Chapter 7

111 6 3
                                    

Keirah's POV

Sa paglabas ko ng bathroom ay wala na akong nakitang Miss Smith sa kwarto. Napabuntong hininga ako ng maalala ang usapin namin kanina. Alam ko naman na hindi ko dapat sinabi yon.

Wala namang namagitan saming dalawa noon. Kaya wala rin ako sa posisyon na humingi ng paliwanag mula sa kanya kung bakit siya umalis. Bakit ba nadala ako sa emosyon ko eh.

" Lalim ng iniisip mo ha." Hindi ko inaasahang marinig ang tinig ni Miss Armstrong kaya naman nagitla ako.

Sinarado nito ang sliding door mula sa balcony ng makapasok siya dito sa loob ng kwarto. Iba na ang suot nito mukhang mas nauna pa pala siya sakin na magpalit ng damit kanina bago umalis.

" Masama ang timpla ng mukha ng kaibigan ko pagkapasok ko rito. Nakucurious tuloy ako kung anong dahilan non." Tila may himig ito ng panunuri.

" Matagal naman ng ganun ang mukha niya, Miss Lyneth." Sambit ko sa normal na tono habang naghahalungkat ako ng susuotin mula sa maleta ko.

Kung bakit ba naman kasi hindi muna ako kumuha ng susuotin kanina bago pumasok ng bathroom eh. Ayan lumabas tuloy akong nakabathrobe mabuti nalang meron sa bathroom nun.

Narinig ko ang munting tawa nito. " Sabagay kaya nga hanggang ngayon single yun eh. Paano takot siyang lapitan ng mga tao." Tsaka ito natawa.

Napangisi na lang ako dahil sa salitang single na ginamit nito. Hindi ko alam kung sinasadya niya lang ba iparinig yun sakin dahil hindi naman niya kailangan idugtong ang salitang iyon.

" But Miss Ichigaw did." Nakangising turan ko bago ko siya harapin ng tingin.

Tila napakunot naman ang noo nito dahil sa pagtataka. Mukhang clueless siya sa nangyayare sa kaibigan niya at sa Presidente ng EHU.

" What do you mean?" Takang tanong nito.

" I caught them...I---uhm i mean not exactly that I saw them kissing or whatsover did they do. But based on what I saw na parehas magulo ang buhok nila and parehas pa silang may smudge ng lipstick sa labi." Lintanya ko.

Napamaang naman ang labi ni Miss Armstrong bago napabuga ng hininga. Mukha hindi niya inaasahang malaman ang ginagawa ng kaibigan niya.

Tumayo ito at mabilis na lumabas ng kwarto. Nagkibit balikat na lamang ako bago nagpasyang magbihis.

Napaisip ako bigla dahil sa naging aksyon ko. Nasobrahan ata ako ng kadaldalan. Susme kaya minsan ayoko nalang magsalita eh kasi madalas talaga na nasasabi ko ng wala sa oras yung hindi naman dapat.

Natapis akong magbihis at lumabas ng kwarto na patuliy na nakikipagtalo sa sarili ko dahil mukhang yayariin ako ni Miss Smith kapag kinausap na siya ni Miss Armstrong. Syempre ako agad ang iisipin niyang nagdaldal sa kaaibigan niya dahil ako labg naman ang alam niyang nakakita sa kanilang dalawa that time.

" My Princess." Untag sakin ni Greg pagkalabas ko.

" G-greg." Gitlang sambit ko.

" Kanina pa kita hinahanap eh mabuti nalang nakita na kita. " Nakangiting sambit nito.

" Bakit mo ba ako hinahanap?" Tanong ko sa kanya.

" Well, Uhm...Aayain sana kitang gumala muna." Bakas ang pagka excite na sambit niya.

" Gumala ng ganitong oras?" Tanong ko sa kanya. " Tsaka madilim na rin."

" Dyan lang naman sana tayo sa mga stall tsaka maliwanag sa labas dahil nagsisimula na ring magparty ang paligid." Umaasang turan nito.

Napatingin naman ako mula sa bintana kung saan kita ang labas. Medyo maliwanag pa nga dahil sa mga ilaw ng mga stalls sa tabing dagat.

" Okay." Pagpayag ko.

|| Unrequited Love || Empire High University 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon