Keirah's POV
"Tsk. You are a lame kisser."
Napatakip ako sa bibig ko ng kamuntikan na akong madulas at makasigaw dahil sa nagulantang ako kung kaninong boses iyon.
Mukhang dumadamoves na si Trisha sa kanya. Target na siya nito kanina pa kaya hindi na kataka taka kung lalandiin nga siya nito pero ang hindi ko inaasahan ay ang hinahayaan niyang halikan siya ng iba.
Napakuyom ang kamay ko dahil sa kaisipang iyon. Bakit nga ba hinahayaan niya ang mga itong halikan siya. Nung una si Miss Ichigawa ngayon naman ay si Trisha. Baka meron pang iba na hindi ko nahuhuli tsk.
" I-i-i'm a lame kisser?" Tila naman napapahiyang turan ni Trisha.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa sa naging turan niya. Panigurado ay hiyang hiya ito ngayon dahil nasabihan siya na ang lame niyang humalik.
Kilala kasi itong womanizer dito sa EHU. Karamihan sa biktima niya ay mga babae karamihan eh yung mga bago sa EHU ang puntirya niya mapa students man or professors.
Kaya naman bilang kilalang womanizer ng EHU kakahiya iyon sa parte niyang masabihang ang niyang lame humalik.
" Kasasabi ko lang hindi ba?" Sarkastik na turan ni Miss Smith sa kanya.
Yes, Ang babaeng kampon ni Elsa ang siyang kahalikan ni Trisha rito sa washroom. Ang cheap niya para makipaghalikan sa ganitong lugar.
" I'll prove you're wrong." Turan ni Trisha at sa tingin ko ay muli niya itong hinalikan. " Ouch!" rinig kong daing nito.
" Don't you dare kiss me again, You whore." Turan ni Miss Smith.
Ilang minutong katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. Idinikit ko na rin ang tenga ko sa likod ng pintuan dahil baka hindi ko lang talaga marinig ang pinag uusapan nila.
" You're going to regret this Miss Smith." Asik na turan ni Trisha.
" You bet." Tanging turan nito.
Wala na ulit akong narinig pwera sa kaluskos na indikasyon na may lumabas ng washroom. Nakahingang maluwag naman ako dahil sa wakas ay nakaalis na sila.
" Continue your bath, Yumeko." Nagitla ako sa malamig na boses na iyon.
" Y-yeah.". Napasapo pa ako sa noo ko ng mautal ako.
Alam niyang nandito ako? Paano? Eh nasa bandang gitnang cubicle ako ng washroom naliligo and malabong nakikita rin niya ako eh ang taas ng bakod kada cubicle.
" I'll wait you outside." Turan nito.
Hindi na ako nagsalita pa ng marinig ko ang yabag niya palabas ng washroom. Gustuhin ko mang tumutol na maghintay pa siya sakin dahil wala na akong mukhang maihaharap sa kanya dahil paniguradong iisipin nitong ang chismosa ko pa pero dahil siya yon mahirap namang sabihan na wag na maghintay sakin.
Tinapos ko na lamang ang paliligo ko. Lumabas na rin ako ng washroom na nakabihis na. Bumungad naman siya sakin habang nakasandal ito sa pader at naka crossed arms pa.
Talagang naghintay nga siya. Pansin ko na rin na wala ng tao dito sa gym kundi kaming dalawa na lang.
" Miss." Untag ko sa kanya.
Umayos naman ito ng pagkakatayo at nagpamulsa pa sa suot nitong black na slacks.
" Let's go to my office." Turan nito at walang pasabing hinawakan ang kamay ko.
Hila ako nito habang naglalakad kami sa hallway. Maraming nakatingin na students samin at puno ng pagtataka ang mukha nila . Paniguradong magiging trending na naman ako nito sa Fb page ng EHU. Konting kibot ko pa naman dito andaming mga matang nakatingin hays.
BINABASA MO ANG
|| Unrequited Love || Empire High University 1
Romance|| Empire High University Series 1 || StudentxProffesor: This is gxg story so If you are not comfortable with this kind of story. Then pls peacefully leave, I don't need your nonsense opinion.