Chapter 2

184 11 0
                                    

Keirah's POV

Lumipas ang isang linggo pagkatapos ng nangyareng iyon. Tila walang nangyare ng gabing iyon dahil agad itong pumasok sa loob ng bahay nila pagkatapos niyang magpakita. Wala man lang itong binati miski isa samin kundi ang pamilya niya lang.

Hindi ko alam bakit naiinis ako na hindi man lang ako nito nilingon tsk. Sabagay sila mama nga hindi nito pinansin. Tsaka bakit naman hinahangad kong pansinin niya ako eh galit na galit nga ako sa babaeng yun. tsk.

" Keirah! anong oras na first day of school niyo ayaw mo naman sigurong ma-late." Rinig kong tawag ni mama habang kumakatok sa pintuan ko.

" Nakabihis na po ako mama." Sagot ko sa kanya.

" Bumaba ka na para mag almusal." Turan muli nito.

Hindi na ako sumagot dahil palabas na rin naman ako ng kwarto. Saktong pagbukas ko siyang pagbukas din ng pintuan ni Zeirah. Nakaayos na rin ito gaya ko pero halatang inaatok pa rin ito dahil nakapaikit pa rin ang mata nito habang buhat niya ang librong hawak.

Napailing nalang ako sa itsura niya halatang puyat na puyat inuna pa kami maglaro ng call of duty sa PS5 niya kagabi kaya ayan papasok ng kulang sa tulog.

" Morning." Bati nito sabay hikab.

" Tsk pagpatuloy mo yang pagpupuyat mo nakakabuti yan." Sambit ko na ikinanguso niya lang.

Sabay na kaming bumaba patungo sa dining area. Kasalukuyang kumakain sila Mama at mommy na may halong landian habang nasa hapag.

" Ang aga aga mama." Iritang sambit ko.

" Kumain na." Turan lang nito.

Lumipas ang ilang minuto at halos sabay sabay din kaming natapos kumain. Sabay kaming papasok ni Zeirah dahil parehas labg naman kami ng school napapasukan ang kaibahan lang magkaibang building kami dalawang agwat ng building lang ang pagitan namin dahil senior high palang siya.

Saktong nagred light kaya naman huminto muna kami ngunit hindi namin inaasahang may humarurot na motor na kamuntikan pang sumanggi sa Baby Porsche ko. Masamang tingin ang pinukol ko sa plate number ng sasakyan na iyon.

" Ang cool nung babae." Tila hangang hanga pang sambit ng kapatid ko.

" Sino?" Kunot noong tanong ko dahil naiinis pa rin ako dun sa nakamotor.

" Yung nakamotor." Sagot ng kapatid ko.

"Anong ikina cool nun? Barumbado magmaneho." Asik ko " Tsaka paano mo naman nasabing babae yon?" tanong ko sa kanya.

" Hindi mo ba napansin na hapit na hapit sa katawan niya yung suot niyang leather na pants kaya halatang babae ang nagmamaneho nun." Nakangising sambit ng kapatid ko.

Mabilis na hinampas ko ang ulo niya dahil sa sinabi niya. " Ayan pagdating talaga sa mga babae dyan ka magaling." Singhal ko sa kanya.

" Ang sakit nun ate." Reklamo ko habang himas naman nito ang ulong hinampas ko.

" Ayan para magising ka dyan sa kakapansin mo sa mga magagandang babae tsk." Asik ko sa kanya.

Hi di na ito umimik hanggang sa makarating kami ng Empire University kung saan alumni sila mama. Kaso pinalitan na ito kung dati ay Empire High ito ngayon ay naging Empire University na pagkatapos itong mapalitan ng kasalukuyang namumuno rito.

" Hintayin mo ko mamaya." Paalam ko kay Zeirah.

" Hindi na ate kay Aizen na ako sasabay pauwi." Sambit nito na tinanguan ko na lamang bago nagmaneho paounta ng parking lot. Ibinaba ko na kasi siya sa mismong building nila.

|| Unrequited Love || Empire High University 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon