Keirah's POV
Kinagabihan ay dumating na si Mama galing opisina, Agad akong bumeso sa kanya pagkarating ni Mama. Nandito na din si Zeirah na ngayon ay nakaharap sa cellphone niya at kanina pa ngiti ng ngiti. Samantalang, Nanunuod naman ako sa salas ng netflix.
" Where's your mom?" Tanong ni Mama.
" She's upstairs mama. " Sagot ko rito.
Tumango lamang ito sakin bago naglakad papunta ng kusina. Tinignan ko naman ang kapatid ko dahil sa biglang paghagikgik nito.
Kumuha ako ng cushion pillow na nasa tabi ko at binato ito sa kanya. Natawa ako ng sakto sa mukha niya ito tumama kasabay ng cellphone nito.
" Parang gago naman." Mura nito sakin at bakas ang pagkapikon sa mukha niya.
Binelan ko lamang siya para lalong asarin. Akmang babatuhin pa ako nito ng marinig namin ang yabag mula sa kusina.
" Mura pa." Seryosong saway ni mama habang walang emosyon itong tumingin kay Zeirah.
Pinigilan kong matawa ng makita ang pagngiwi ng kapatid ko. Masarap talaga sa pakiramdam kapag ikaw yung nang aasar sa. tao eh. Ngayon nakaganti ako sa kanya.
" Sorry ma." ngiwing sambit nito.
" Let's eat." Aya samin ni mama.
Agad akong tumayo upang pumunta ng dining area namin. Inambahan pa ako ng suntok ni Zeirah habang masama ang tinfin nito sakin. Nagkibit balikat ako sa kanya habanng may ngiting tagumpay.
Masaya pa akong naglalakad papunta ng dining area namin ng makasalubong ko si mama na may hawak ng tupperware at halatang ulam ang laman nito.
" Dalhin mo toh sa dyan sa kalapit na bahay. Yung kulay itim na gate." Utos nito sakin. Tinutukoy nito ang bagong lipat na kapitbahay namin na ang sabi ni Zeirah noon eh may magandang babae raw siyang nakita rito. Tsk.
Napakunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka. Kelan pa naging close si mama sa kapitbahay namin? First time niya kasing magbigay ng pagkain sa kapitbahay kaya naman kataka takang inutusan ako nito.
Hindi kaya babae ni mama yung kapitbahay? Tas ako lang inutusan niya habang wala pa si mommy para hindi nito malaman? Tsaka sabi ni Zei maganda raw yung bagong lipat eh. Nako po ang mama Raegan ko.
" Stop overthinking, Keirah. Dalhin mo na yan dun." Seryosong turan nito.
Walang naggawang kinuha ko ang tupperware. Napabuga na lang ako ng hininga dahil sa dami ng pwedeng utusan ako pa. May katulong naman kami bakit hindi yun ang utusan hays.
Naglakad ako palabas ng gate at agad na pinuntahan ang kapirbahay naming bagong lipat. Magkatabi lang ang bahay namin kaya ilang hakbang lang ay nasa tapat na ako ng gate nito.
Nagdoorbell ako upang tumawag ng tao mula sa loob. Sinilip ko pa ang gate nila baka kasi bingi na yung guard nila rito pero niisang guard ay wala akong nakita.
Muli akong nagdoorbell hanggang sa nakita ko ng may lumabas na ng bahay. Napaatras pa ako konti para naman hindi ako mahuli nito na sinisilip ang bahay nila baka mapagkamalan pa akong magnanakaw dito.
Ilang sandali lang ng tuluyang bumukas ang gate. Ganun na lang ako nagulat at natigilan ng makita kung sino ang bagong lipat naming kapitbahay.
Naka nighties na ito ng suot at napaka daring ng suot nitong itim na nighties. Kitang kita na ang cleavage nito sa sobrang baba ng collar ng suot niya at kitang kita ang kurba ng katawan niya at ang iksi nitong silk na shorts lantad tuloy ang makinis, maputi at mahabang legs niya.
BINABASA MO ANG
|| Unrequited Love || Empire High University 1
Romance|| Empire High University Series 1 || StudentxProffesor: This is gxg story so If you are not comfortable with this kind of story. Then pls peacefully leave, I don't need your nonsense opinion.