Saksi ang dilim sa liwanag mong dala,
at yaong sulyap mo napapatigil aking hininga.
Hindi mayarok ng aking pag-iisip,
hiwagang dala ng sulyap sa’king puso’y sumisilip.
Tila nabago ng mga kislap sa mata mo,
ang pagtingin ko sa mga kwento ng mundo.
At na hindi ko na makita mga bituin sa kalangitan,
ito’y nasa dampi ng sulyap mo, klarong nasisilayan.
Mga tanawin, mga bahaghari, mga nagpapahinto ng oras.
Tila naipinta sa'yong mga sulyap mga ito’t di kailanman lilipas.
Ngunit napagtantong kung sulyap mo’y di na matatanaw,
ako'y magiging anino ng kulay mong natatanaw.
Mga alaala’y magiging bangka sa ilog ng panaginip,
dahan-dahang inanod ng sulyap mong kay rikit.
Pagdating sa pampang ng pag-asang tahimik,
dala’y pag-ibig na walang patid, walang pasubalit.
Subalit,
sa muling sulyap, ang mundo’y bumalik nga sa karaniwan,
ngunit naiwan ang tibok ng puso sa iyong kalawakan.
Sulyap na miminsan lamang nasaksihan,
sa puso’y ginhawa ng walang hanggan.
Sa’yong sulyap, nabubuhay ang aking puso,
at handa kong i-alay ang lahat maibalik lang ang aking mundo.
‘pagkat may higit pa sa mga nakaw na sulyap,
ito’y isa sa mga libro at hindi na mahahanap.
YOU ARE READING
Tulang Handog
PoesiaA compilation of short tagalog or english poems about anything. P.S the poems are not related with each other. Not yet proofread
