Keirah's POV
Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil may praktis kami. Agad akong nagtungo sa gym para magwarm up. Tatlo palang kami nila Ishi at Louise ang naririto.
" Captain!" Untag sakin ni Ishi na kasalukuyang nagstretching.
Nilingon ko ang gawi nilang dalawa ni Louise. May pag aalinlangan sa mukha ni Ishi kaya napakunot ang noo ko. Tumayo ako ng maayos pagkatapos ng tamang bilang sa pag stretch ng katawan ko.
" What is it?" Tanong ko sa kanya.
" Uhm... hindi ko kasi alam kung dapat ko pa bang sabihin toh." Pag aalinlangan nito.
" Just spill it. Ano ba yon?" Takang tanong ko sa kanya.
" Alam kong nasagot na last week yung issue patungkol sa inyo ni Miss Smith." Turan niya na ikinakaba ng dibdib ko.
Parang nagkaron ng bara sa dibdib ko ng marinig ang pangalan nito. Hindi kaya may nakakita samin? Pero imposible naman ata yon lalo kaming dallawa lang sa elevator and wala namang cctv sa loob non.
O baka may nakarinig samin sa loob ng office niya? Fck shit. Ayoko ng maissue sa EHU lalo graduating na ako. Baka hindi ako makagraduate naknampating naman.
" Ayos ka lang, capt?" Tanong ni Louise sakin.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at kabadong tumango sa kanya. Halata naman sa mukha nilang dalawa ang pag-aalala.
" Ayos lang ako, Ano nga ulit yung sasabihin mo?" Untag ko kay Ishi.
Tinignan na muna nito si Louise na tila ba nagtatanong kung dapat pa ba niyang ituloy ang sasabihin niya. Tumango naman ito sa kanya indikasyon na magpatuloy siya.
" Sigurado ka bang wala talagang something sa inyo?" Muling tanong sakin ni Ishi.
Paano ko sasagutin yung tanong niyang iyon? Paano kung hinuhuli lang ako nito. Pero wala rin naman akong dapat katakutan diba?
" Ah...Eh wala naman." Sagot ko sa kanya na napangiwii pa dahil sa sobrang kabado ko talaga.
" Wala?" Di naniniwalang saad nito.
" Yes, wala talaga." Sagot kong muli sa kanya.
" Pero hindi ba family friend niyo ang mga Smith? So, Hindi kayo magkaibigan?" Takang tanong nito sakin.
Hindi ko inaasahang iyon lamang naman pala ang tanong niya. Medyo nakahinga na rin ako ng maluwag dahil hindi naman pala iyon katulad ng iniisip ko.
" Well uhm...ano kasi medyo hindi lang kami close." Sagot ko sa katanungan niya.
" I see sabagay hindi naman kayo magka edad kaya siguro hindi kayo close." Saad naman ni Louise.
Marahan akong ngumit at tumango sa kanya. Ayokong sabihin ang patungkol sa pagkawala nito 13 yrs ago dahil paniguradong magkakaron pa sila ng kasunod na tanong na hindi ko rin naman masasagot.
" Pero close kayo ng kuya ni Zev na si Zorel right? And as I've heard sa parents ko they're twin. So bakit hindi kayo close?" Tanong muli ni Ishi.
Bakit ba ang daming tanong ngayon nitong babae ito? Kelan pa siya nagkaron ng interest sa private life ko? tsk.
" Ewan ko rin." Kibit balikat na sagot ko na lamang sa kanya." Mabuti pa magwarm up na lang tayo." Aya ko sa kanila.
" Last question." Hirit pa ni Ishi.
" Babe, enough na." Awat naman ng Louise sa girlfriend niya.
" Last na lang talaga." turan pa rin nito.
BINABASA MO ANG
|| Unrequited Love || Empire High University 1
Romance|| Empire High University Series 1 || StudentxProffesor: This is gxg story so If you are not comfortable with this kind of story. Then pls peacefully leave, I don't need your nonsense opinion.