Chapter 1

347 13 0
                                    

Keirah's POV

" ATEEEEE!!!!!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw na iyon sabayan pa ng malakas na kalabog sa labas ng pintuan ko. Nakakarindi sa tenga ang siyang bumungad sa umaga ko.

Bumangon ako ng nakabusangot ang mukha bago ko pinagbuksan ng pintuan ang walang hiyang kapatid ko.

" What the fuck is your problem Zeirah?!" Galit na turan ko sa kanya.

" Ay wit ang baho ng buga ng bunganga mo! magsipilyo ka nga muna." Sambit nito na tila nandidiri pa at nakatakip ang kanyang ilong.

Tinampal ko ang mukha niya dahil sa inis na nararamdaman ko. Binitin na nga niya ang tulog ko, mang aasar pa siya na akala mo tunay talagang mabaho ang hininga ko tsk.

" Aray naman." Daing nito at napahawak sa pisngi niya.

" Shut up bitch! Anong kailangan mo?" Asik ko.

Biglang napangiti ito na akala mo biglang nawala ang sakit ng pagkakatampal ko sa pisngi niya kanina. Nagniningning ang mata nito na akala mo nakakita siya ng isang bagay na kaganda ganda sa paningin niya.

" Woy!" Suuway ko rito.

" Ano ba yan panira ka naman ate eh." Sambit nito na nakakunot ang kanyang noo.

" Ano ba kasing pinunta mo ritong lukaret ka?" Asik ko.

" Ayun na nga ate." Tila kinikilig pang turan nito. " May maganda tayong kapitbahay. myghad I cannot." Maarteng turan nito na akala mo ay kakapusin na ng hininga.

" Tsk. Alam mo puro magagandang babae nalang yang laman ng utak mo. Doon ka na nga aga aga binibwisit mo kong babae ka." Asik ko at tinulak ko pa siya palayo.

Aga aga ginising ako para lang sabihin saking may maganda kaming kapitbahay para namang may paki alam ako tsk. Kababaeng tao ang hilig hilig niya sa babaeng magaganda.

At dahil sira na ang araw ko at malapit na ang pasukan kailangan ko ng mamili ng mga gamit ko. Nakakaexcite talaga kapag malapit na ang pasukan kahit sobrang maisstress na naman sa dami ng mga ipapagawa sa school pero sa tuwing ganitong magpapasukan nakaka excite mamili ng gamit.

Lumabas ako ng bahay gamit ang kotseng iniregalo sakin ni Mama Raegan nuong 18th birthday ko. Ang aking pink porsche na sadyang dream car ko talaga.

" Ateeee!" Rinig ko na namang sigaw sakin ng kapatid ko.

Busangot ang mukha kong nilingon siya at inangat ang middle finger ko sa kanya ng makitang patakbo papalapit sakin. Mabilis na pinaandar ko ang kotse ko habang nakataas pa rin ang kamay ko.

Biglang nag ring ang cellphone ko. Napalunok ako sa takot ng makita ang naka rehistrong pangalan ng caller sa screen ng cellphone ko.

" Hello Ma?" Kinakabahang sambit ko.

" Is that how you say goodbye, Keirah Yumeko Clarksson?" Bakas ang pagiging striktong saad ni Mama Raegan.

Muli akong napalunok dahil sa nakakatakot na boses ni Mama. Nakakatakot si Mama Raegan kapag ganun ang boses niya para ka niyang kakainin ng buhay. Lalo na ng buohin pa nito ang pagbigkas sa pangalan ko.

* Sorry Ma." Sinserong saad ko.

"Hmm..... Umalis ka ng walang pasabi. What am I to you, Keirah?" Bakas ang pagkainsultong saad ni mama.

" P-pupunta lang po ako ng mall bibili po ako ng gamit para sa pasukan." Marahang bigkas ko at punong puno n paggalang.

" See hindi naman ganun kahirap ang magsabi hindi ba?" Sarkastikong saad nito.

|| Unrequited Love || Empire High University 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon