Keirah's POV
Natapos ang praktis namin ng maaga dahil may inasikaso si coach pati na rin si Miss Armstrong ay kasama nito. Ngayon ay nasa room na ako habang kasama ko sila Patrice sa pwesto namin. Hindi ko akalain na magiging classmate pa namin si Aira ngayon.
Kaya naman more kwentuhan kaming tatlo nila Patrice habang si Zev naman ay naka earphone dahil sa ingay ng room kaya mas pinili nitong makinig nalang ng music.
" Babalik ka na rin ba sa panliligaw rito sa kaibigan ko?" Tanong ni Patrice dito na sinamaan ko ng tingin.
Baliw talaga tong babaeng toh imbes na hindi ako makaramdam ng awkward dahil ayokong isipin na magpapatuloy pa rin si Aira sa panliligaw sakin. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. At kung ano man yung nakaraan hindi na dapat ipagpatuliy pa lalo at kasal na ako.
Napabuga ako ng hangin sa kaisipang iyon. May chance pa kayang makatakas ako sa pagpapakasal ko sa taong hindi ko naman mahal?
" Of course! kaya nga ako bumalik dito dahil kay Keirah eh." Nakangiting turan ni Aira habang nakatingin sakin.
" Loko tigil tigilan niyo na nga yang usapan na yan." Awat ko sa kanila.
" Pero iyon talaga ang pakay ko kaya ako bumalik ng Pilipinas, Keirah. Pwede pa rin naman akong magpatuliy diba? Lalo wala ng asungot na umaaligid sayo." Sinserong saad ni Aira.
Timutukoy nito si Greg na siyang karibal niya sakin noon. Hindi ko man sinabi ang patungkol sa paghinto ni Greg na manligaw sakin paniguradong naichismis na ni Ishi sa kanya yun. Bestfriend sila eh.
" Silent!" Singhal ng kararating lang na Prof.
Agad naman na nagsitahimik ang mga kaklase ko maging kami ay umayos ng upo. Katakot takot ang aura ni Viziel sa harapan para itong pinagtakluban ng langit at lupa sa hitsura niya.
" What do you think is this place? The supermarket? The noise from this room reaches all the way down the hallway." Bakas ang galit sa boses nito.
" Nakakatakot naman siya." Rinig kong bulong ni Aira na siyang katabi ko.
" You!" Turo sa kanya ni Viziel.
" A-ako po?" Parang tangang turan ni Aira habang nakaturo pa sa sarili niya.
" Saan ba ako nakatingin? hindi ba sayo? Edi ikaw nga ang tinutukoy ko." Asik nito. "Stand up!"
Para namang nanginginig sa takot si Aira na tumayo. I hold her hand para naman kahit papaano ay kumalma siya. Tumingin ito sa gawi ko at pilit na ngumiti ngunit bakas pa rin ang pagiging kabado niya.
" It's okay." Mahinang turan ko.
" Stand her in front and introduce yourself." Cold na sambit ni Viziel na tila kinakalma nito ang sarili niya.
Marahan akong ngumiti kay Aira para bigyan siya ng lakas ng loob. Naglakad siya sa unahan upang makipagkilala. Ngayon ko lang napansin na ang sama ng tingin sakin ni Viziel.
" What?" Tila bulong na tanong ko sa kanya ngunit inirapan lang ako nito.
Tsk. May sapak ata sa ulo toh eh. Nang iirap pagkatapos akong samaan ng tingin. Wala naman akong ginagawa sa kanya.
Natapos magpakilala ni Aira ng dire diretso itong nagsalita. Agad naman siyang pinaupo ni Viziel ngunit pinalipat niya ito sa pwesto ni Patrice kaya naman ito na ang katabi ko ngayon.
Napabuga nalang ako ng hangin dahil para siyang naiinis kay Aira eh wala naman ginagawa sa kanya yung tao. Laki ng problema niya mula pa kanina.
Habang nagdidiscuss siya sa harapan ay hindi nawawala ang pagpapa recite nito. Ngunit kapansin pansin na parating si Aira ang tinatanong nito kahit pa may mga nagtataas naman ng kamay para sumagot.
BINABASA MO ANG
|| Unrequited Love || Empire High University 1
Romance|| Empire High University Series 1 || StudentxProffesor: This is gxg story so If you are not comfortable with this kind of story. Then pls peacefully leave, I don't need your nonsense opinion.