Keirah's POV
" Keirah." Untag sakin ng pamilyar na boses.
Luhaang inangat ko ang tingin ko sa taong tumawag sakin. Lalo akong napaiyak ng lumapit ito sakin upang yakapin ako ng mahigpit na siyang sinuklian ko rin.
Napahugolgol ako sa balikat nito hindi na alintana ang itsura ko o mabasa man ang balikat nito ng luha ko. Ang tanging iniintindi ko ngayon ang sitwasyon ni mama. Kung ano na ang mangyayare gayong nasa critical itong kalagayan.
" I h-heard what the doctor said. H-hindi ko alam na may m-malubhang sakit siya." hikbing turan ko.
Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay nito sa likod ko. Sa mga panahong nasa ganito akong sitwasyon lagi siya ang unang dumaramay sakin. Tanging siya ang nagiging sandigan ko. Kaya hindi malabong mahulig ako sa kanya.
" I know Ninang Raegan is fighting for you, so you should be strong for her." Marahang sambit nito habang patuloy pa rin siya sa paghaplos sa likod ko.
Napapikit ako habang umiiyak pa rin. Isipin ko palang ang hirap na pinagdaraanan ni Mama nasasaktan na ako. Pero tama si Zorel kailangan kong maging matatag ngayon. Kailangan kami ni Mama.
Hindi ito ang panahon para maging mahina. Kailangan niya ng lakas na mula samin. Kumalas ako sa yakap namin ni Zorel. Marahan itong ngumiti sakin amat pinunasan ang luha sa mga mata ko.
" You're such a crybaby, Keirah." Pang aasar niya.
Pero hindi ko maggawang maasar dahil alam ko naman na gusto lang niya pagaanin ang loob ko. Kesa maasar ay bahagya ko nalang siyang tinawanan.
" Yan ngumiti ka na ulit." Nakangiting sambit niya at ginulo pa ang buhok ko.
Hinampas ko naman bahagya ang kamay niya para awatin. Ganito naman kami lahi no Zorel. Kapag medyo ayos na ang pakiramdam ko ay gagawa siya ng paraan para mapangiti ako.
Kahit maliit na bagay lang yung gawin niya ay napapangiti ako. Siguro nga ganun na lang kalalim yung feelings ko para sa kanya.
Nagtagal pa kami ng ilang minuto sa rooftop. Ilang beses ulit na tumulo ang luha ko dahil naiisip ko si Mama pero hindi niya ako iniwan bagkus dinamayan lang ako nito.
Nang makabalik kami. sa tapat ng pintuan ni Mama ay kabado ang nararamdaman ko. Dahil baka hindi ko maggawang pekein ang rekasyon ko. Baka mapaluha na naman ako.
" She's will be alright, Keirah. " Turan ni Zorel at hinawakan ang kamay ko.
Napatingin ako sa kamay naming dalawa. Kung nasa normal na sitwasyon lang kaki ngayon baka nanghina na ang mga tuhod ko sa kilig.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya naman napaangat ang tingin ko rito. Bumungad samin ang mala yelong tingin ng kakambal niya. Sinundan niya ng tingin ang kamay namin ni Zorel na magkahawak.
" Twin nandyan ka pala." Bati ni Zorel dito.
" Excuse me." Cold na sambit nito at dumaan pa sa pagitan namin dahil para mabitawan namin ni Zorel ang isa't isa.
" Twin!" Tawag ni Zorel sa kakambal niya.
Hindi ko naman sinundan ng tingin ang prof ko dahil wala naman akong pakealam. Nakita ko naman ang pagsilip ng ibang nasa loob ng private room ni mama.
" Keirah, Sundan ko lang." Paalam ni Zorel.
Tumango lang ako sa kanya. Nang makaalis si Zorel ay pumasok na ako sa room ni Mama. Nandito pa rin sila Zev at Patrice na nakaupo sa couch katabi si Zeirah habang si Mommy naman ay nasa tabi ni Mama.
Marahan akong ngumiti sa kanila bago ko nilapitan si Mama. Mukhang nagpahinga na ulit ito dahil sabi ni Zorel kanina ay naggkamalay na si Mama.
Mas mabuti na rin siguro na ganito. Ayokong makita ni mama ang itsura ko. Paniguradong namamaga ang mata ko dahil sa pag-iyak. Hindi iyon makakatulong sa kanya malulungkot siya kung makitang umiyak ako.
BINABASA MO ANG
|| Unrequited Love || Empire High University 1
Roman d'amour|| Empire High University Series 1 || StudentxProffesor: This is gxg story so If you are not comfortable with this kind of story. Then pls peacefully leave, I don't need your nonsense opinion.