Keirah's POV
Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang alarm na hindi pamilyar sa pandinig ko. Agad kong tinapik ang katabi ko upang patayin ang alarm nito.
" Ano ba, Keirah!" Reklamo ng katabi ko.
" Turn off your alarm." Reklamo ko habang patuloy pa din na tinatapik ang pisngi nito.
" Aish! nakakainis ka naman eh." Reklamo nito.
Naramdaman ko ang pagbangon nito sa kama para siguro patayin ang digital clock niya kanina pa tumutunog. Babalik na sana ako sa pagtulog ng marinig kong napasigaw ito.
" Fck! Late na tayo!" Gulat na turan niya.
Dahil sa narinig ay napabangon na rin ako. Mabbilis naman na pumasok ng bathroom si Patrice upang maligo. Tinignan ko naman ang digital clock nito. Late na nga kami para sa second subj namin.
Dito ako dumiretso pagkatapos ng naging usapan namin ni Mama Raegan kagabi. Gustuhin ko man na matulog sa bahay ay ako naa mismo ang umalis. Kung ayaw na akong patirahin ni Mama sa bahay bakit ko pa isisiksik ang sarili ko sa kanila.
Hindi ko rin kaya na matulog kasama siya sa iisang bahay dahil sa naging usapan namin. Wala si Mommy dahil meron itong pinuntahang reunion daw nila ng mga friends niya and two days sila dun kaya naman walang umawat samin kagabi.
Hindi ko pa ein lubos maisip na kayang gawin sakin ni Mama Raegan ang ganito maipilit lang ang gusto niyang mangyare. Kaya naman napuyat rin kami ni Patrice kagabi dahil sa kanya ako nagkwento.
Nagulat pa siya ng malaman ang tungkol sa gusto akong ipakasal ni Mama sa prof namin. Hindi niya rin inaasahan na maggagawa iyon sakin ni Mama Raegan. Pati tuloy siya ay galit din kay Mama Raegan.
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa naiisip ko na naman ang nangyayare sa buhay ko. Ang gulo na ng buhay ko simula ng umuwi ang taong iyon. Wala naman siyang balat sa pwet pero kamalasan ang dala niya sakin. Bwisit.
" Patrice hija, Breakfast is ready." Rinig kong tawag ni Ninang Patch kay Patrice.
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ni Patch para harapin si Ninang. Nagulat pa ito ng ako ang bumungad sa kanya. Hindi kasi nila alam na nandito ako sa kanila. Dumating kasi ako rito kagani na tulog na sila mabuti na nga lang at gising pa si Patrice.
" Oh! Keirah nandito ka pala." Gulat na turan ni Ninang Patch.
Bumeso ako sa pisngi nito tsaka ito binati ng magandang umaga. Wala pa ring kupas ang ganda ni Ninang Patch. Kahit nasa mid of 40's na ito ay aakalain pa rin kaming magkakasing edaran eh.
" Gumawa po kasi kami ng school works ninang." Pagsisinungaling ko.
" I see mabuti naman at nagsisipag na ang batang yan." Biro ni ninang.
Sakto naman na lumabas si Patrice na nakatapis lang ng bathrobe niya ng marinig nito ang sinabi ni Ninang.
" Masipag naman ako mommy ha matalino pa." Pagyayabang nito.
" Oo naman masipag ka anak pero yung matalino? Baka sa kalokohan kamo." Pang aasar ni ninang dito na ikinatawa naming dalawa.
Asar na asar namaan si Patrice dahil sa pang-aasar sa kanya ni ninang. Napairap nalang sakin si Patrice na ikinangisi ko lang para tuluyan pa siyang asarin.
"Oh siya bumaba na kayo pagkatapos niyong mag asikaso ng pagpasok. " Saad ni ninang bago kami iniwan.
Isinara ko naman ang pintuan ng makaalis ito dahil magbibihis na rin si Patrice. Samamtalang dumiretso naman ako ng bathroom nito para maligo.
BINABASA MO ANG
|| Unrequited Love || Empire High University 1
Romance|| Empire High University Series 1 || StudentxProffesor: This is gxg story so If you are not comfortable with this kind of story. Then pls peacefully leave, I don't need your nonsense opinion.