Nanigas si Dianne nang biglang yakapin ni Cassandra ang lalake. Gusto sana niyang pumalag at sugurin ang mga ito pero naramdaman niya ang kamay ni Mae na mahigpit na nakahawak sa kaniya. Nang lingunin niya ang kaibigan, mariing umiling ito habang seryoso ang mga matang nakatingin sa kaniya.
"Hey, ladies! Meet my husband, Dan. Dan, honey, sina Dianne at Mae—mga bago kong kaibigan. Actually they're a tourist na naging regular customer ko na sa restaurant," magiliw na pagpapakilala sa kanila ni Cassandra sa asawa raw nito.
Parang pinipiga ang puso ni Dianne habang nakatingin sa dalawang taong magkayakap sa kaniyang harapan. Hindi niya akalain na ganoon kasakit ang unang pagkikita nila ng lalakeng matagal na panahon nilang hinahanap. Ang lalakeng nangako sa kaniyang babalikan siya.
"N-nice meeting you, D-dan," ani Mae saka ito kinamayan nang makalapit ang pareha sa kanila.
"Nice meeting you, Mae," nakangiting wika nito saka bumaling sa kaniya. Bigla ang paglukso ng kaniyang puso nang magtama ang kanilang mga mata. Hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip ng lalake pero tila walang anomang rekognisyon sa mukha nito sa paraan ng pagkakatitig nito sa kaniya.
"Nice meeting you, Dan," kaswal niyang saad saka iniabot ang kamay sa lalake.
Mabilis namang inabot ni Dan ang kaniyang kamay at kapwa pa sila napapiksi nang may tila kuryenteng gumapang sa kanilang mga balat. Alam niyang naramdaman din ni Dan iyon dahil nang tingnan niyang muli ang mga mata nito ay tila may kung anong pagtataka sa mga iyon. Bigla niyang binawi ang kamay sa lalake at mabilis na isinuksok iyon sa kaniyang bulsa upang itago ang panginginig niyon.
"So, what can you say?" punom-puno ng pagmamalaking tanong ni Cassandra sa kanila.
"A-ang guwapo ng asawa mo. Gaano na kayo katagal na kasal?" tanong ni Mae.
Hindi agad nakasagot si Cassandra at biglang napalis ang ngiti nito sa mga labi. Kung hindi nagkakamali si Dianne, nakitaan niya ng pagkataranta ang babae. Ngunit mabilis ding nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at agad na sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito.
"Well, bago pa lang kaming ikinasal ni Dan. Anyway, hon 'di ba sabi mo papasyal ka sa hacienda? Go on, susunod na lang kami mamaya pagkatapos mag-miryenda." Tila itinataboy na ni Cassandra ang asawa nito dahil marahan pa nitong itinulak palayo ang lalake.
"Okay. Please to meet you both, aalis na ako para mag-ikot," anito ngunit hindi naman humahakbang palayo. Naramdaman ni Dianne ang mainit na titig nito na siyang nakapagpasulyap sa lalake. Nang magtama ang kanilang mga mata, tila may katanungan sa mga mata ng lalake na hindi naman niya mabasa. Basta ang alam niya, naguguluhan ito at tila may tanong na gustong masagot.
*****
Nakatanaw sa malawak na lupain si Dan habang nakasakay sa kabayo. Kahit gaano kaganda ng tanawing nasa harapan niya, hindi niya magawang ma-appreciate iyon dahil iisang larawan lang ang pilit na umuukilkil sa kaniyang isipan. Iyon ay ang magandang mukha ng babaeng nakadaupang palad niya kanina. May bahagi ng kaniyang puso't isip na nagsasabing kilala niya ito. Ngunit kung saan at paano, hindi niya matandaan.
Dianne, Dianne, Dianne. Paulit-ulit niyang sambit sa kaniyang isipan habang nakapikit. Pilit niyang inaalala kung saan niya narinig ang pangalan nito dahil sobrang pamilyar niyon sa kaniya.
"Marc!"
Mabilis siyang napamulat ng kaniyang mga mata nang marinig ang pagtawag na iyon. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid at tiningnan kung may ibang tao ba sa lugar na iyon maliban sa kaniya. Makailang beses siyang umikot at nagmasid ngunit wala namang ibang tao roon maliban sa kaniya at ang kaniyang kabayo.
"Marc..." ulit niya sa pangalang narinig niya kani-kanina lang.
Hindi niya maintindihan pero parang pamilyar din ang pangalang iyon sa kaniya. Mariin siyang napapikit at napahawak sa kaniyang sintido nang maramdaman ang pagkirot niyon. Masyado yata siyang nag-isip ng kung anu-ano kaya nakaramdam siya ng pananakit ng kaniyang ulo. Kabilin-bilinan ng doktor na tumitingin sa kaniya na huwag pupuwersahin ang sariling makaalala ng mga bagay-bagay dahil hindi iyon makakabuti sa kaniya.
Ilang minuto rin siyang nanatiling nakayukyok sa ibabaw ng kabayo bago siya nagdesisyong bumalik sa mansiyon. Mukhang kailangan na niyang magpahingang muli dahil sa pananakit ng ulo niya.
Nang makarating siya sa mansiyon, naabutan pa niyang nagkukuwentuhan ang tatlong babae sa receiving area kung saan niya iniwan ang mga ito kanina. Otomatikong napako ang tingin niya kay Dianne na mabilis na nag-iwas ng tingin sa kaniya. Hindi siya sigurado pero parang iniiwasan siya ng babae kanina pa.
"Hon, ang bilis mo namang bumalik. What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Mari habang papalapit ito sa kaniya.
Umiling naman siya at bahagyang nginitian ang babae bago ito inakbayan at dinampian ng halik sa tuktok ng ulo nito. "Nothing. Bigla lang sumakit ang ulo ko kaya I dicided to go back."
"Gusto mo bang tawagan ko si doc para matingnan ka?" nag-aalala pa ring tanong ng asawa sa kaniya.
"Nah. It's okay, I think I just need rest. Bumalik ka na sa mga kaibigan mo, I'll be fine. Don't worry, okay?"
"Okay. Just call me when you need something." Tumango siya matapos dampian ng halik ni Mari ang kaniyang labi. Bahagya pa siyang nailang sa ginawa ng asawa ngunit hindi siya nagpahalata. Ngunit ang ikinagulat niya ay ang pag-aalalang naramdaman nang makita ang sakit sa mga mata ni Dianne nang mapadako roon ang kaniyang mga mata.
"Sige na, aakyat na ako sa kuwarto." Paalam niya sa babae saka tumalikod at naglakad patungo sa hagdanan.
"A, Cassandra, mauuna na rin kami. Medyo hapon na rin naman at baka hinahanap na kami ng mga kasama namin."
Napahinto si Dan sa akmang pag-akyat sa hagdan nang marinig ang pagpapaalam ni Dianne sa asawa. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit siya huminto. Huminto siya dahil iba ang pangalang binanggit nito kay Mari.
Cassandra?
"Are you sure? Hindi ko pa kayo naipapasyal sa hacienda."
"Okay lang. Siguro naman puwede pa rin naman kaming bumalik dito sa ibang araw, 'di ba? Saka sa susunod isasama na rin namin ang ibang mga kaibigan namin para naman makita rin nila ang magandang hacienda mo," nakangiting wika ni Mae.
"Yes ofcourse! Please do visit again next time, para naman maipakita ko sa inyo ang buong hacienda. If you want, I can even offer you to stay for a night or two, para naman masulit ang pag-iikot niya sa hacienda," excited na wika nito sa mga bagong kaibigan.
"Nakakahiya naman..."
"No! Tama si Mari, you can stay here for a night or two. Malaki naman ang mansiyon, sigurado akong kakasya tayong lahat dito," putol ni Dan sa pagtanggi sana ni Dianne. Hindi niya sigurado, pero gusto niyang makasama ng matagal ang babae. Tila may nag-uudyok sa kaniyang mapalapit dito.
"Yeah! See? Even my husband likes my idea. So, what do you think?" tuwang-tuwang sabi ni Cassandra.
"Well, if you insist. Sino ba naman kami para tumanggi sa magandang offer na iyan?" nakangiting wika ni Mae.
"Great! Dianne?" untag ni Mari sa babaeng tila wala ang atensiyon sa pinag-uusapan nila.
"H-ha? O-okay! We'll talk to the boys and let you know kung kailan kami magpapa-ampon," may himig birong sabi nito sa kanila.
Nakaramdam ng tuwa sa puso si Dan nang sumang-ayon na si Dianne. Batid niyang may mali sa nararamdaman niya, pero hindi pa rin niya maiwasang matuwa sa ideya na makikitang muli ang babae.

BINABASA MO ANG
Captain Marc: The Captain of War
RomanceCaptain Marc, the handsome and hot Captain of the Philippine Army Task Force. He's so friendly and charming that most of the people around him mistakenly think that he's a playboy. While Dianne De Perio is his hard-headed First Lieutenant, who will...