Chapter 16

41 5 3
                                    

Keirah's POV

Nakatitig lamang ako sa puting kisame ng kwarto. Hindi ako makatulog dahil hindi ako komportable kahit pa maayos naman itong tinutulugan ko.

Binalingan ko ang cellphone ko upang tignan kung anong oras na. And it's 3am na pala. Napahilamos ako sa mukha dahil sa inis na di man lang ako dapuan ng antok.

Samantalang itong kasama ko ay ang himbing na ng tulog. And speaking of her siya ang may kasalanan kung bakit hindi ako makatulog. Hindi na kasi ako nito pinabalik dun sa lumang bahay kung saan dapat ako matutulog.

She said na need kong ipahinga ang paa ko and hindi na rin niya ako kayang buhatin pa pabalik kaya naman nandito ako sa rest house kung saan tumutuloy ang ibang professor. Solo namin ang isang kwarto at magkatabi sa isang kama.

Gustuhin ko man na magreklamo ay hindi ko naggawa dahil nakakahiya naman ipakita sa mga prof at kay coach ang pag-iinarte ko lalo na at hindi akma ang uugaliin ko sa harap nila. 

" You can't sleep?" Rinig kong tanong ni Viziel sakin. Nakatalikod ito sa gawi ko.

" Obviously." Sarcastic na sagot ko sa kanya.

" Are you mad?" Tanong niya at nilingon ako nito.

Napairap ako sa kanya. Di ko naman siya mapipilit na samahan ako pabalik sa kinaroroonan ng team ko. Hindi ko rin maggawang magpasama kay Miss Armstrong o Coach kanina dahil nakakahiya lalo na kay MIss Ichigawa.

Ang totoo di lang talaga ako makatulog dahil sa sitwasyon na magkatabi kami. Naiilang akong katabi siya sa iisang kama.

" Hindi." Tanging sagot ko.

Umayos ako ng higa at tumingin sa kisame. Hindi ko kayang makipagtitigan ng matagal sa mga mata niya. Masyadong nakakalunod ang tingin na ipinupukol niya sakin. Wala mang emosyon ang mga mata niya ngunit napaka delikadong tignan.

" Hindi lang ako komportable." Saad ko habang hindi inaalis ang tingin sa kisame.

Di ko alam bakit pagdating sa kanya ay hindi ako nagiging komportableng makatabi siya. Dun pa nga lang sa mansyon niya ng sabihin niyang magtatabi kami ay nailang na ako.

Ramdam ko pa rin ang tingin niya sakin kahit pa hindi ko siya tignan.

" That's better to know na you're just uncomfortable with me kaysa getting mad at me." Sinserong saad niya. " Soon you'll getting used to it lalo na palagi na tayong magtatabi." Himig may panunukso sa kanyang tinig. 

" Huh?" Takang tanong ko sa kanya at nilingon ang gawi niya.

Marahan itong ngumiti sakin na siyang ikinagitla ng sistema ko. Ang makita siyang ngumiti ay sadyang nakakagulat.

" I'll do everything to make you comfortable with me, Mi Esposa." Turan niya.

Napairap ako dahil ayan na naman siya sa pagtawag niya sakin ng ganyan. Hanggang ngayon ba naman ay talagang kina-career niya ang pagiging mag asawa namin. tsk.

" Can you stop calling me that?" Asik ko.

" I can but i won't." Sambit niya.  " You're my wife, Yumeko. I can call you whatever I want."

" That's why I feel uncomfortable. May I remind you, Miss Smith. We're just married because of my Mama Rae. So please stop playing around." Asik ko sa kanya.

" Who said I am playing? Mrs. Keirah Yumeko Clarksson-Smith." Ngising sambit nito.

Hindi ako agad nakakilos ng hilahin niya ako palapit sa kanya. Ngayon ay nakasandal na ang ulo ko sa bandang dibdib niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

|| Unrequited Love || Empire High University 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon