Chapter 4

114 8 1
                                    

Keirah's POV

Kasalukuyan kaming lulan ng kotse ni Zorel habang yung prof namin na mas mukha pang kambal ni Elsa ay nakasunod lang samin habang nakamotor ito. Kasama niya si Miss Armstrong dahil saktong naglalakad kami sa hallway ng makasalubong namin ito.

Nasa likod kaming dalawa ni Patrice nakaupo habang si Zev ang katabi ni Zorel. Maraming kwento si Zorel samin habang panaka naka lang naman kaming sumasagot ni Patrice sa kanya.

Puro tungkol sa trabaho lang naman ang kinukwento niya. Kakaiba ang role nito ngayon para sa kanyang upcoming movie. Medyo mahirap daw sa kanya dahil malayong malayo sa ugali niya ang gagampanan niya.

" Panigurado namang kakayanin mo yun, Kuya Zorel." Pagbibigay ng lakas ng loob nitong si Patrice sa kanya.

" Pipiliting kayanin." Turan nito na sinabayan pa ng tawa.

" Kaso nakakaurat panuorin yung movie mo kuya. Makikita ko na naman yang panget mong mukha." Tukso ni Zev sa kanya.

Kung kanina ay wala ito sa mood na makipagsabayan saming makipag kwentuhan ngayon ay ang sigla nito. Parang umayos bigla ang araw niya.

" Panget man sa iyong paningin, marami namang nananalangin na sila'y mapasaakin." May halong yabang na saad nito at nagpa-cute pa kay Zev.

Umarte namang nasusuka si Zev dahil sa sinabi ni Zorel. Habang tumatawa naman sila Patrice at Zorel na ginulo pa ang buhok ni Zev. Samantalang, napakagat labi naman ako dahil sa kilig na makita itong magpacute sa kapatid niya.

Maraming fans si Zorel lalo na ang kababaihan maging ang mga bakla ay kinikilig at tumutili sa tuwing may mall show ito. Ang daming sumisigaw na pakasalan niya ang mga ito at isa na ako dun.

Madalas sa tuwing may mall show siya ay solo akong pumupunta at sinasadya kong hindi magpakita sa kanya dahil nahihiya ako. Nakikisabay ako sa sigawan ng mga tao. Dun ako nagkakaron ng lakas ng loob na isigaw kung gaano ko siya kagusto dahil alam kong hindi naman niya ako nakikilala sa dami ng tao.

" Nakakadiri kung alam lang ng mga fans mo kung gaano ka kadugyot baka maturn off sila sayo." Pasaring ni Zev habang may ngisi sa kanyang labi na nakatingin siya sakin sa rear view mirror.

Pasimple kong sinipa ang ilalim ng upuan niya baka kasi mapansin ni Zorel ang tingin niyang iyon sakin baka magtaka ito at tanungin ako about sa feelings ko. Hindi pa ako handang umamin.

Ilang minuto lang ay nakarating na din kami sa sinabi nitong eat all you can na resto. Sambokojin ang pangalan ng resto. Puro mga korean, Chinese and Japanese ang pagkain nila rito.

Agad kaming pumasok sa loob pagkasabi ni Zorel ng pangalan niya. Nagpareserve daw kasi siya ng tatlong mesa. Nagtaka naman ako dahil mukhang hindi lang kami ang magkakasama.

Agad na nasagot ang nasa isip ko ng makita kung sinong makakasama namin. Nasa kalagitnaan palang kami ng marinig namin ang ingay sa kabilang table. Nandito pala ang mga kapatid namin pati na rin sila mommy. Kumpleto kaming lahat na nandirito. Hindi ko akalain na magkakasama kaming kumain ngayon.

" Buti naman at nakarating na kayo." Bati ni Ninang Vee samin na agad kaming sinalubong ng yakap isa isa.

" Ayun dumating din gutom na kami!" Rinig kong sigaw ni January na ikinasuway ng mommy nito sa kanya.

Napanguso nalang itong napaupo sa pwesto niya dahil sa masamang tingin sa kanya ni Tita Jani na siyang mommy niya. Samantalang pinagtawanan naman siya nila Zeirah sa table nila.

" Let's eat." Aya ni Zorel saming lahat.

Agad kaming nagtungo sa mesa namin. Tatlong mahahabang mesa ang pinareserve ni Zorel para sa aming lahat ang dami kasi namin. Magkakasama kami nila Zorel, Zev, Patrice, Ako at dalawang prof namin. Samin na rin nakitable si Lorelei na bunsong kapatid ni January.

|| Unrequited Love || Empire High University 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon