Chapter 1

227 7 2
                                    

"Captain! Captain!" napalingon si Marc sa direction nang tumatawag sa kaniya. Humahangos na mukha ni Dex ang kaniyang nabungaran. Kunot-noo siyang umayos ng tayo mula sa kaniyang pagkakayuko sa lamesa, at tuluyang hinarap ang isa sa kaniyang mga tauhan.

"Masikap, bakit? Anong nangyari at para kang hinahabol nang sampung bading?" tanong niya sa kaniyang bata.

"Captain, nawawala po si First Lieutenant De Perio!" bulalas nito sa kaniya.

Agad na binundol ng kaba ang kaniyang dibdib pagkarinig sa sinabi nitong iyon sa kaniya. Kanina lang ay nagbabangayan pa sila ni Dianne at ngayon naman ay nawawala na ito.

"Napakapasaway talaga ng babaeng iyon! Hanapin niyo siya sa buong paligid, baka naglakad-lakad lang iyon," utos niya sa kaniyang mga tauhan habang inililigpit niya ang mapa na nasa ibabaw ng mesa. Hindi maaaring wala siyang gawin sa paghahanap sa pasaway na dalaga. Kaya naman sasama siya sa paghahanap dito.

'Lagot ka talaga sa aking babae ka!' aniya sa kaniyang sarili.

"Maghiwa-hiwalay tayo para mapabilis ang paghahanap kay De Perio. Dex, radyohan mo ako kaagad kapag nauna niyo siyang makita," bilin pa niya sa lalake.

"Copy on that Captain! Men, let's go!" tugon naman ni Dex saka umalis sa kaniyang harapan at lumakad. Habang siya naman ay napabuga nang hangin at naihilamos ang mga palad sa kaniyang mukha. Kinuha niya ang kaniyang baril saka may pagmamadali na ring umalis sa kanilang kampo, upang hanapin si Dianne.

Papadilim na ang paligid kaya puspusan ang ginawa niyang paggalugad sa buong kapaligiran. Hindi siya maaaring magsayang ng bawat segundo dahil buhay ang nakataya rito. Buhay ng babaeng kahit nagpapasakit ng kaniyang ulo, may malaki namang puwang sa kaniyang puso.

"Makikita mo talagang babae ka!" kausap niya sa kaniyang sarili habang naglalakad siya sa gitna ng kagubatan. Tinatalasan din niya ang kaniyang pakiramdam dahil baka may kalabang nagmamanman sa kaniya.

EARLIER...

Nagpatawag pagpupulong si Marc para sa gagawin nilang paglusob sa kampo ng mga rebelde.

"Dex, ikaw ang bahala sa isang grupo, at ako naman ang sa kabila. Paiikutan natin ang kampo nila at walang lulusob hangga't hindi ako nagbibigay ng order. Is that clear?" tanong niya sa mga kasamahan.

"Aye, aye, Captain!" magkakapanabay namang sagot ng mga ito sa kaniya.

"Good. Mag-obserba muna tayo sa paligid bago tayo lumusob sapagkat may nakapagbigay alam sa akin na may bihag raw ang mga ito. Hangga't maaari, kailangan nating matiyak ang kaligtasan ng mga bihag nila," dagdag na imporma pa niya sa mga kasamahan.

"E, Captain Marc, bakit parang wala rito si First Lieutenant Dianne? Hindi ba natin siya isasama sa paglusob?" kunot noong tanong ni Dex sa kaniya.

"Hindi," mabilis niyang tugon dito habang inililigpit ang mapa ng lugar na iyon.

"At bakit hindi?" Napalingon siya nang marinig ang tinig ng babaeng laman ng kanilang usapan ni Dex. Napahinga naman siya nang malalim saka muling hinarap ang kaniyang ginagawa kanina.

"Because I say so," tugon niya kay Dianne.

"Ahm, Captain, mauuna na po ako sa inyo," tila nahihiya namang saad ni Dex saka ito sumaludo sa kaniya. Sinaluduhan din niya ito bago ito umalis sa loob ng tent na kinaroroonan nila.

Hinintay muna nilang makalabas ito bago siya nilapitan ni Dianne. Dalawa na lang sila ngayon sa loob ng tent na iyon kaya paniguradong sasagot-sagutin na naman siya ng dalaga sa paraang nais nito.

"Bakit hindi mo ako isasama sa operasyon?" kagaya ng inaasahan niya, agad siyang tinanong nito.

"Because it's too dagerous, First Lieutenant," tugon niya rito.

"Come on! Palagi mo na lang akong hindi isinasali sa meeting at sa operasyon! Baka naman nakalilimutan mong parte ako ng team na ito, and I am here to help on this mission!" mariing saad nito sa kaniya.

Tumayo naman siya nang tuwid at saka pinagmasdan ang salubong ang mga kilay na si Dianne. Natutuwa siya kapag napipikon niya ito, ngunit naririndi naman siya kapag ganitong tinatalakan na siya nito.

"First Lieutenant De Perio, you will stay here in the camp wether you like it or not. And that's an order!" matapang niyang pahayag sa dalaga.

"I hate you! Kapag natapos ang misyong ito, magpapa-reassign ako sa ibang team. Iyong team na papayagan akong sumabak sa giyera at hindi buburuhin sa kampo!" asik nito sa kaniya saka ito padaskol na umalis sa kaniyang harapan.

"Aba't— Hoy! De Perio, bumalik ka rito! Hindi pa kita dini-dismiss!" tawag niya sa dalaga.

Napailing na lang siya nang hindi man lang siya lingunin ng babae kaya naman napakamot na lang siya sa kaniyang ulo. Noon pa man ay talagang hindi na sila magkasundo ng dalaga, kaya sanay na siya sa ugali nitong iyon.

"Buwisit ka talagang Marc ka! Naku, naku, naku! Kung wala lang sana tayo sa trabaho baka sinapak na kita!" nagmamaktol na saad ni Dianne sa kaniyang sarili.

Naiinis kasi siya kay Marc dahil ayaw siyang payagan nitong sumama sa operasyong gagawin ng mga ito sa makalawa. Hindi naman sa nagpapaka-hero siya, kaya lang kasi pangarap niya talaga ang sumabak sa mga buwis buhay na aktibidad. Puro na lang kasi pagbabantay sa kampo ang ibinibigay ni Marc sa kaniya.

"Ano ako, display? Bakit ba naman kasi sa team pa niya ako ini-assign eh! Puwede namang sa ibang team na lang!" nakabusangot pa rin niyang kausap sa kaniyang sarili.

Maya-maya lang ay may narinig siyang kaluskos mula sa kung saan. Agad niyang dinukot ang kaniyang baril at nagpalinga-linga sa paligid, habang umiikot mula sa kaniyang kinatatayuan. Kalalakad niya kanina, hindi niya namalayang malayo na pala ang kaniyang nararating. Dahil sa inis niya kay Marc, nagpasya na lang siyang umalis upang makapag-isip-isip. Kaya ngayon, ni hindi niya alam kung nasaang parte na siya ng kagubatang iyon.

Isang kaluskos ang narinig niya mula sa kaniyang kanan kung kaya alerto niyang itinutok ang kaniyang baril doon. Handa na niyang iputok ang kaniyang baril nang maramdaman niyang may tao sa kaniyang likuran. Agad siyang umikot at mabilis na nakaiwas sa atake ng taong iyon at tinutukan ito ng baril. Ngunit sa kaniyang pagkamangha, isang lalake naman ang mabilis na nakalapit mula sa kaniyang likuran at inipit ang kaniyang leeg ng braso nito.

"Jackpot tayo tropa!" nakangising saad ng lalake sa kaniyang harapan.

"Oo nga!" tugon naman ng lalakeng may hawak sa kaniya.

Mabilis niyang pinagana ang kaniyang isipan at agad na kumilos upang makawala sa pagkakasakal ng lalake sa kaniyang leeg. Buong lakas niyang tinadyakan ang paa nito at buong puwersang binuhat ito upang ibalibag sa lupa. Dahil sa pagkabigla, namilipit sa sakit ang lalake habang ang isa naman ay agad na humugot ng baril nito at itinutok iyon sa kaniya.

Captain Marc: The Captain of WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon