Chapter 13

32 2 3
                                    

Ilang araw na lang at babalik na naman sina Dianne at Marc sa kanilang trabaho. Okay naman sila. Okay as in hindi nag-aaway, sweet, palaging magkasama, at parang mag-jowa. Yes, parang mag-jowa. Parang mag-jowa lang dahil hanggang ngayon naghihintayan pa rin sila sa kung sino ang unang aamin. And that made her sad and gloomy. Tama si Jeff, hindi puwedeng manatili sila ni Marc ng ganoon na lang. Naghahalikan, nagyayakapan, sweet-sweet-an pero wala namang label. Oo at masaya siya na ganoon sila ng binata, pero hindi naman p'wedeng hanggang doon na lang ang kaligayahan nila. Kaya nakapagdesisyon na siyang linawin sa binata kung ano ba ang estado ng kanilang relasyon.

Kinakabahang naglakad patungo sa bahay nila Marc si Dianne upang komprontahin ang binata. Kadarating lang nila ni Jeffrey galing sa airport kaya habang malakas pa ang kaniyang loob, pupuntahan na niya ito upang tanungin. Ngunit habang papalapit na siya para namang unti-unting nababahag ang kaniyang buntot. Parang gusto na niyang huminto at maglakad pabalik sa kanilang bahay. Pero hindi na niya magagawa iyon lalo pa at nasa harapan na siya ng gate nila Marc. Ang kaninang kabang nararamdaman niya ay napalitan ng ngitngit at sama ng loob nang makita itong nakikipagharutan sa ibang babae.

Naikuyom niya ang kaniyang mga palad at biglang uminit ang kaniyang bumbunan habang nakatingin sa mga itong masayang naghahagikhikan sa upuang kahoy na nakaharap sa gate ng bahay ng binata. Nagngangalit ang mga bagang niyang napapadyak at mabilis na napatalikod upang pigilan ang sariling mabato ang mga ito. Handa na siyang magmartsang palayo sa lugar na iyon nang marinig niya ang pagtawag ni Marc sa kaniya. Bago pa man siya makahakbang ay nasalikuran na niya ito't nahawakan ang kaniyang braso.

"Saan ka pupunta?" tanong nito sa kaniya.

Lalong uminit ang ulo niya nang marinig ang tanong nitong akala mo'y walang ginawang masama. Nag-ipon siya ng lakas ng loob bago padaskol na humarap sa binata at tingnan ito ng masama.

"Uuwi na! Tutal mukha namang enjoy na enjoy kang makipagharutan sa ibang babae."

"Whoooaaaa! Teka, teka, teka! Chill ka lang. Hindi naman ako nakikipagharutan sa ibang..."

Lalong nag-init ang ulo niya dahil gusto pa yatang magsinungaling nito sa kaniya, samantalang kitang-kita na nga ng dalawang mata niya ang pakikipaglandian nito kanina.

"Alam mo Marc, okay lang. Okay lang talaga! Makipagharutan ka sa kahit na sinong babaeng gusto mo, tutal wala namang tayo 'di ba? Pero sana huwag mo na akong idamay sa mga haharutin mo! Dahil kahit walang tayo, ang sakit pala rito!" mangiyak-ngiyak na sabi niya habang dinudutdot ang sariling dibdib. Sa totoo lang, malapit ng bumagsak ang mga luha niya pero pinipigilan lang niya dahil ayaw niyang mas lalong magmukhang kaawa-awa sa paningin ng lalake.

"Ha? Wait! Di, hindi nga kasi sabi ako nakikipagharutan sa ibang babae..."

Itinaas niya ang isang palad upang patahimikin si Marc dahil ayaw na niyang makarinig ng kasinungalingan mula sa bibig ng binata. Lalo lang siyang nasasaktan.

"Tama na, Marc. Huwag ka ng lumusot." Tuluyan ng nalaglag ang luha sa kaniyang mga mata na marahas naman niyang pinahid saka muling tumalikod sa lalake.

"De Perio! P'wede bang pakinggan mo muna kasi ako bago ka mag-react?" tila inis na wika nito sa kaniya.

"Pst! Mac, hindi pa ba niya alam?" Bumangon ang inis sa puso niya nang marinig ang tinig ng babaeng kaharutan ni Marc kanina.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko e. Kung sinunod mo ako noong una pa lang, 'di sana..."

"Oo na! Huwag mo ng ipangalandakan Miss. Ang laki kong tanga! Ang laki kong tanga kasi dapat nilinaw ko muna at inalam kung ano ba ang tawag sa mga pinaggagagwa namin ng lalakeng ito. Dapat inalam ko kung may girlfriend na ba siya. Okay na?" inis na putol niya sa sasabihin sana ng babaeng tila naaaliw sa kaniya. Ipinagtaka tuloy niya kung bakit hindi man lang ito nagalit sa kaniya.

"Dianne..."

"Fix it. Diyan na nga kayo. Nasa bahay lang ako kapag kailangan mo ng makikinig sa kalokohan mo sa buhay. Ciao!" paalam ng babae saka nakangising kumaway sa kanila. Lalo tuloy siyang naguluhan sa ikinilos nito. Hindi ba dapat inaaway na siya nito at binabantayan si Marc?

"Di, mag-usap tayo ng maayos. Halika sa loob para makapag-usap tayo ng masinsinan at malinawan ka sa mga bagay-bagay."

Dahil occupied si Dianne at naguguluhan pa rin sa mga nangyayari, hindi na siya nakapalag nang hilahin siya ni Marc sa kaniyang braso at akaying papasok sa bakuran ng mga ito. Sa totoo lang nanghihina siya dahil hindi naman siya sanay sa ganoong klaseng komprontasyon. Nang nasa loob na sila ng bakuran ng mga ito, inalalayan siya nitong makaupo sa coffee table na nasa likuran ng puno ng mangga saka ito naupo sa tapat niya at hinawakan ang kaniyang kamay.

"Okay, Di, anong problema? Bakit ka na naman galit na galit sa akin? Dahil ba iyon kay Abby?" tanong ni Marc sa kaniya.

So, Abby pala ang pangalan niya.

*****

Humugot ng malalim na paghinga si Marc saka hinawakan ang baba ni Dianne at marahang iangat iyon upang magtama ang kanilang mga mata. Kitang-kita niya ang sakit sa mga mata ng dalaga at para siyang sinapak dahil doon. Kaya naman dumukwang siyang palapit sa mukha ng babae at hindi napigilang kintalan ng halik ang nakatikom nitong labi. He missed her. Lalo na at nasanay siyang palaging kasama ito sa mga nakalipas na araw.

"Dianne, hindi ako nakikipagharutan o landian sa iba, okay? Kung anoman iyong nakita mo kanina, wala lang iyon. Ganoon lang talaga kami ni Abby," aniya rito na hindi yata nakatulong para mapagaan ang loob ng dalaga. Tinabig ni Dianne ang kaniyang kamay at salubong ang mga kilay na umiwas ng tingin sa kaniya. Bigla tuloy siyang naalarma at inilipat sa tabi ng dalaga ang kaniyang upuan.

"Di, uyyy! Bakit ba nagagalit ka pa rin? Okay, sorry na. Pero puwede bang magsalita ka naman para maayos na natin ito?" sabi niya rito.

"Ayusin mo kasi ang pagpapaliwanag. O, kape. Pampanerbiyos," nakangising saad ni Abby matapos ilapag ang dalawang tasa ng kape sa kanilang harapan.

"Lumayas ka na nga rito. Hindi pa nga kami okay, sumisingit ka na riyan e," pagtataboy naman niya sa pinsan. Tumawa lang ito bago naglakad palayo sa kanila. Minsan talaga wrong timing ang pinsan niya e.

"O, saa ka pupunta?" Maagap niyang hinawakan ang kamay ni Dianne nang tumayo ito mula kinauupuan nito.

"Aalis na ako. Hindi mo na kailangang magpaliwanag. Hindi naman ako bobo para hindi makuha ang nais iparating ni Abby."

"Ha? Dianne, maupo ka nga ulit. Hindi ka aalis hanggat hindi tayo nagkakaayos." Hinila niyang paupo ang dalaga at hinarap ito sa kaniya. Nangislap ang kaniyang mga mata dahil alam na niya kung bakit nagkakaganoon ito.

"Nagseselos ka ba kay Abby?"

"May karapatan ba ako?"

"Huwag mo akong sagutin ng tanong. Nagseselos ka ba sa pinsan ko?"

Captain Marc: The Captain of WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon