Chapter 9

133 7 3
                                    

Keirah's POV

" We need to talk."

Hindi pa man ako nag aangat ng tingin mula sa taong nagsalita ay naramdaman ko na ang paghila nito sa wrist ko na sa sobrang lakas ng paghila niya ay napasubsob ako sa katawan niya.

Akmang lilingunin ko la sana si Zev ng hawakan nito ang ulo ko para pigilan kaya hindi ko na maggawa pang galawin ito.

" Tawag ka ni mommy sa loob." Turan nito sa kapatid.

Ilang minutong namuo ang katahimikan sa aming tatlo. Mukhang hindi nagpapasindak si Zev sa kapatid nito. Wala rin kasi akong naririnig na kaluskos kung nakaalis na ba ito.

" Wag mong sasaktan ang kaibigan ko, I swear hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Pagbabanta ni Zev.

" Go." Tanging sambit nito.

Tsaka ko lang narinig ang yapak ni Zev palayo sa pwesto namin. Binitawan ako nito upang hilahin muli palabas ng gate namin. Bumungad samin ang kotse ni Zorel na inunlock nito at pinapasok ako sa loob ng kotse.

Hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit nagpapatianod ako sa gusto niya. Basta ko nalang nakita ang sarili kong nakasakay na sa passenger seat ng kotse ni Zorel.

" Seatbelt." Untag nito sakin pagkasakay niya ng driver seat.

Agad na isinukbit ko ang seatbelt dahil sa sama ng tingin niya sakin. Hindi ko mawari kung bakit parang tila siya pa ang galit saming dalawa samantalang ako dapat ang galit sa kanya dahil hindi man lang niya naggawang tutulan ang kalokihang ito.

Tahimik na bumabyahe kami. Ayoko siyang kausapin kaya naman isinandal ko ang ulo ko sa bintana ng kotse at pinagmasdan na lang ang mga tanawin sa labas.

" Mommy!" Tumatakbong sigaw ng isang batang babae.

" What happened?" Nag aalalang tanong ng isang Ginang.

" She stole my first kiss." Pagsusumbong nito at tinuro ang pwesto ng dalawang bata

Sinamaan ng tingin ng isa pang ginang ang   dalawang bata na magkamukhang magkamukha marahil ay kambal ang dalawang ito. Nakayuko lamang ang lalaking bata habang pinaglalaruan ang mga daliri nito samantalang nakataas ang isang kilay ng batang babae habang naka crossed arms pa.

" Viezel! Why did you kissed her?" Tanong ng ginang sa batang babae na Viezel daw ang pangalan.

" She's kinda cute that's why I kissed her." Nakangusong sambit nito at di talaga mawala ang pagkataray sa mukha nito.

Nagtawanan ang mga taong nasa paligid nila dahil sa sagot ng batang babae. Habang masama pa rin ang tingin at patuloy na umiiyak ang batang nagsumbong.

"Baby Keirah  nacute-an lang pala si Ate Viezel mo sayo kaya ka niya kiniss eh." Pag aalo ng ginang sa anak nitong umiiyak.

Nagcrossed arms ito at nakangusong tinignan ang mommy niya. Tumingin ng masama ang batang babae sa batang nagnakaw raw ng halik sa kanya.

" But I don't like her! She stole my first kiss. She ruined my dreams to have my first kiss with my Prince charming." Galit na turan ni baby Keirah at nagpapadyak pa. Sa tingin palang nito ay tila ba isinusumpa na niya ito.

" Then I will be your Princess charming." Sabat ng batang Viezel.

Malakas na namang nagtawanan ang mga tao sa paligid nila dahil sa dalawang bata. 

" Iww! I hate you." Nandidiring turan at inirapan ng batang Keirah si Viezel.

" Go ahead hate me until you will fall for me, Mi amor. " Nakangising sambit ni Viezel.

|| Unrequited Love || Empire High University 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon