"Good morning, hon!" masigilang bati ni Mari kay Dan habang naglalakad siyang palapit sa kama bitbit ang tray na naglalaman ng mga pagkain para rito. Walang emosyong nakatingin sa kaniya ang lalake habang hinihintay ang paglapit niya.
"Dinalahan na kita ng breakfast dahil alam kong hindi mo pa kayang kumilos at maglakad ng maayos. By the way, how are you feeling?" aniya habang maingat na inilalapag ang tray sa bakanteng bahagi ng kama.
"Okay lang ako. Ikaw?" Bahagya pa siyang nagulat nang tanungin siya ng lalake.
Pilit siyang ngumiti rito at tumango bago sumagot, "Great! I feel great. B-bakit mo naman naitanong?"
"Wala naman. Mukhang masarap ang mga ito," nakangiting wika nito saka tumusok ng longanisa sa plato at deretsong isinubo iyon.
"A, oo. Masarap talaga ang mga iyan dahil own recipe ko ang lahat ng iyan. Kaya kumain ka nang kumain, for sure na-miss mo ang mga ito." Naguguluhan man sa ikinikilos ni Dan, agad din namang napalis iyon nang makita niya ang ngiti ng lalake at tila sarap na sarap na reaksiyon nito sa mga pagkaing inihain niya.
"Ikaw, hindi ka ba kakain?" tanong pa nito habang ngumunguya.
Umiling naman siya habang nakangiting pinagmamasdan ito. "I don't eat breakfast."
"A, talaga? So, mag-isa lang akong kumakain palagi noon?" kunot ang noong tanong nito sa kaniya.
"Y-yeah. Pero I always make sure that I prepare your foods personally bago ako magtrabaho. You're my priority—you know," pagsisinungaling niya rito.
Tumango-tango naman ni Dan saka muling sumubo ng pagkain. "Ano naman ang trabaho mo? Saka ako, anong trabaho ko? Kuwentuhan mo naman ako, since I don't even remember anything from my past."
Nabigla siya sa sinabi ni Dan ngunit hindi siya nagpahalata at inumpisahang magtahi ng kuwento. "I have a restaurant in the city which I managed personally dahil masyado akong maarte." Binuntutan pa niya ng mahinang pagtawa iyon saka nagpatuloy sa pagsasalita, "And you, you're managing the entire hacienda since iyon naman ang hilig mo. Kaya ka nga nadisgrasya dahil masyado kang dedicated sa work mo."
"Hmmm, na disgrasiya ako dahil sa pagiging workaholic ko? Paano?"
"Well, maulan noon, tapos may nagwawalang baka sa rancho na sinubukan mong paamuhin. Pinigilan pa nga kita, kaso hindi ka naman nagpaawat at sinugod mo pa rin ang malakas na ulan sakay ng kabayo mo. Pagdating mo sa rancho, imbes na mapaamo mo ang nagwawalang baka, sinugod ka no'n at sinuwag hanggang sa mahulog ka sa kabayo mo na dahilan ng pagkakabagok ng ulo mo. Then here you are, lying in this bed with wounds and lost memory." Napabuntong hininga pa siya habang hinahaplos ang galos sa braso ni Dan.
"Anong nangyari sa nagwawalang baka?"
"Dead. Napilitang barilin ng mga tauhan natin sa rancho iyong baka dahil hindi pa rin ito tumitigil sa pagwawala. Worst, ikaw ang pinuntirya ng bakang tadyakan at suwagsuwagin habang nakahandusay ka sa lupa. God! You don't know how scared I am that day. Akala ko talaga mawawala ka na sa akin ng tuluyan," aniya sa lalake.
Napatango-tango na lang si Dan habang nakakunot ang noo nito. Marahil ay pilit na inaalala nito ang aksidenteng sinasabi niya—na puro kasinungalingan lang naman.
*****
Habang nagkukuwento si Mari sa mga nangyari kay Dan nang araw ng aksidente nito, tila may naramdaman siyang mali sa mga iyon. Oo't posible ngang mawalan siya ng memorya kung sinabi nitong nabagok ang ulo niya, pero mangyayari lang iyon kung may matigas na bagay na humampas o tumama sa ulo niya. Pinagmasdan niya ang mga galos na natamo mula sa aksidente, ngunit ni isa sa mga iyon ay hindi mukhang galing sa sinasabi ni Mari na pagsalakay sa kaniya ng nagwawalang baka. Isa pa kung sinuwag-suwag at pinagtatadyaka siya ng baka matapos niyang mahulog sa kabayo, napaka-suwerte naman niyang buhay pa siya ngayon.
"Dan, Dan!" Biglang napapiksi si Dan nang tawagin siya ni Mari. Hindi niya namalayang nahulog na pala siya sa malalim na pag-iisip.
"Ha? Sorry, masyado lang akong nahulog sa malalim na pag-iisip tungkol sa aksidente ko. Salamat nga pala sa mga pagkaing inihanda mo," nakangiti niyang turan sa babae.
"It's okay. You know I would do everything for you, hon. Ang mabuti pa, magpahinga ka na muna at ilalabas ko na itong mga pinagkainan mo. Then after that, ipapasyal kita sa labas para naman makalanghap ka ng sariwang hangin at ma-practice mo ang mga binti mo sa paglalakad."
"Salamat."
Ngumiti at tumango lang ang babae bago nito binuhat ang tray na dala nito kanina saka naglakad palabas sa silid na iyon. May pakiramdam si Dan na may itinatago sa kaniya si Mari. Kung anoman iyon, kailangan niyang malaman sa lalong madaling panahon. Pero bago iyon, sasakyan na lang muna niya ang kuwento nito habang nagpapagaling pa siya.
*****
Kahit anong pilit ni Dan, wala talaga siya ni katiting na alala sa mga lugar na pinapasyalan nila ni Mari. Ultimo ang sinabi nitong rancho kung saan siya nadisgrasya ay hindi niya matandaan. Inilibot niya ang paningin at wala naman ni isa sa pinangyarihan ng aksidente ang makapagsasabing mamaaaring maging sanhi ng amnesia niya. Flat at puno ng maliliit na mga damo ang kabuuan ng rancho. Walang malalaking tipak ng bato o matigas na bagay maliban sa mga fence sa palibot niyon.
"Mari, puwede ko bang makita ang kuwadra kung nasaan ang mga kabayo?" maya-maya ay tanong niya sa babae.
"Ha? Bakit? I mean, iniisip mo bang sumakay ng kabayo? Hindi ka pa magaling at...at..."
"Silly. Hindi ako mangangabayo, gusto ko lang makita ang mga kabayo. Baka may maalala ako kapag nakita ko sila," aniya rito.
"Fine. Manong, dalahin mo kami sa kuwadra," utos ni Mari sa matandang nagmamaneho ng golf car kung saan sila nakalulan.
Habang nasa daan, pilit pa ring naghahanap si Dan ng mga kasagutan sa kaniyang tanong. Ganoon ba kalala ang tinamo niyang aksidente at wala siyang maalala ni katiting sa kahit saang sulok ng lugar na iyon?
"We're here!" anunsiyo ni Mari saka ito bumaba ng sasakyan at lumigid sa kaniyang tabi upang alalayan siya nitong makababa.
Muli niyang inilibot ang mga mata sa paligid at napahinga nang malalim dahil maski ang lugar na iyon ay hindi niya maalala. Mariin siyang napapikit saka dahan-dahang huminga nang malalim bago muling nagmulat at humakbang palapit sa kuwadra. Malaki ang kuwadrang iyon na sa tingin niya ay kasya ang mga limampung kabayo. Hindi naman siya nagkamali nang pasukin nila ang kuwadra. Malaki nga iyon at malinis. Tahimik ang mga alagang kabayo na may iba't ibang kulay. Ang iba ay kumakain habang ang iba naman ay tila natutulog.
"Ito si Wistle, isa sa mga paborito mong sakyan."
Tiningnan niya ang kabayong tinutukoy ni Mari at dahan-dahang inilapat ang kamay sa noo ng kabayo. Bahagya pa siyang nagulat nang pumiksi ito at umungol. Ngunit sa tulong naman ni Mari, tumahan ang kabayo at naging maamo kalaunan.
"Siya ba ang gamit kong kabayo nang mangyari ang aksidente?" tanong niya sa babae.
"Hindi. Si Black Smith ang gamit mo noon dahil iyon ang kabayong palagi mong ginagamit sa pag-iikot sa rancho. Si Wistle ay ginagamit mo lang kapag gumagawa ka ng exibitions. Ito kasing si Wistle ang inilalaban mo sa mga competions."
So, bihasa pala ako sa pangangabayo kung ganoon. Binawi na niya ang kamay at muling naglakad upang makita ang iba pang mga alagang kabayong nakakulong roon.
"Nasaan si Black Smith?"
"Ahm, matapos ang aksidente, ipinadala ko muna siya sa vet upang matingnan. Nagkaroon kasi siya ng pinsala at tila nagka-trauma. Nagwawala siya kapag nakakakita ng ibang mga hayop. Kaya ayon, ipinadala ko muna sa vet hanggang sa maka-recover siya."
Tumango-tango na lang siya at nagpatuloy sa pag-iikot. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya mananatiling walang alaala, pero gagawin niya ang lahat para bumalik iyon. Ayaw niya ng ganoong pakiramdam. Iyong tipong nangangapa sa dilim at hindi alam kung ano ang naghihintay sa kabilang dulo niyon.
BINABASA MO ANG
Captain Marc: The Captain of War
RomanceCaptain Marc, the handsome and hot Captain of the Philippine Army Task Force. He's so friendly and charming that most of the people around him mistakenly think that he's a playboy. While Dianne De Perio is his hard-headed First Lieutenant, who will...