"Hey!"
Napalingon si Dianne nang biglang may tumabi sa kaniya at sumandal sa railings ng terrace kung saan siya nakapangalumbaba habang nakatanaw sa malawak na lupain ng mga Luis. Tipid na nginitian niya si Mike at saka muling ibinalik ang tingin sa kaniyang harapan. Humugot pa siya nang malalim na paghinga saka tumayo ng maayos.
"Ang lalim a!" sita ni Mike sa kaniya. Ngiti lang ulit ang isinagot niya rito bago ginaya ang pagkakasandal nito saka humalukipkip.
"Iniisip mo pa rin ba siya?"
Sinulyapan niya ang lalake saka tumango. "I can't help it. He's so close but yet so far. Nariyan lang siya pero hindi ko naman siya magawang hawakan at yakapin—ang hirap!"
Marahan siyang tinapik ni Mike sa kaniyang likuran at nginitian. "Mahal mo talaga siya 'no?"
"Sobra!" May bumikig sa kaniyang lalamunan at tila babagsak na naman ang mga luha sa kaniyang mga mata kaya agad siyang tumingala. Kagat ang kaniyang pang-ibabang labi, kumurap-kurap siya upang pigilin ang napipintong pagbagsak ng kaniyang mga luha. Kaya bahagya pa siyang nagulat nang kabigin siya ni Mike payakap dito.
"It's okay to be weak sometimes, you know," bulong nito sa kaniya.
Dahil sa sinabing iyon ni Mike, parang bukas na gripong naglandas ang mga luha niya sa kaniyang mga mata. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ng lalake at hinayaan ang sariling umiyak. Ibinuhos niya lahat ng frustrations niya kay Marc sa pamamagitan ng pag-iyak. Ipinagpasalamat niyang hinayaan lang siya ni Mike hanggang sa gumaan ang kaniyang pakiramdam.
"Okay ka na?" masuyong tanong nito habang hinahagod ang kaniyang likuran. Tumango-tango naman siya saka niluwagan ang pagkakahawak sa damit nito. Mabilis niyang pinahid ang kaniyang mga luha habang nakasubsob sa dibdib ni Mike.
"Aherm!"
Marahan niyang naitulak si Mike at patalikod na dumistansiya rito nang may tumikhim mula sa bukana ng terrace kung saan sila nakatayo ng lalake. Kinalma niya ang sarili habang pasimpleng pinapahid ang ang natitirang luha sa kaniyang mga mata. Habang si Mike naman ay nanatili sa kaniyang tabi habang nakatingin sa bagong dating.
"Kanina pa namin kayo hinihintay sa baba, nadito lang pala kayo. I hope I didn't disturb anything."
Napadiretso ng tayo si Dianne nang marinig ang tinig ni Marc. Bigla kasing naging abnormal ang pagpintig ng kaniyang puso nang marinig ang tinig ng lalake. Sa tono ng boses nito, tila iritable ito. Iritable? Kanino? Sa kanila ba ni Mike? Bakit?
"May pinag-uusapan lang kami," tugon ni Mike habang siya ay makailang beses na humugot ng malalalim na hininga—kinakalma pa rin ang sarili—lalo pa at parang tambol sa bilis at lakas ng pintig ng kaniyang puso.
"Really? It doesn't look like that. It's more likely you're doing something rather than you're discussing something," nang-uuyam na wika nito. Sa kabila no'n hindi pa rin naman naikubli ni Dan ang iritable sa tinig nito.
"You can think whatever you want to think, M-Dan," aniya saka humarap at humawak sa braso ni Mike upang kumuha ng lakas. Pakiramdam kasi niya anomang sandali, bibigay ang mga tuhod niya.
"Tara!" yaya niya kay Mike saka nag-umpisang humakbang pababa kung saan naghihintay ang mga kasama nila. Pinilit niyang maglakad ng normal kahit pa nangingig siya dahil sa presensiya ni Dan na alam niyang nakatingin sa kanila.
"Next time, ilugar niyo ang paglalambingan ninyo dahil may mga taong kanina pa naghihintay sa inyo. It's so unfair for them to wait just because someone is busy doing some other business apart from the things that suppose to be done."
Nagpanting ang tainga ni Dianne at napahintong nilingon ang lalake. Handa na sana niyang sungitan ito pero maagap na pinisil ni Mike ang kaniyang kamay na nakakapit sa braso nito. Nang sulyapan niya ito, kinindatan lang siya nito na tila sinasabing 'wag ng patulan ang lalake. Kaya naman napabuntong hininga na lang siya at muling pumihit patungo direksiyong tinatahak nila kanina.
"Good job," bulong ni Mike na inilapit pa ang mukha sa kaniyang tainga. Hindi niya alam kung para saan ang sinabing iyon ng lalake, pero hindi na lang niya pinansin iyon at nagtungo na sa baba kung saan naroon ang iba pa nilang mga kasama. Habang si Dan ay naiwang tila nagpupuyos sa galit.
Galit? Hindi ba dapat ako ang galit dahil sa wala siyang maalalang ni katiting tungkol sa amin?
*****
Inis na napahilamos si Dan habang sinusundan ng tingin ang papalayong sina Dianne at Mike. Kanina nang makita niya ang mga itong magkayakap, bigla siyang nakaramdam ng pagrerebelde sa kaniyang puso na naging dahilan upang pagsalitaan ng hindi maganda ang mga ito. Naiinis siya sa kaniyang nakita at naiinis siya sa kaniyang sarili dahil sa kakaibang nararamdaman niya para sa babae. May asawa siyang tao, for God's sake! Hindi dapat s'ya nakararamdam ng selos sa ibang babae maliban sa asawa niya.
Selos? Damn! Saan galing iyon?
Ilang sandali munang nanatili si Dan sa terrace upang kalmahin ang sarili bago bumaba. Kailangan niyang gawin iyon dahil kung hindi, baka kung ano na namang masabi at magawa niya kina Dianne na tiyak niyang pagsisisihan niya pagkatapos.
"There you are!" malambing na bati ni Mari sa kaniya nang makita siya nitong pababa ng hagdan. "Let's go, para hindi sayang ang araw," sabi pa nito saka kumapit sa kaniyang braso.
Agad nagtama ang mga mata nila ni Dianne nang igala niya ang paningin sa paligid. Tila may pumiga sa puso niya nang makita ang lungkot sa mga mata nga babae. Gusto niyang lapitan ito at yakapin na para bang iyon ang tamang gawin. Pero bago pa man niya magawa iyon, umiwas na ng tingin si Dianne at dumikit kay Mike na muling nakapagpairita sa kaniya.
Habang nasa pamamasyal, hindi maiwasan ni Dan ang mapasulyap paminsan-minsan kay Dianne lalo na at palaging nakadkit dito si Mike. Hindi niya maipaliwanag pero parang may parte ng kaniyang puso at isip ang nagsasabing ilayo niya ang babae sa lalake. Pakiramdam niya kasi parang binuhusan ng alcohol ang kaniyang puso sa tuwing makikita ang mga itong nagtatawanan o nagngingitian.
"Hon, okay ka lang ba? Kanina ka pa parang tense. May masakit na naman ba sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Mari na marahang pumisil sa kaniyang braso. He almost forgot that he's with his wife dahil masyado siyang abala sa pagsulyap kay Dianne.
"Yeah, I'm fine. Medyo kumikirot lang ang ulo ko, pero okay lang naman ako," pagsisinungaling niya sa babae.
"Ha? Gusto mo bang bumalik na tayo sa masiyon para makapagpahinga ka? Tatawagan ko si Tamara para matingnan ka." Tila natataranta ang babae habang nakatingin sa kaniya.
Umiling naman siya at tipid na nginitian ito. "No need. Mawawala rin ito. Siguro kailangan lang magpahinga sandali, masyado kasing mainit baka dahil doon kaya kumikirot ang ulo ko," aniya saka hinaplos ang pisngi ni Mari.
"Okay. Guys, let's take a rest muna to freshen up. Magpapadala ako ng refresher and miryenda rito. Please feel free to sit anywhere while we're waiting," nakangiting anunsiyo nito bago siya muling binalingan ng asawa.
"Are you sure na magiging okay ka lang? I just need to go back sa mansiyon para magpahanda ng miryenda. I'll take your medicine na rin para mabawasan iyang pananakit ng ulo mo," wika nito.
Tumango-tango naman siya bilang tugon dito. Hinalikan naman siya ni Mari sa gilid ng kaniyang labi bago ito tumalikod at nagmamadaling sumakay sa e-car na maghahatid dito sa mansiyon.
"Ang suwerte mo sa asawa mo 'no? Maganda na, maalaga at mabait pa. How do you guys met?"
Napalingon si Dan sa nagtanong at hindi malaman kung paanong sasagot sa tanong nito. Paano nga ba sila nagkakilala ng asawa? Paano nag-umpisa ang istorya nila?
BINABASA MO ANG
Captain Marc: The Captain of War
RomanceCaptain Marc, the handsome and hot Captain of the Philippine Army Task Force. He's so friendly and charming that most of the people around him mistakenly think that he's a playboy. While Dianne De Perio is his hard-headed First Lieutenant, who will...