Nagulat si Dianne nang biglang may umakbay sa kaniya. Kasalukuyan silang nag-uusap ni Mike dahil nakita siya nitong nakatayo malapit sa palikuran ng mga lalake, kung saan siya iniwan ni Marc kanina. Hindi na niya kailangan pang lingunin ang may-ari ng kamay na nakapulupot sa kaniyang balikat dahil kilalang-kilala naman niya ang pamilyar na init ng katawan nito at ang mabangong amoy ng binata.
"Captain Gravador, magandang gabi," bati ni Mike sa binata.
"Lieutenant Reyes, magandang gabi. Mukhang nagkakatuwaan kayo ni Dianne a." Nakipagsukatan ng tingin si Marc kay Mike habang mahigpit itong nakaakbay sa kaniya kaya medyo nakaramdam ng tensiyon si Dianne sa dalawang binata.
"Ahm, nagkita lang kami rito habang hinihintay kita. Nanood din kasi siya ng liga." Hindi niya alam pero she sounded defensive. Para siyang nagpapaliwanag kay Marc sa hindi niya malamang kadahilanan.
"Yes, nakita ko lang si Dianne kaya nilapitan ko siya. Mauuna na rin ako sa inyo. Di, kita na lang tayo sa next assignment natin. Sana magkasama tayo sa next mission," paalam ni Mike sa kaniya na tila nahiyang bigla dahil sa presensiya ni Marc.
Lalapitan sana niya si Mike upang tapikin ang balikat nito kagaya ng parati niyang ginagawa sa mga kasamahan niya nang maramdaman niya ang paghigpit ng akbay ni Marc sa kaniya. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang ngitian at kawayan na lang ito.
"Sige, ingat!"
Ngumiti si Mike saka kumaway sa kanila bago tumalikod at naglakad palayo sa kanila. Nang makalayo na ang binata ay saka niya hinawakan ang kamay ni Marc na nakapatong sa kaniyang balikat at saka marahas iyong tinanggal. Akala siguro ng binata nakalimutan na niya ang inis niya rito kanina.
"P'wede ba Marc?" asik niya rito saka nagmamartsang umalis sa tabi ng binata. Naiinis siya sa sarili dahil kahit anong gawin niya, hindi niya magawang tuluyang magalit kay Marc. Kahit pa nakita niya ito kaninang nakikipagtawanan sa ibang babae.
"Dianne!"
Dianne, Dianne ka riyan! Bubulong-bulong niyang wika sa sarili habang naglalakad palayo.
Ilang ulit pa siyang tinawag ni Marc pero hindi siya huminto hanggang sa makarating sila sa park. Nakita niya ang kaniyang pinsan kasama si Jeff at ilan sa mga kaibigan nito. Mukhang nagkaayos na ang dalawa base sa nakikita niyang paglalambingan ng mga ito. Lalapit na sana siya sa mga ito nang may humawak sa kaniyang kamay.
"De Perio, teka nga, mag-usap muna tayo. Bakit nakikipagngitian ka sa Reyes na iyon?"
"Bakit? Ikaw rin naman a! Ang lagay ikaw puwede, ako hindi? Neknek mo!" Hindi na niya napigilan ang sarili at naibulalas na niya ang kanina pa niya tinitimping inis sa binata.
"O, bakit anong ginawa ko?" gulat na tanong nito.
"Ewan ko sa iyo!"
Ha! Maang-maangan ka pa. Bwiset ka! Nakakuyom ang palad niya sa gigil kay Marc saka iwinaksi ang kamay nitong nakahawak sa kaniya.
"Dianne!" muling tawag ni Marc ngunit hindi niya ito nilingon bagkus mabilis siyang naglakad palapit sa kinaroroonan ng pinsan.
*****
Marahas na napakamot sa ulo si Marc nang layuan na naman siya ni Dianne. Hindi pa nga naaayos ang biglaang pag-iwas nito kanina sa court, heto na naman at nadagdagan pa nang dahil sa pagkausap nito kay Mike. Aaminin niya na nainis siya dahil sa pakikipagtawanan ni Dianne sa lalake samantalang hindi siya nito pinapansin at tila galit pa ito sa kaniya na hindi naman niya alam kung bakit. Masaya lang silang nanonood ng basketball kanina bago siya namili ng maiinom nila. Pagbalik niya, bigla na lang siyang hindi inimik at nagalit sa kaniya.
Wala na siyang nagawa kundi sundan si Dianne at tumabi rito nang huminto sa tapat nina Jeff at Kristine.
"Mukhang huli na kami sa balita ah!" bati niya sa mga kaibigang mukhang nagkabalikan na.
"Hmmm, na-meet mo na pala ang pogi naming Barangay Captain cous eh," panunudyo naman ni Dianne. Salubong ang kilay na napatingin siya sa dalaga nang sabihan nitong pogi si Jeff.
