Chapter 20

62 1 3
                                    

Nang sumunod na mga araw ay palagi nang nagpupunta sila Dianne sa Cassandra's place. Hindi dahil sa masasarap nitong mga pagkain, kundi para kaibiganin ang may-ari niyon. Balita kasi nila na mahirap makapasok sa Hacienda Luis lalo pa at hindi raw basta-basta nagtitiwala ang mga Luis.

Nang araw na iyon, sina Dianne at Mae lang ang nagtungo sa Cassandra's Place. Ang mga kasama naman nilang mga lalake ay nag-ikot sa lugar upang magmanman kung may mga terorista pa bang nanggugulo sa mga tao roon. Pagkatapos kasi ng huling engkuwentro nila sa lugar na iyon—na ilang buwan ng nakalilipas—wala naman na silang nabalitaang nanggugulo sa baryong iyon at tahimik na muli ang pamumuhay ng mga tao roon.

"Welcome back sa Cassandra's Place," nakangiting salubong ni Cassandra sa kanila at bumeso pa ang babae na parang matagal na silang kakilala nito.

"Thank you! Kasalanan mo kung bakit pabalik-palik kami rito. Bukod sa magandang ambiance, masasarap pa ang mga pagkain niyo. Feeling ko nga tumaba na ako sa ilang araw na pagkain dito," biro ni Dianne sa babae.

Humagikhik naman ito saka umangkla sa kaniyang braso at iginiya silang patungo sa puwestong palagi nilang inuukupa. "I'll take that as compliment, dear. Anyway, may gagawin ba kayo after dito?"

"Wala naman. Bakit?" tanong ni Mae.

"Gusto niyong sumama sa akin?" nagniningning ang mga mata nitong tanong sa kanila. Tila nae-excite pa ito habang hinihintay ang kanilang sagot.

"Saan?" kunot noong tanong niya rito.

"Basta! You'll love it there, promise!"

Nagkatinginan muna sila ni Mae at nag-usap sa mata bago nagkibit balikat at nakangiting sumulyap kay Cassandra. "Okay! Make sure na matutuwa kami sa pupuntahan natin ha?" ani Mae.

"Yes, ofcourse! Siguradong-sigurado akong matutuwa kayo sa pupuntahan natin. And I want you to meet my husband," wika nito na tila kinikilig-kilig pa nang banggitin nito ang katagang husband.

"O! May asawa ka na pala?" gulat niyang tanong dito.

Tumango-tango naman ito habang humahagikhik. Kung umakto ang babae ay parang teenager. "Hindi ba halata? Well, basta, after here I will take you to the place that only few people manage to go."

Muli silang nagkatinginan ni Mae. Hindi kaya ang lugar na sinasabi nito ay ang lugar na gusto nilang mapasok? Tumikhim si Dianne saka nakangiting ibinalik kay Cassandra ang atensiyon. Tuwang-tuwa pa rin ang itsura ng babae habang nakatunghay ito sa kanila.

"Kung saan mo man kami isasama, nae-excite na rin kami dahil finally, may bagong lugar kaming mapapasyalan. 'Di ba Mae?"

"A, oo! Pero bago iyan, kumain muna tayo kasi kanina pa nagwawala ang mga anaconda sa tiyan ko e." Hinimas pa ng kaibigan ang tiyan nito.

"Yes, yes, please! Um-order na kayo at kumain, may aasikasuhin lang ako sa office then once you're ready, aalis na tayo," wika ni Cassandra bago ito nagpaalam at naglakad palayo sa kanila.

*****

"Welcome to Hacienda Luis!"

Hindi sapat ang salitang napanganga sa itsura nina Mae at Dianne nang nasa bungad na sila ng hacienda. Inilabas pa nila ang mga ulo sa nakabukas na bintana ng sasakyan at binusog ang mga mata sa magagandang tanawing nakikita nila. All greens and fresh air. Napakasarap sa pakiramdam.

"Grabe! Akala ko sa mga libro ko lang makikita ang ganito kagandang lugar. Hindi ako makapaniwalang mayroon pala talaga nito sa totoong buhay!" bulalas ni Mae saka ito pumikit at sinamyo ang malamig na hanging pumapaypay sa mukha nito.

Humagikhik naman si Cassandra na nakaupo sa harapang bahagi ng sasakyan katabi ng driver nito. "Girls, nasa bungad pa lang tayo ng hacienda, marami pang masmagagandang tanawin sa loob."

Captain Marc: The Captain of WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon