Chapter 14

107 8 2
                                    

Keirah's POV

Nang matapos ang klase ko para sa araw na ito ay agad akong nagtungo sa parking lot tulad ng napag-usapan namin kanina.
Hindi pa rin nawala yung sakit ng pwetan ko pero di naman na ito tulad kanina dahil binigyan naman ako ng pain reliever nung nurse sa clinic.

Habang naghihintay ako rito sa parking lot ay di ko inaasahan na may lalapit sakin na lalaki. Matangkad ito
at may katamtaman ang ganda ng katawan niya.

" Hi." Tila nahihiyang turan nito ngunit may marahang ngiti sa kanyang labi. " May I know your name?" Tsaka nito inilahad ang kamay niya.

Napataas ang isang kilay ko dahil sa way ng pagpapakilala nito. Tila naman ito nakaramdam ng pagkapahiya ng hindi ko siya sagutin. Ibinaba nito ang kamay niya.

" Ah....hehehe sorry." Napakamot pa ito sa batok niya.

Nagcrossed arms ako sa harapan niya habang nakatingin ako sa mata niya. Mukhang naintimidate naman ito base sa nakikita kong pagkailang sa kanyang mukha.

Gwapo siya kung tutuusin pero hindi ko type. Hindi rin ako komportable sa presensya niya. Hindi kasi siya familyar sakin. Siguro ay transferee ito.

" I just wanna be friends with you." Naiilang na saad niya at umiwas ng tingin.

" You are?" Tanong ko sa kanya.

Tila nagitla ito ng marinig niya ang boses ko. Tumingin ito sakin na tila di makapaniwalang pinansin ko siya at tinanong kung sino siya.

Muli itong ngumit tila nawala ang hiya nito. Parang biglang naging ibang tao ang kaharapa ko.

" I'm Sebastian, But you can call me Basti." Pagpapakilala nito.

Muli niyang inilahad ang kamay niya sa harapan ko. Tinignan ko lamang ito saglit bago ko inabot.

" Keirah." Pagpapakilala ko.

Bakas ang pamumula ng dalawang pisngi niya ng sandaling hawakan ko ang kamay niya. Ngiting ngiti ito na tila ba akalain mo eh parang modelo ito ng isang brand ng toothpaste sa sobrang puti ng mga ngipin niya.

" Can I grab you a drink? My tre--" Hindi na nito natapos ang pag aya niya sakin ng biglang may nagsalita mula sa likuran ko.

" She's not coming with you." Cold na turan ng taong nasa likod ko.

Nagkabitiw ang mga kamay namin ng sabay naming lingunin ang professora ko. Cold ang expression ng mukha nito habang nakatingin sa aming dalawa.

Naglakad ito papalapit samin. Hindi ko inaasahan ng bigla nitong hinila ang kwelyo ng lalaki. May kung amo itong binulong rito ngunit hindi ko marinig. Ganun nalang ang pagtataka sa mukha ko ng agarang tumakbo ang lalaki palayo samin.

" Anong ginawa mo? bakit mo tinakot?" Tanong ko sa kanya habang nakacrossed arms at nakataas ang isang kilay ko.

" Stop talking with the strangers, Yumeko." Cold na sambit nito. habang inaayos ang gamit na dala niya sa box ng motor niya.

" Nakikipagkaibigan yung tao, Ginanon mo naman." Asik ko sa kanya.

" As far as I remember hindi ka naman basta basta nakikipag usap sa kahit sino. Kung kelan may asawa ka na tsaka ka---" Hindi nito natapos ang nais niyang sabihin ng hampasin ko ang tyan niya.

" Stop your fcking mouth." May pagbabantang turan ko sa kanya. " We're in school permises. When someone might here you, we're dead." Sinamaan ko siya ng tingin.

Tila balewala naman sa kanya yung paghampas ko. Isinara nito ang box niya ng maipasok na niya ang gamit niya sa box. Idinantay nito ang braso niya sa ibabaw ng box habang nakatingin sakin.

|| Unrequited Love || Empire High University 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon