Napakagaan ng pakiramdam ni Dianne matapos nilang magpa-makeover sa salon kanina. At dahil sa wala naman siyang gagawin pagkatapos nilang magkita ni Grace, nagpa-body scrub at full body massage na rin sila. Kaya ngayon ang sarap-sarap ng kaniyang pakiramdam. Lalo na at ang hanggang balikat niyang buhok ay tuluyan na niyang pinaikli at pina-treatment.
Ngiting-ngiti siya habang naglalakad papasok sa bakuran ng kaniyang lola. Hanggang ngayon doon pa rin siya tumutuloy dahil wala naman na siyang pamilya maliban sa kaniyang abuela. Bata pa lang siya noon nang pumanaw ang kaniyang mga magulang dahil sa isang aksidente. Kaya simula nang pumanaw ang mga ito, ang kaniyang lola at si Kristine na lang ang nakagisnan niyang pamilya.
"Ay, kabayo!" Biglang bumilis ang pagkabog ng kaniyang dibdib nang bigla na lang may tumikhim sa bandang kaliwa ng kanilang bakuran. Muntik pa siyang matumba nang mag-cross ang mga binti niya nang bahagya siyang mapatalon.
"Nice hair!" anang baritonong tinig na iyon. Pilit niyang inaaninag ang lalakeng nakasandal sa pader habang nakatukod ang isang paa sa likuran nito. May kadiliman sa parteng iyon ng kanilang bakuran kaya effort talaga ang ginagawa niyang pagsipat doon. Isang nakaputing t-shirt at maong na pantalon ang naaaninig niya.
"Hoy! Kung sino ka man, puwede bang magpakita ka ng maayos at 'wag magtago sa dilim?" Malakas pa rin ang kabog ng kaniyang didbdib habang inaalerto ang buo niyang katawan. Kung sakali mang masamang tao ang nakikita niya sa loob ng kanilang bakuran, malilintikan talaga ito sa kaniya.
"Relax. Ang tapang-tapang mo naman."
Lalong nagwala ang puso niya nang makita si Marc na naglalakad palapit sa kaniya. Kumalma na ang kaniyang katawan ngunit hindi ang kaniyang puso. Sa halip, parang lalo pa ngang nagwala iyon nang makalapit na sa kaniya ang binata.
"Anong ginagawa mo rito? Saka bakit nasa dilim ka tumatambay?" lakas loob niyang tanong sa lalake.
Humithit naman ng sigarilyo si Marc bago pinatay ang upos sa pamamagitan ng pagtapak niyon. Ipinaling pa nito ang ulo sa bandang kaliwa nito saka ibinuga ang usok ng sigarilyo bago nakangiting humarap sa kaniya.
"Bagay sa iyo," anito sabay haplos sa kaniyang buhok pababa sa kaniyang batok.
Napapikit si Dianne sa paraan ng paghaplos ni Marc sa kaniyang buhok at pagmasahe nito sa kaniyang batok. Dahil maiksi na ang kaniyang buhok, damang-dama niya ang init ng palad nitong nakadampi sa kaniyang balat. Pinaghalong kiliti at tila maliliit na kuryente ang dumaloy sa buo niyang katawan.
"Marc..." paanas niyang wika sa binata na hindi niya alam kung para saan ang pagbanggit niya sa pangalan nito. Para ba sawayin ito? No! Because it doesn't sound like that.
"Hmmm? Tell me, Di," tugon ni Marc sa parehong paraan ng pagbanggit niya sa pangalan nito. Sinamahan pa ito ng marahang paghaplos sa kaniyang balikat pababa sa kaniyang braso, patungo sa kaniyang likod. Marahan siyang kinabig nito palapit sa matigas nitong dibdib habang ang mukha nito ay halos dumikit na sa kaniyang mukha.
Patuloy sa pagwawala ang kaniyang puso habang naguumpisa ng manuyo ang kaniyang mga labi't lalamunan sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha. Amoy na amoy niya ang pinaglahong mint at sigarilyo mula sa hininga ni Marc na lalong nakakapagpabaliw sa kaniya. Kapag ganito na kalapit ang binata, nawawala siya sa huwisyo at hindi makapag-isip ng tuwid.
Napalunok si Dianne kasabay ng pagpikit ng kaniyang mga mata habang hinihintay ang pagdapo ng mga labi ng binata sa kaniyang mga labi. Hindi tuloy niya napigilang makagat ang pang-ibabang labi at basain iyon habang hinihintay ang matamis na halik ni Marc. Hindi rin niya napigilan ag mapaungol nang pagkiskisin ng binata ang kanilang mga ilong.
"Tell me Di, do you want me to kiss you?" panunudyo ni Marc kay Dianne habang ipinagpapatuloy ang paghaplos sa malambot na katawan nito at ang pagkiskis sa kanilang mga ilong. Kanina pa niya gustong halikan si Dianne pero pinipigilan niya ang sarili dahil gusto niyang sa dalaga manggaing iyon.
Tumango ang babae at kumapit sa laylayan ng kaniyang t-shirt kaya napangiti siya at inumpisahang paliguan ng maliliit na halik ang mukha ng dalaga. He's trying to tease her para malaman kung hanggang saan ang pasensiya ni Dianne.
"Marc, are you going to kiss me?"
"I'm kissing you already, Honey," biro niya rito saka muling hinalikan ang gilid ng labi nito.
"The real kiss, idiot!" tila naiinis na wika ni Dianne saka dumilat ang dalaga at akmang itutulak siya nang pigilan niya ito at tuluyang sakupin ang mga labi nito. Saglit lang nagulat si Dianne dahil maya-maya lang ay naramdaman na niyang pumulupot ang mga braso nito sa kaniyang batok at tumugon sa kaniyang halik.
Ayaw pa sana niyang putulin ang kanilang paghahalikan kung hindi lang niya naramdaman ang presensiya ng kung sino sa kanilang paligid. Mukhang ganoon din si Dianne dahil bigla rin itong huminto at hinihingal na napatitig sa kaniyang mga mata.
"I think someone is watching us," aniya saka marahang kinabig niya ito sa kaniyang tabi at inakbayan. Hindi nga sila nagkamali nang makita ang abuela ni Dianne na nakatayo sa balkonahe ng bahay ng mga ito.
"Magandang gabi po," magalang niyang bati sa lola ni Dianne.
"Magandang gabi rin naman, hijo. Ano't diyan kayo naglalambingan ng apo ko. Pumarito kayo sa bahay at baka kung ano ang isipin ng mga makakakita sa inyo riyan," wika ng matanda habang nakangiti ito sa kanila.
Napakamot siya sa kaniyang batok at napangiti habang si Dianne naman ay humagikhik sa kaniyang tabi.
"Humahagikhik ka pa riyan, halika na nga sa bahay niyo at baka magalit si lola," aniya sa dalaga saka ipinaikot ang braso sa leeg nito at hinilang patungo sa bahay ng mga ito.
"Aray!" reklamo ni Dianne saka hinampas ang braso niyang nakapalibot sa leeg nito. Natatawang niluwagan naman niya ang pagkakaipit sa leeg nito saka kinintalan ng halik sa sentido ang babae.
"Pakainin mo ako ha? Nagugutom na ako e. Ang tagal mo kasi," bulong niya sa dalaga.
"At bakit kasalanan ko? Sinabi mo bang pupunta ka rito ngayon? Isa pa, off duty tayo kaya hindi mo ako puwedeng utus-utusan!"
"Okay, okay! Pero nagugutom na talaga ako baka mamaya ikaw pa ang kainin ko," pilyong saad niya rito. Nakatikim tuloy siya ng siko mula sa babae.
"Iyang bibig mo, Gravador! Baka mamaya may makarinig sa iyo!" saway naman ni Dianne.
"Oo na! If I know, gusto mo rin naman iyon," bubulong-bulong na sabi niya. "Uy! Biro lang! Ito naman. De Perio!" tatawa-tawang tawag niya kay Dianne na mabilis na nagmartsang palayo sa kaniya.
"Ewan ko sa iyo! Umuwi ka na!"
Nakangising sinundan naman niya ang dalaga sa bahay ng mga ito. Hindi man sila mag-usap ni Dianne tungkol sa relasyon nila, alam niyang nagkakaunawaan naman ang mga puso nila. Ang importante alam niya at malinaw sa kaniya kung ano talaga ang nararamdaman niya para sa dalaga.
BINABASA MO ANG
Captain Marc: The Captain of War
RomanceCaptain Marc, the handsome and hot Captain of the Philippine Army Task Force. He's so friendly and charming that most of the people around him mistakenly think that he's a playboy. While Dianne De Perio is his hard-headed First Lieutenant, who will...