"Anong pogi? May pagnanasa ka ba kay Santos, De Perio?" sita niya rito.
Tinaasan siya ng kilay ni Dianne saka mataray na nagsalita, "Ano naman sa iyo?"
"Hinidi ka puwedeng pumuri ng ibang lalake!" Hindi niya alam pero naiinis siya kapag may ibang lalakeng umaagaw ng atensiyon ni Dianne. Ayaw niyang nakikipagngitian ito sa iba at lalong ayaw niyang pumupuri ito ng iba. Gusto niya siya lang ang ngingitian nito at pupurihin. Selfish, pero iyon ang nararamdaman niya.
"At bakit naman hindi? Out of duty tayo kaya huwag mo akong mamando-mandohan Gravador!" tugon ni Dianne na lalong ikinainit ng ulo niya.
"A, gano'n? Halika rito," wika niya saka hinawakan sa isang braso si Dianne saka hinawakan ng isang kamay niya ang batok ng dalaga bago ito mariing hinalikan sa mga labi nito.
Madiin at mapagparusa ang halik na ipinagkaloob niya rito habang nagpupumiglas ang dalaga. Hanggang sa ipitin na niya sa kaniyang mga bisig ang katawan ni Dianne para hindi makawala sa kaniyang pagkakahawak. Unti-unti namang kumalma ang babae lalo na nang pagaanin na niya ang paghalik dito. He bit her lower lip and slid his tongue inside her lips to explore inside her mouth. Hindi naman siya nabigo nang ibuka ni Dianne ang bibig nito't tanggapin ang kaniyang halik. Napangiti pa siya nang maramdaman ang pagpulupot ng braso nito sa kaniyang batok at gumanti ng halik sa kaniya. Kaya naman lalo niyang hinapit palapit sa kanyang katawan si Dianne at lalong pinalalim ang halik na pinagsasaluhan nila.
Niyakap niya nang mahigpit si Dianne matapos ang makapugto-hiningang halikan nila ng dalaga. Kapwa pa sila hinihingal at malakas ang tibok ng puso nila kung kaya't wala ni isa sa kanila ang nagsalita. Kontento na si Marc sa ganoong ayos nila ngunit kailangan na nilang umalis doon bago pa dumami ang mga taong nanonood sa kanila.
"Okay ka na? Hindi ka na ba galit sa akin?" bulong niya kay Dianne makalipas ang ilang sandali. Tumango naman ang dalaga saka tumingala sa kaniya't ngumiti. Umangat ang gilid ng kaniyang labi saka yumuko upang dampian ng halik sa noo ang babae.
"Halika na. Dumarami na ang mga tao, baka mamaya magawan pa tayo ng scandal dito," yaya niya kay Dianne saka ginagap ang kamay nito. Pinaghugpong niya ang mga kamay nila saka sila naglakad palayo sa lugar na iyon.
"Marc, saan tayo pupunta?" maya-maya ay tanong ni Dianne sa kaniya. Magkaagapay silang naglalakad sa daang tanging ang mapusyaw na ilaw ng mga street lights ang nagsisilbing liwanag.
"Ihahatid na kita, ayaw mo pa ba?" tugon niya sa dalaga habang mabagal na naglalakad.
"Marc..."
"Hmmm?" Tinapunan niya ng tingin si Dianne habang marahan silang naglalakad ng dalaga.
"About kanina..." umpisa ng dalaga. Huminto siya sa tapat ng poste ng ilaw at hinarap si Dianne. Tinitigan niya sa mukha ang dalaga saka hinaplos ang pisngi nito't hinawi ang hibla ng buhok na tumabing sa mukha nito.
"Di, kalimutan na natin iyon, puwede? Pareho naman tayong may pagkakamali, pero hindi na iyon mahalaga. Ang mahalaga ngayon ay ito—magkasama tayo, magkahawak kamay at hindi nag-aaway." Kinurot niya ang tungki ng ilong nito saka kinindatan bago muling naglakad.
Narinig niyang bumuga ng hangin si Dianne saka hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniya. Nang lingunin niya ito, nakangiti na ito at tila wala na ang mga alalahanin sa mukha nito.
I love you!
Nagulat siya nang iyon ang mga salitang naisip niya nang makita ang nakangiting mukha ni Dianne. Mahal na nga ba niya si Dianne? Naipilig niya ang kaniyang ulo saka gumanti ng mahigpit na hawak sa dalaga. Sa ngayon, hindi na muna niya iisipin ang tungkol sa bagong damdaming nadiskubre niya.
BINABASA MO ANG
Captain Marc: The Captain of War
RomanceCaptain Marc, the handsome and hot Captain of the Philippine Army Task Force. He's so friendly and charming that most of the people around him mistakenly think that he's a playboy. While Dianne De Perio is his hard-headed First Lieutenant, who will...