Chapter 19

66 2 1
                                    

Ilang buwan na ang nakalilipas ngunit wala pa ring balita kay Marc. Nawawalan na ng pag-asa si Dianne pero hindi siya puwedeng sumuko na lang lalo pa at wala namang bangkay na natagpuan sa pinangyarihan ng aksidente.

"Di, magkape ka muna. Kanina ka pa nakatutok riyan sa mapa, baka mamaya mabura na ang mga nakalagay riyan."

Kumurap-kurap siya bago tumingin kay Mae na may dalang tasa ng kape. Inabot niya ang inaalok nitong kape bago sumimsim doon. Agad siyang nakaramdam ng ginhawa nang gumuhit sa kaniyang lalamunan ang mainit na kape. Doon lang niya naalalang ilang oras na rin ang nakalilipas mula nang huling inom niya ng kape.

"Salamat Mae."

"You're welcome. Teka, ano ba iyang tinititigan mo sa mapa?" tanong ng kaibigan saka nito sinilip ang mapang nakalatag sa mesa niya. Nasa head quearter lang sila ngayon since hindi naman sila kasama sa misyon ng grupo nila.

"Mae, sa ilang buwang paghahanap kay Marc, halos lahat ng kalapit lugar ng baryo Masukal ay nagalugad na natin. Pero may isang lugar na kahit kailan ay hindi pa natin napupuntahan kasi pribadong lugar iyon at pagmamay-ari ng isang maimpluwensiyang tao sa baryo na iyon."

"So, iniisip mo ngayon, paano kung naroon si Marc? Di, kung doon nga napadpad si Marc, bakit hindi pa siya nagbabalik o nagpaparamdam man lang sa atin hanggang ngayon?" putol nito sa sinasabi niya. Nakahalukipkip si Mae habang nakatunghay sa kaniya bago naglakad patungo sa upuang nasa harapan ng mesa.

"Iyon din ang ipinagtataka ko. Pero posible pa rin 'di ba? Malay mo naman may nangyaring hindi maganda kay Marc. Like..."

"Amnesia?" dugtong ni Mae saka ito sumimsim ng kape mula sa tasa nito.

"Oo! Posible iyon lalo na at malakas ang pagsabog na nangyari nang araw na iyon. Sa lakas ng pagsabog, maaaring tumalon at nahulog si Marc sa banging malapit sa pinangyarihan ng insidente. Mae, kailangan nating mapuntahan ang lugar na sinasabi ko. Kailangang malaman natin kung tama nga ang kutob ko," aniya sa kaibigan habang nakadukwang siya sa harapan ng babae.

"At paano mo naman gagawin iyon? Dianne, huwag na huwag kang kikilos ng hindi sinasabi kila Major ang plano mo. Baka mamaya mawalan ka ng lisensiya at lalong hindi mo mahanap si Captain. Isa pa, baka ikapahamak mo pa iyang naiisip mong gawin."

"Mae, hindi naman ako kikilos ng mag-isa. Sasabihin ko kay Major Castillanos ang tungkol sa sinabi ko sa iyo. Pero siyempre, kailangan kasama ako sa gagawing paggalugad sa lugar na iyon," aniya kay Mae saka sumandal sa upuan at napahinga nang malalim. Hindi pa man kasi naaaprubahan ang plano niyang gawin, nakikini-kinita na niyang matatagpuan na nila si Marc sa lugar na iyon.

*****

"Okay First Lieutenant De Perio, let's do the searching in that place. Magsama ka ng mga tauhan natin at gawin ang paghahanap kay Captain Gravador. But please, come back safe." Tinapik siya sa balikat ni Major Castillanos at marahang nginitian. Para na nilang ama ang matanda kaya ganoon na lang ito mag-alala para sa kanila.

"Yes, Major! Thank you so much po sa support niyo sa naisip kong plano," magalang niyang turan dito.

"Kung hindi lang dahil alam kong may posibilidad nga na nandoon nga si Captain Gravador, hindi kita papayagang mamuno sa paghahanap sa kaniya. Pero since ikaw ang nakaisip ng idiyang iyan, dapat lang naman sigurong sa iyo ko ipagkatiwala iyan. Isa pa, ilang buwan na rin naman ang nakalilipas at hindi pa rin nahahanap si Marc. Let's just hope for the best!" sabi ng matanda saka naglakad pabalik sa upuan nito.

"Thank you, Major. Makaaasa po kayong mag-iingat kami at ipinapangako kong ibabalik si Captain dito."

Tumango ang matanda bago siya dinidmis nito. Masaya siyang umalis sa opisina nito at nag-ayos ng mga gamit na dadalhin niya sa ilang araw na paghahanap kay Marc. Buo ang loob niya at malakas ang pakiramdam niya mahahanap na nila si Marc.

*****

Sa isang Inn tumuloy sina Dianne nang makarating sila sa baryo Masukal. Hindi sila nagbihis militar kundi umaktong sibilyan at normal na bisita lamang sa baryong iyon. Ayaw nilang makakuha ng atensyon at kaguluhan sa lugar na iyon kaya minarapat nilang kumilos ng normal. Nakausap na rin nila ang namumuno sa lugar na iyon at humingi ng permiso sa gagawin nilang paghahanap kay Marc.

"De Perio, okay lang ba kayo ni Mae sa kuwarto ninyo?" tanong ni Mike nang lapitan siya nito sa common area ng Inn na iyon. Kasalukuyan siyang nagbabasa ng balita tungkol sa lugar at inaalam kung gaano kalayo ng Hacienda Luis mula sa kinaroroonan nila.

"Uy, Reyes, ikaw pala. Oo naman okay na okay kami ni Mae sa kuwarto namin. Kayo? Kumusta ang pag-aayos ng mga kasamahan natin sa kani-kanilang kuwarto?" tanong niya rito saka ibinalik sa binabasa ang atensiyon.

"Ayos! Ahm, Di, gusto mo bang mag-ikot-ikot muna sa paligid? Tutal bukas pa naman tayo mag-uumpisa sa trabaho natin."

Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa at pag-aaral sa direksiyong tatahakin nila bukas habang nakikinig kay Mike. Hindi niya alam kung bakit ito sumama sa kanila pero wala naman siyang magagawa kung inaprubahan iyon ng nakatataas. Maya-maya lang ay huminga siya ng malalim saka pinatay ang hawak niyang tablet kung saan siya nakatutok kanina.

"Sige. Tawagin mo na ang iba at mag-ikot tayo sa paligid. Balita ko may masarap na kainan malapit lang dito. Subukan natin ang mga pagkain nila," aniya sa binata saka tipid na nginitian ito. Napakamot sa ulo si Mike at tila nadismaya sa kaniyang sinabi.

"Reyes, bakit? May problema ba?" kunot noong tanong niya sa binata.

"W-wala naman. Sige tatawagin ko na ang iba pa nating mga kasama." Tinanguan niya ito bago umalis sa kaniyang harapan. Naiwan siyang napapailing habang nakangisi dahil alam niyang nasira niya ang diskarte ng lalake. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman niya na gusto siyang pormahan nito, iyon nga lang hindi makadiskarte sa tuwing sinusupalpal niya ito.

Ilang sandali pa at nakita na niya ang paglapit ng mga kasamahan nila, kaya naman tumayo na siya at nakangiting sinalubong ang mga ito. Agad siyang lumapit kay Mae at humawak sa braso nito bago nagpatiunang maglakad palabas ng Inn. Habang nasa daan, hindi niya maiwasang mailang sa tinging ipinupukol ng mga taong madaraanan nila. Kahit nakabihis sila ng normal na kasuotan, parang kakaiba pa rin ang tingin ng mga ito sa kanila.

"Mae, ano bang mali sa mga itsura natin at ganiyan makatingin ang mga iyan?" bulong niya sa kaibigan.

"Nagagandahan at nagwa-gwapuhan lang iyang mga iyan sa atin," humahagikhik namang tugon ng dalaga sa kaniya.

"Baliw!"

"Kidding aside, iniisip siguro nila na sa dinami-rami ng mga pasyalang magaganda malapit sa baryo nila, bakit dito tayo nagbabakasyon? Ang wierd nga naman kasi no'n." May punto naman si Mae. May kalayuan nga namana ang lugar na iyon sa mga pasyalan.

Maya-maya lang ay napahinto na sila sa tapat ng isang kainang nakita niya sa binabasa niyang artikulo kanina. Isa iyong Filipino-Japanese reaturant na tiyak niyang magugustuhan ng mga kasama niya. Pagpasok pa lang nila ng restaurant ay agad silang binati ng mga tao roon at iginiya sa lamesang uukopahan nila. Dahil wala namang gaanong tao, malaya silang nakapamili ng puwestong nais nilang upuan.

Maganda ang interior ng lugar. Maaliwalas at presko dahil na rin sa open capis sliding doors na nakapalibot sa restaurant. Ang mababang mesa ay yari sa narra at ang upuan ay malambot na bean bags. At ang sahig ay yari sa makintab na tabla. Hindi crowded ang lugar dahil may sapat na distansiya sa bawat mesa at upuan. Napangiti siya at napasinghap nang umuhip ang mabining hangin sa kaniyang mukha. Ang sarap sa pakiramdam.

"Hi! Welcome to Cassandra's Place. Ako nga pala si Cassandra Luis, ang may-ari ng restaurant na ito. Dayo lang kayo rito 'no?" nakangiting wika ng mestisang babaeng nagpakilalang may-ari ng kainan.

Otomatikong napamulat si Dianne at napasulyap sa babae. Maamo ang mukha nito at maganda ang ngiting ibinibigay sa kanila ngunit sa 'di niya maipaliwanag na kadahilanan, tila may kakaiba sa babaeng ito.

"Luis?" pabulong na saad niya.

"Yes! Luis. May kilala ka bang Luis ang apelyido?"

Bigla siyang napatuwid ng upo at alangang ngumiti rito. Hindi niya akalaing maririnig siya nito. "A, wala naman. Medyo pamilyar lang iyong apelyido mo."

"A, yeah. Siguro narinig mo na ang tungkol sa Hacianda Luis. Ang pamilya ko ang nagmamay-ari noon." Pagmamalaki nito sa kanila.

That's it! Maaaring makatulong siya sa amin.

Captain Marc: The Captain of WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon