Makalipas ang ilang araw at sinundo na nga ni Dianne si Kristine sa airport. Masayang-masaya siyang makita ang kaniyang pinsan kaya naman hindi nila namalayan ang oras ng kanilang biyahe. Wala silang tigil sa paghuhuntahan at tawanan habang nasa loob ng sasakyan. Hanggang sa makarating sila sa kanilang bahay. Tinulungan niyang magbitbit ng mga gamit ang pinsan at dinala iyon sa kuwarto.
"Welcome home cous!" nakangiti pa niyang saad sa dalaga.
Bumakas ang magandang ngiti sa mga labi ni Kristine at kuminang ang mga mata nito habang iniikot ang paningin sa loob ng silid na iyon. Wala naman siyang inalis na gamit nito sa kuwartong iyon kaya tiyak niyang ito pa rin ang kuwartong huling beses na inukupa ng dalaga.
"Feels like home! Thank you, Di!"
"I want you to feel at ahome kapag nagbabakasyon ka rito. Kaya naman kahit na anong mangyari, hinding-hindi ko tatanggalin ang mga gamit mo rito. Isa pa, every now and then, binibisita ko rin ito lalo na kapag nami-miss kita."
"Ahhhh. Thank you so much!"
Ilang sandali pa silang nagka-kuwentuhan at nagkumustahan bago niya nasabi ang tungkol sa bagong kapitan ng kanilang baranggay. Walang ideya ang kaniyang pinsan kung sino iyon kaya nakaisip siya ng paraan para magkitang muli ang dating magkasintahan. Alam naman niyang kahit nagkahiwalay ang dalawa, mahal pa rin ng mga ito ang isa't isa. Sa katunayan nga, palaging tsinitsek ni Jeffrey sa kaniya kung kumusta na ba si Kristine. Kaya naman bukas na bukas, titiyakin niyang magkikita at magkakausap ang dalawang ito para maayos na ng mga ito ang kani-kanilang relasyon.
Naputol ang pagku-kuwentuhan nila nang tumunog ang kaniyang cellphone. Ilang beses na niyang kinansela iyon, pero panay pa rin ang tawag ni Marc. Naiinis siyang nagpaalam kay Kristine upang sagutin na ang tawag ng binata dahil tiyak naman niyang hindi siya tatantanan nito. Matapos siyang paasahin ng binata na babalikan kinabukasan, tatawag-tawag ito ngayon?
"Ano bang problema mo? Busy ako at wala ako sa mood makipaglokohan sa iyo!" bungad niya sa binata nang sagutin na niya ang tawag nito. Nasa isang sulok siya ng hardin kung saan malaya siyang makakapagsalita nang walang makaririnig sa kaniya. Ayaw naman kasi niyang mag-alala ang lola at pinsan niya sakaling mag-breadown siya sa inis sa binata.
Few days ago kasi matapos nilang maghalikan at matulog ng magkayakap ni Marc, nangako itong babalik ito kinabukasan para dalawin siya. Pero sa maghapong paghihintay ni Dianne sa binata, ni anino nito ay hindi niya nakita. Kahit ang itext o tawagan siya nito ay hindi man lang nito nagawa. Okay lang naman sana iyon, ang kaso nang sumapit ang gabi, nakita niya itong nakikipagtawanan sa isang babae sa labas ng tindahan. Uminit ang bumbunan niya sa nakita kaya imbes na tumuloy sa tindahan, mabilis na lang siyang tumalikod at naglakad pabalik sa kanilang bahay.
"Di, mayroon ka ba ngayon kaya ganiyang kainit ang ulo mo? Kulang na lang bumuga ka ng apoy sa sobrang galit a. Ano bang ginawa ko? Okay naman tayo noong huling beses tayong nagkita. We even kissed and slept together, kaya hindi ko maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan."
Aba't ang hudas nagmamaang-maangan pa! Gigil na gigil siya kay Marc dahil tila inosente ito't walang ginawang mali.
"A, talaga? Hindi mo alam? 'kay fine! Bye!"
Inis na pinatay niya ang kaniyang cellphone at hinihingal na napahalukipkip sa bahaging iyon ng hardin. She's trying to calm herself dahil ayaw niyang humarap kaninoman na ganoon ang mood. Nang makalma, saka lang siya pumasok sa kanilang bahay upang magpahinga. Hindi na muna niya bubuksan ang kaniyang cellphone dahil tiyak na tutunog lang ulit iyon. Ayaw niya munang makausap si Marc hangga't hindi humuhupa ang inis niya sa binata.
Wala namang kayo, pero makaasta ka daig mo pa ang nagseselos na asawa!
Naipilig ni Dianne ang ulo sa isiping iyon. Somehow she realized na hindi nga naman sila ni Marc kaya bakit siya nagagalit dito?
*****
Napahawi ng buhok si Marc nang bigla na lang siyang babaan ng telepono ni Dianne. Hindi niya alam kung ano bang ikinagagalit ng dalaga dahil kamakailan lang nga ay okay naman sila nito. Simula nang gabing makita niya itong papunta sana sa tindahan kung saan siya nakatayo at nakikipagkuwentuhan sa kaniyang pinsan, hindi na niya nakausap ng maayos ang babae. Nang puntahan naman niya ito sa bahay ng mga ito nang nagdaang araw at kanina, wala naman ito. Kaya nang subukan niyang tawagan ito kani-kanina lang, laking tuwa niya nang sagutin nito ang tawag niya. Ang kaso, for some reason, galit na galit naman ang dalaga sa kaniya.
"Pst! Bad day?"
Napasulyap si Marc sa nagsalita. Huminga siya nang malalim saka inabot ang umuusok na mug na hawak nito. Nasa ilalim sila ng puno ng manga at nakaupo sa kawayang upuan paharap sa kalsada. Sumimsim siya sa mug at bigla ring nailuwa iyon nang mapagtantong hindi pala kape iyon kundi herbal tea.
"Lintik ka! Akala ko naman kape iyan," aniya sa dalaga saka pinunasan ang labi sa kuwelyo ng suot niyang jersey. Nakangisi lang naman si Abby sa kaniya saka nito inilapag sa pagitan nila ang mug na hawak na nito ngayon.
"Nagtanong ka ba? Hindi ko naman inalok sa iyo, kinuha mo na lang basta," wika pa nito. Nanguyakoy ito sa kaniyang tabi saka sumimsim ng tsaa nito.
"Ano ba kasing iniisip mo at parang wala ka sa focus? Sa pagkakakilala ko sa iyo, palagi kang alerto. Anyare?"
Napailing naman siya saka muling sumagi sa isip niya ang mukha ni Dianne. Hindi niya pa rin talaga malaman kung bakit ito nagagalit sa kaniya.
"Teka, babae ba iyan?"
"Wala kang pake! Inumin mo na nga lang iyang tsaa mo," nakaangat ang gilid ng labi niyang saad sa pinsan.
"Uy! Bago iyan a! Binata ka na! Sino siya?" panunudyo ni Abby sa kaniya.
Napahinga siya nang malalim saka sumandal sa sandalan ng upuang inuupuan nila at iniunan ang kamay sa kaniyang ulo. "Baliw!"
"Matagal na. Pero alam mo insan, kung babae nga iyan, bakit hindi mo suyuin? Don't tell me hanggang ngayon hindi ka pa rin marunong manligaw? Lumaki ka ng ganiyan na hindi ka marunong manuyo? Tsk, tsk, tsk! Ang malas naman niya," anito saka muling sumimsim ng tsaa.
"Hindi ko nga alam kung bakit siya nagagalit e. Isa pa, ligaw? Kailangan pa ba iyon? Nahalikan ko na lahat-lahat, liligawan ko pa? Hindi ba matic na, kami na?"
"Ay wow! Bilisin! Pero kahit pa naghalikan na kayo ng babaeng iyon, dapat ipinaaalam mo pa rin kung ano ba talaga kayo. Aba, hindi naman siguro manghuhula ang babaeng iyon para mahulaan kung ano ba ang status ng relasyon ninyo. Isa pa, hindi uso iyang action speaks louder than words sa ganiyang sitwasyon. I-voice out mo iyang nilalaman ng puso mo para sa kaniya. Mahirap kayang manghula."
Napaisip si Marc sa sinabi ng pinsan. May balak naman talaga siyang sabihin kay Dianne ang tungkol sa relasyon nila, kaya lang paano? Galit sa kaniya ang dalaga at parang ayaw siyang kausapin nito. Matagal-tagal pa naman ang bakasyon nila, kaya hindi niya magagawang pasunurin sa kaniya ang dalaga. Well, kahit naman nasa kampo sila sinusuway pa rin naman siya nito paminsan-minsan. Pero at least, hindi siya mapagtataguan nito.
"May liga bukas 'di ba? Bakit hindi mo roon kausapin iyang chicks mo? Ikaw rin, baka 'pag pinatagal mo pa iyan lalo kayong gumulo," saad ni Abby sa kaniya.
Minsan okay rinitong pinsan niyang psyco. Napapakinabangan din niya ang pagiging weird nito.

BINABASA MO ANG
Captain Marc: The Captain of War
RomanceCaptain Marc, the handsome and hot Captain of the Philippine Army Task Force. He's so friendly and charming that most of the people around him mistakenly think that he's a playboy. While Dianne De Perio is his hard-headed First Lieutenant, who will...