"I'm sorry, hindi ko rin alam kung paanong sasagutin iyang tanong mo," magalang niyang tugon dito.
Nagkatinginang ang mga ito at tila naguluhan sa kaniyang sinabi. Kaya naman para mawala ang nakakailang na tingin ng mga ito, humugot siya nang malalim saka naupo upang sagutin ang mga ito.
"Well, months before kayo mapadpad sa lugar na ito, I've met an accident. Sabi ni Mari nahulog raw ako sa kabayo habang pinapakalma ang nagwawalang baka. Dahilan para mawala ang memorya ko." Napahugot siya ng malalim na paghinga saka tumanaw sa malayo.
"Wala akong maalalang kahit na ano mula sa nakaraan ko—not even my name."
Matamang nakinig sa kaniya ang mga bisita nila habang isinasalaysay niya ang nangyaring aksidente batay sa kuwento ni Mari sa kaniya. Wala ni isa sa mga ito ang umimik hanggang matapos siyang magsalita.
"Ang hirap naman niyan. Nagbabase ka lang sa kung ano ang sinabi sa iyo ng kinikilala mong asawa. Nakatitiyak ka bang totoo lahat ng sinabi niya?" Sinulyapan niya si Dexter na makahulugan ang mga binitiwang salita.
"What do you mean?"
"Sorry dude, pero hindi naman sa sinasabi kong 'wag kang maniwala sa asawa mo. Pero think about it, maliban sa mga sinabi niya sa iyo ano pang ibang ebidensiya ang pinanghahawakan mo para sabihing totoo nga ang sinabi niyang mag-asawa nga kayo? Ni singsing nga wala ka e. Saka sa bahay niyo, may nakita ka na bang mga larawan na magkasama kayo? Hindi sa pinag-o-over think kita, pero parang ganoon na nga."
Natahimik siya sa sinabi ni Dexter at napaisip. Tama ito sa lahat ng mga sinabi nito sa kaniya. Simula nang magising siya, wala ng ibang bagay na ipinakita si Mari sa kaniya na makakapagpaalala sa nakaraan niya. Palagi lang siyang kinukuwentuhan nito ng kung anu-ano na hindi naman niya maalala.
"Tama na iyan. Huwag na ninyong guluhin ang utak ni Dan. Hindi makakabuti kung pag-iisipin natin siya. Baka mamaya lalo lang sumakit ang ulo niya," saway ni Mae sa mga kasama partikular kay Dexter na katabi lang nito.
Nangunot ang noo ni Dan at lalong naramdaman ang pananakit ng kaniyang sintido. Sa pagkakataong ito, hindi siya umaarte lang na kagaya ng sinabi niya kay Mari kanina. Ngayon ay parang pinupukpok ng marilyo ang kaniyang ulo sa tindi ng sakit nito.
"Dan, okay ka lang?" tanong ni Dianne sa kaniya.
"My head," aniya habang nakayuko't minamasahe ang sariling sintido.
Memories start to flash in his mind. Nakapalibot na mga tao at nag-uusap sa gitna ng bon fire habang naghuhuntahan. Nakasuot ang lahat ng fatigue pants at puting t-shirt habang may mga nakasukbit na baril sa balikat. Hindi malinaw ang mukha ng mga tao sa kaniyang balintataw—except to his face. Oo, kasama siya sa kumpol ng mga taong naghuhuntahan sa alaalang sumagi sa isip niya.
*****
Hindi malaman ni Dianne kung paano tutulungan si Marc upang maibsan ang pananakit ng ulo nito. Tumayo siya mula sa kinauupuan at lumapit sa lalake upang tulungan itong hilutin ang ulo nito. Pumuwesto siya sa likuran ni Marc at iniangat ang ulo nito bago marahang hilutin. Narinig niya ang pag-ungol ni Marc habang marahang minamasahe ang sintido nito.
Hindi napigilan ni Dianne na makaramdam ng lungkot at awa sa lalake dahil sa kasalukuyang sitwasyon nito. Kung puwede lang sanang sabihin na niya rito ang lahat nang sa ganoon ay bumalik na ang alaala nito't maisama na nila ito pauwi. Ang kaso hindi naman ganoon kadali iyon. Ayaw niyang lalong maguluhan si Marc at maging dahilan pa iyon ng paglala ng sitwasyon nito.
"Hon!"
Napahinto sa ginagawang pagmamasahe si Dianne sa sintido ni Marc at napaatras nang marinig niya ang boses ni Cassandra. Halos takbuhin nito ang distansiya nila mula sa e-car na sinakyan nito sa sobrang pag-aalala para kay Marc. Nang tuluyan ng makalapit ang babae, mabilis nitong hinawakan ang magkabilang pisngi nito bago inilabas ang gamot sa maliit na bag na nakasukbit sa katawan nito.
"Here, drink this." Mabilis nitong inilagay sa bibig ng lalake ang gamot na dala nito saka pinainom ng tubig.
"Thank you," ani Dan saka tahimik na yumukong muli mula sa kinauupuan nito.
"Hon, I think you need to rest. Ipapahatid na kita sa mansiyon, kami na lang muna ang maglilibot."
"No, I'll be fine. Give me few minutes, magiging okay na rin ang pakiramdam ko."
"Tama si Cassandra, kailangan mong magpahinga. Mas makakabuti na umuwi ka na sa mansiyon kaysa naman sumama ka sa paglilibot ng ganiyan ang kalagayan mo. Baka mamaya lalo pang lumala iyang sakit ng ulo mo," sabat ni Dianne sa usapan ng mag-asawa.
"Kaya nga dude. Ipahinga mo na lang iyan, mamayang gabi na lang ulit tayo mag-bonding," segunda naman ni Dexter.
Sumusukong itinaas ni Dan ang isang kamay nito saka tumayo mula sa kinauupuan nito. "Pasensiya na kayo, babawi na lang ako sa inyo bukas."
"Wala iyon. Magpagaling ka, para naman makasama ka namin bukas sa pag-iikot," wikang muli ni Dexter na sumaludo pa rito.
Tuluyan nang umalis si Dan lulan ng e-car na ginamit ni Cassandra. Inihatid niya ng tanaw ang lalake saka napahugot ng malalim na paghinga. Kaninang halos iuntog nito ang ulo, nakaramdam siya ng pagkataranta kaya agad siyang lumapit rito at hinilot ang ulo nito. Gusto niyang yakapin ang lalake kung hindi lang niya inisip na maaaring maguluhan ito sa kaniyang gagawin.
"Guys, sorry about that. Let's keep going para hindi tayo abutan ng dilim. Don't worry about Dan, he'll be fine. Natawagan ko na ang doktor niya kanina and for sure, maaasikaso siya agad once makarating sila sa mansiyon." Napabaling ang tingin ni Dianne kay Cassandra na sa kabila ng pag-aalala nito, nakangiti nang nakikipag-usap sa kanila.
*****
"So, what's our plan?"
Napatuwid ng upo si Dianne nang marinig ang tanong ni Mike. Kasalukuyan silang nasa labas ng mansiyon at nagtitipon-tipon matapos nilang maghapunan. Alam niyang ang tinatanong nito ay kung paano nila sasabihin kay Marc ang totoo. Ang akala niya noon kapag nakita na nila si Marc, madali na lang nilang maiuuwi ito sa lugar nila. Pero ngayong nakita't nakasama na nila ito, napagtanto niyang hindi pala ganoon kadali iyon. Lalo pa at may amnesia ang binata.
"Actually, I don't know. Hindi ko na alam talaga kung paano natin mababawi si Captain. Kita niyo naman, wala siyang maalala ni katiting tungkol sa atin," sabi niya rito saka tumingala sa kalangitang puno ng mga bituin.
"So, ang ibig mo bang sabihin ay ititigil na lang natin ito? Susuko na lang ba tayo?" muling tanong ni Mike.
"We've come this far, hindi puwedeng sukuan na lang natin ito. Isa pa, may natuklasan kami nila Leon kanina."
Umayos siya ng upo saka kunot-noong sumulyap kay Dexter. "Ano iyon?"
BINABASA MO ANG
Captain Marc: The Captain of War
RomanceCaptain Marc, the handsome and hot Captain of the Philippine Army Task Force. He's so friendly and charming that most of the people around him mistakenly think that he's a playboy. While Dianne De Perio is his hard-headed First Lieutenant, who will...