliran na umaagos ang dugo, halatang nabaril siya.

Iniinda nito ang sakit at bahid sa mukha niya na nahihirapan talaga s'ya, taranta naman ang mga katulong halatang hindi nila alam ang gagawin.Ang iba pa'y parang takot sa dugo ang iilan tauhan rin niya ay sinusubukan na gamutin ang sugat pero halatang hindi sila marunong. Desidido na akong gusto ko siyang tulungan kaya lumapit ako lalo sa kaniya at doon ko nakuha ang atensiyon niya nang mabaling ang tingin niya sakin ay binigyan ako nito ng galit na tingin at pait na ngiti.

Third person point of view.

"What are you. . . looking at?!" nahihirapan nitong wika.

"Hinihiling mo ba na dapat sa ulo ako binaril? para 'cough' makalaya ka rito?" He said while groaning in pain.

Hinimas ni hikari ang kaliwang braso niya gamit ang kanang kamay nito pababa taas at tumingin sa ibang diresksyon na tila ba ay nagkukuha ito ng lakas para mag salita.

"Wala akong iniisip na gan'on." abot lakas nitong sagot kay valerious.

"HA HA! should i be happy for. .  . that?" 'cough' 'cough' saad ni valerious habang umuubo na ng dugo .

"S-sir huwag po kayong mag salita masyado at baka mapano pa ho kayo." nagaalalang sabi ng matandang katulong habang may pagkatarantang nakatingin ito sa amo niya.

Pumunta agad si hikari kay valerious at hinawakan ang may sugat nito sa tagiliran, halos mapaitlag si valerious sa gulat ng ginawa ito ni hikari.

"M-may first aid po ba kayo d'yan nay?" ani nito sa matanda habang nakatingin ito sakaniya.

Beneath His Cruelty (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon