Chapter 11

106 9 3
                                    


Keirah's POV

Ang higpit ng pagkakayakap ko sa bewang niya habang tinatahak namin ang daan sa lugar kung saan hindi ko alam kung saan ba kami patungo. Sobrang bilis niya magmaneho andami nang bumubusina samin sa tuwing nag oovertake siya ngunit balewala iyon sa kanya.

" Drive slowly!" Singhal ko sa kanya kanina pa ngunit hindi niya ata ako naririnig.

" Please! I'm begging drive slowly! I don't wanna die!" Sigaw ko muli sa kanya and this time ay nahapit ko na ang suot nitong top.

Ramdam ko naman na unti unting bumagal ang pagmamaneho nito at huminto sa gilid. Inalis niya ang suot na helmet at nilingon ako nito.

" Are you crying?" Hindi niya naitago ang pag aalala sa tono ng boses niya.

Umiling ako sagot sa tanong nito sakin kahit pa ang totoo ay kanina pa ako lumuluha simula palang ng umalis kami sa lugar na iyon.

Ang hirap pa ring tanggapin na sa tagal ng panahon kong naging torpe, sa tagal kong tinago ang nararamdaman ko sa kanya sa isang gabi lang pala ay guguho ang mundo ko.

Ito ang kauna unahang may pinakilala siya samin na girlfriend niya kaya ang hirap tanggapin at sobrang sakit. Wala naman ako karapatan na magselos eh dahil hindi naman kami at mas lalong hindi naman niya alam ang nararamdaman ko para sa kanya.

" Look at me, Yumeko." Untag nito sakin.

Ngunit hindi ko maggawang iangat ang tingin ko sa kanya. Ayokong makita na naman niya akong umiiyak. Langya parang ganitong ganito si Greg sakin kanina. Lintek na karma ata ako ha.

" I said look at me." Asik nito sakin at hinawakan ang chin ng helmet ko para iangat ang ulo ko at magtagpo ang mata naming dalawa.

Walang makikitang emosyon sa mukha niya ngunit kakaiba ang sinasabi ng mga mata niya. Nag-aalala siya sakin. Buti nalang at tinted ang visor ng helmet niya kaya hindi pa niya nakikita ng tuluyan ang mukha ko.

Iwinaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa helmet at muling yumuko ng subukan nitong iangat ang visor ng helmet.

" Take me somewhere, Viezel." Tanging sambit ko sa pangalan niya.

Ramdam kong natigilan siya ng tawagin ko siya sa pangalang iyon. Iniangat ko ulit ang ulo ko para tignan siya dahil hindi pa rin ito kumikilos. Bagkus ay bumaba ito ng motor para harapin ako. Nanlaki naman ang mata kong sinundan siya ng tingin.

" Ano pa ba---" Hindi ko natuloy ang nais kong sabihin ng mabilis nitong inalis ang suot kong helmet.

Hindi ko na naggawang iiwas pa ang mukha ko dahil hinawakan nito ang baba ko para tignan siya. Hindi ko napigilang tumulo ang luha ko dahil sa nakikita kong reaksyon sa mga mata niya.

" Let me see when you wanna cry, Lean on me when you're tired, Hug me when you are hurt. I'm always here kapag kailangan mo ng taong nasa tabi mo, Yumeko." Punong puno ng emosyon ang bawat bigkas niya sa mga salitang iyon.

Parang agos na tuluyang tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya. Naisandal ko ang ulo ko sa dibdib niya. Ramdam ko naman ang paghaplos nito sa likuran ko.

Lahat na ng gusto kong ilabas na luha ay inilabas ko. Nanatili lang naman siyang nakatayo habang nasa ganun paring posisyon.

" M-matagal kong inilihim....s-sa kanya yung nararamdaman ko. M-minamahal ko siya ng patago." Humihikbing turan ko. " A-at hindi ako handang makita s-siyang masaya sa i-iba. Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Kung naging matapang ba ako at umamin sa kanya tatanggapin niya ba ako? Kapag ba sinabi ko noon sa kanya na mahal ko siya may chance ba ako? Bakit ba kasi naging duwag ako." Nasasaktan sa saad ko.

|| Unrequited Love || Empire High University 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon