Keirah's POV
Katatapos ko lang magpalit ng damit bago ako lumabas ng kwarto namin. Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng panlulumo dahil silang dalawa ang kasama ko. And solo ko rin yung isang kama. Mas lalo tuloy akong nalulungkot eh.
Chinat ko na din sila Zev at Patrice kung nasaan na sila. Ang sabi naman nila ay nasa tabing dagat na silang lahat kaya dun na din ako patungo. Wala na rin kasi yung dalawang prof nung lumabas ako ng bathroom mukhang nandun na rin silang dalawa.
Habang naglalakad ay hindi ko inaasahang may makakabangga ako. Napapikit ako dahil expected ko ng matutumba ako ngunit naramdaman ko ang kilabot ng may maramdaman akong kamay sa bandang likod ko. Agad kong idinilat ang mata ko.
" Sabi na ikaw yan eh." Nakangiting turan ni Greg.
Dahil sa gulat ay mabilis na umayos ako ng tayo at dumistansya sa kanya ng konti. Nakakunot ang noo ko dahil hindi ko inaasahang makikita ko siya rito.
" Anong ginagawa mo rito?" Takabg tanong ko sa kanya.
" In-invite ni Tita Sky si mommy." Sagot bito sakin.
Napatango nalang ako sa kanya. Kaibigan din kasi nila mama Raegan ang mommy ni Greg na si Tita Lindsey. Yung direktor ng pelikulang ginagawa ni Zorel ngayon.
" Na excite ako ng malaman na kasama ang pamilya niyo kaya namab nauna na ako sa kanilang umalis." Masayang turan nito.
Tinignan ko ang kabuohan niya. Isang maleta ang dala nitong gamit. Grabe ang dami niyang dala samantalang ilang araw lang naman kami rito. Kami nga tag-isang bag lang ang dala namin siya maleta na. Dito na ba niya balak tumira?
" Buti may kwarto ka pang nakuha?" Tanong ko sa kanya.
" Sa totoo lang pahirapan buti na nga lang dumating si Zorel kanina. Nakakuha daw siya ng isang kwarto dahil saktong nag check out yung isang foreigner. Kaya ayun na din panigurado magiging kwarto namin nila Mommy." Mahabang lintanya niya.
Muli ay napatango na lang ako sa kanya. Sa hindi inaasahan ay nahagip ng mata ko ang isang bulto ng babae sa may bandang likod ni Greg. Agad akong napaiwas sa kanya ng makita kung gaano kasama ang tingin nito sakin habang naka crossed arms ito.
" Mauna na ako hinihintay na rin kasi ako ni Patrice." Paalam ko kay Greg.
" Sure, I'll see you later then." Kumindat pa ito sakin.
Napangiwi na lang ako sa ginawa niya. Ang cringe niya talaga kahit kelan. Hindi na ako nagsalita pa at naglakad naa palayo sa kanya.
Muli ay napadako ang tingin ko sa kinaroroonan ng yelong prof namin kanina ngunit wala na ito roon. Baka umalis na. Grabe yung tingin niya sakin nakakatakot parang may nagawa akong mali sa kanya kung samaan ako ng tingin eh.
May mali ka naman talagang naggawa eh. Tuluan mo ba naman nglaway yung tao kasi siguro ikaw maggagalit eh.
" Tsk." Asik ko sa sarili ko.
Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad patungo sa tabing dagat para hanapin ang mga kasama ko. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang iwasan ng tingin ang mga taong kanina pa tumitingin sakin.
Napakagat ako sa labi ko habang tinitignan ang suot ko. Mukhang hindi ata bagay sakin ang suot ko o baka may dumi ako sa mukha. kaya ganyan sila makatingin. Nakakababa tuloy ng confidence kung titigan nila ako.
" Hi, Miss can i get your name?" Untag ng lalaking bigla na lang sumulpot sa tabi ko.
Napalayo ako dahil sobrang lapit nito sakin na halos magdikit na ang balat namin. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil hindi ako komportable sa presensya nito.
BINABASA MO ANG
|| Unrequited Love || Empire High University 1
Romance|| Empire High University Series 1 || StudentxProffesor: This is gxg story so If you are not comfortable with this kind of story. Then pls peacefully leave, I don't need your nonsense opinion.