Chapter 5

118 8 2
                                    

Keirah's POV

Kahit kulang pa ang tulog ko ay wala akong naggawa kundi ang bumangon dahil sa katok ni mama Raegan sa pintuan ko. Parang zombie aking naglakad patungo sa pinto upang pagbuksan ito. Saktong pagbukas ko ng pintuan ay siyang pagbukas din ng pintuan ni Zeirah na tulad ko ay halatang nabitin ang tulog. May yakap pa itong teddy bear habang nakapikit pa ang mga mata.

" Good Morning,Ma." Sabay na bati naming magkapatid kay mama. Habang humihikab ako kasabay ng pag-uunat.

" Morning. Mag asikaso kayo may pupuntahan tayo." Seryosong sambit nito.

" Saan, ma?" Tanong ko sa kanga na may nagtatakang tingin.

" Nag inivite ang Ninang Sky mo na magswimming ngayong sabado at uuwi tayo ng lunes ng madaling araw para makapasok pa sa kanya kanyang trabaho at eskwelahan." Mahabang lintanya nito. " Pinaasikaso ko na kay manang ang mga gamit ninyo kagabi kaya paghahanda nalang para sa sarili ninyo ang aatupagin niyo." Muling turan nito bago kami inalisan.

Nang makababa na si mama ay bumaling naman ang tingin ko sa kapatid kong nakapikit pa rin ang dalawang mata habang nakasandal sa hamba ng pintuan niya.

Dahil madalas ako nitong asarin at pagtripan ay may kung anobg pumasok sa isip ko na kalokohan. Kinuha ko mula sa kalapit na couch sa kwarto ko ang isang maliit na unan ko at mabilis na ibinato sa gawi niya.

Napatawa ako ng malakas ng tumama iyon sa muoha niya na kamuntikan pa nitong ikatumba.

" Tangina! Ang gago naman!" Asik nito at sinamaan ako ng tingin.

" Buti nga sayo!" Pang aasar ko sa kanya at sinarado agad ng pintuan ko ng akmang ibabato din nito sa gawi ko ang hawak niyang teddy bear.

Tatawa tawa akong pumasok sa bathroom ko para maligo. Paniguradong banas na banas ngayon ang kapatid ko. Buong maghapon sisimangot iyon.

Lumipas ang ilang oras ay natapos na rin ako sa paghahanda ng sarili ko. Maingat na binuksan ko ang pintuan ko. Sumilip na muna ako para siguraduhing wala ang kapatid ko. Nang makasigurado ay ngingiti ngiti akong lumabas at naglakad patungo sa hagdanan para bumaba.

" Good morning, Mommy." Bati ko kay Mommy at bumeso sa pisngi nito.

" Good morning, Kei." Bati rin nito sakin.

" Si mama po?" Tanong ko sa kanya.

Kumuha ako ng isang sandwich na ginagawa nito at agad na kinagat.

" Nasa garage inaasikaso yung kotseng gagamitin natin." Sagot sakin ni mommy.

Tumango lamang ako rito dahil may laman pa ang bibig ko. Naglakad ako patungo sa fridge para kumuha ng fresh milk at isinalin sa isang baso.

Narinig ko naman ang malakas na yapak ng taong pababa ng hagdanan. Lumapit ako kay mommy at hinawakan ang braso nito. Dahil alam kong si Zierah ang bumababa ng hagdanan.

" Good m---." Naputol ang nais sabihin nito ng makita akong nakakapit kay mommy.

Lihim ako natatawa sa hitsura niya. Bakas ang pagkapikon sa mukha niya kaya binelatan ko ito. Napairap lang naman ito sakin bago lumapit kay mommy upang ibeso ito.

" Sakin wala?" Pang aasar ko pa rito.

" Eto sayo." Asik nito bago ako taasan ng middle finger niya.

" Zeirah!" Saway ni mommy sa kanya.

" Si ate naman kasi nauna!" Pagsusumbong nito.

" I didn't do anything." Pagdedeny ko.

" You threw a pillow at my face!" Asik nito.

|| Unrequited Love || Empire High University 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon