"I'm counting on you, Captain Gravador. Alam kong magiging successful ang misyong ito. Please be careful and come back all safe—if posible." Tinapik siya sa balikat ni Major Castillanos.
"Aye, sir! Me and my team will do everything for the success of this mission," tugon niya sa matanda saka sumaludo rito.
"Okay, I am now dismissing you."
Tinanguan niya ang matanda bago lumabas ng silid na iyon. Alam niyang delikado ang susunod na misyon nila at hindi kagaya ng mga naunang lakad nila. Mas agresibo kasi ang mga rebeldeng makakasagupa nila at walang sinisinong tao. Pati mga batang walang kalaban-laban ay dinadamay ng mga ito ayon sa kanilang impormante. Bukod doon, ginagamit ng mga rebeldeng ito ang mga batang iyon sa pakikipagdigma. Pinahahawak ng mga delikadong armas at isinasabak sa giyera. At iyon ang magiging malaking pagsubok sa kanila. Dahil hangga't maaari, ayaw niyang may mapapaslang na mga inosenteng mamamayan. Lalong-lalo na ang mga batang iyon. Napahinga siya nang malalim saka sumampa sa helicopter na magdadala sa kanila sa Baryo Masukal—ang lugar kung saan magaganap ang bagong misyon nila.
"Captain, okay ka lang?" tanong ni Dianne na nakaupo sa kaniyang tabi.
Nginitian naman niya ito saka ginagap ang kamay ng dalaga. "Oo naman, lalo na at kasama kita."
Gumanti ng ngiti si Dianne at pinisil ang kamay niyang nakahawak dito. Ayaw niyang mag-alala ang dalaga lalo pa at hindi maganda ang kutob niya sa misyong ito. Sa tagal nila sa serbisyo, ngayon lang siya nakaramdam ng alinlangan sa misyong susuungin nila. Hindi rin niya maipaliwanag pero parang may nagsasabi sa kaniyang hindi magiging maganda ang kahihinatnan ng misyong iyon.
Nang makarating sila sa Baryo Masukal, maingat nilang ininspeksyon ang lugar bago nagtayo ng mga tent na magagamit nila para sa ilang araw, lingo o buwan nilang pananatili roon. Abala ang bawat isa sa kanila habang siya ay matamang pinag-aaralan ang mapang nakalatag sa working table nila. Akmang-akma ang pangalan ng baryong iyon dahil masukal nga talaga ang lugar at mahirap matukoy ang kutang pinagtataguan ng mga kalaban nila. Kung titingnan ang mapa, halos pare-pareho ang lugar na makikita. Wala man lang siyang makitang palatandaan kung saan malapit ang kuta ng mga rebelde.
"Captain, handa na ang hapunan."
Agad siyang tumayo ng maayos at hinarap ang isa sa mga tauhan niyang kapapasok lang sa tent na iyon kung saan niya pinag-aaralan ang mapa. Humugot pa siya nang malalim na paghinga bago maingat na inirolyo ang mapa at isinilid sa lalagyan bago naglakad palapit kay Dexter. Tinapik niya ito sa balikat at saka inakbayan bago naglakad palabas ng tent.
Tahimik at payapa ang naging hapunan nila at nag-assign na rin siya ng mga tauhan nilang magpapalitan sa pagbabantay habang nagpapahinga ang iba. Samantalang siya ay nakatutok pa rin ang mga mata sa mapa at pilit na inaaral kung paano silang sasalakay sa kampo ng mga rebelde. Pinag-aaralan niya kung paanong atake ang gagawin nila na hindi masasaktan ang mga batang kasapi ng mga ito.
"Captain, bakit hindi ka pa nagpapahinga?"
Mabilis siyang napatingin sa pinanggalingan ng tinig na iyon at napangiti nang makilala kung sino iyon. Nawala ang pagkakakunot ng noo niya at napalitan ng pangingislap ng matang nilapitan ang dalaga. Agad niyang ikinulong sa kaniyang bisig ang babae at isinubsob ang mukha sa pagitan ng ulo at balikat nito. He felt relax and seems like all his worries swept away.
"Ikaw, bakit gising ka pa? Dapat nagpapahinga ka na rin, maaga pa ang gising mo bukas," paanas na wika niya sa kasintahan.
"Pinuntahan lang kita para mag-good night."
Naramdaman niya ang mahigpit na pagyakap ni Dianne at ang marahang paghagod nito sa kaniyang likuran. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng kakaibang ginhawa sa ginawang iyon ng dalaga. Pakiramdam niya ay pinaghehele siya ng haplos nito kaya bago pa siya makatulog sa ayos nilang ganoon, bantulot na siyang kumalas dito at napahinga nang malalim nang titigan niya ito. Hinaplos niya ang mukha ng kasintahan na tila kinakabisa kung gaano kalambot at kakinis ng balat nito.
"Good night, Hon. Magpahinga ka na, magpapahinga na rin ako. Ililigpit ko lang ang mga ito," malumanay niyang sambit sa dalaga.
"Aye, Captain!" nakangising tugon ni Dianne saka ito tumingkayad at inilapat ang labi sa kaniyang labi. "Good night, Hon. I love you!"
"I love you, too! Sige na, matulog ka na bago ko pa maisipang hindi ka pakawalan," aniya sa kasintahan saka siya kumalas sa pagkakayakap dito.
Bumungisngis lang si Dianne saka tumalikod ng palabas ng tent. Napabuntong-hininga na lang siya habang pinapanood ang paglayo ng kasintahan. Kung puwede nga lang sanang dalhin ang personal na relasyon nila sa trabaho—kaso alam naman nila pareho ni Dianne na hindi puwede iyon lalo na at may sinumpaan silang tungkulin. Kaya hangga't maaari, pananatilihin nilang control sa kanilang mga personal na damdamin.
*****
Kinabukasan, naghanda na ang pangkat ni Marc upang sumugod sa kampo ng mga rebelde. Nakatanggap kasi siya ng impormasyong kumikilos ang mga ito patungo sa bayang malapit sa kampo ng mga ito upang manggulo. Kaya naman agad niyang pinulong ang mga kasama niya at naglatag ng plano. At kagaya nga ng inaasahan, masyado ngang agresibo ang mga kalaban nila at pabigla-bigla ang pag-atake sa mga lugar na maisipang guluhin ng mga ito.
"Team, mag-iingat kayo at piliting makabalik ng ligtas. Tandaan ninyong may mga batang kasama ang mga rebeldeng iyon na siyang ginagamit ng mga ito para makatakas. Hangga't maaari, gawin niyo ang lahat ng makakaya ninyo para walang masaktang sebilyan at mga bata."
"Aye, Captain!" sabay-sabay na tugon ng mga kasama niya.
"Okay, team, let's go!" aniya bago nagsipulasan ang mga tauhan niya.
Kinakabahan man, hindi niya iyon pinahalata sa mga kasama. Ayaw niyang panghinaan ng loob ang mga ito kung kaya pinilit niyang kumilos ng normal sa harapan ng mga ito. Siya ang tumatayong ama ng mga ito, kaya hindi siya puwedeng magpakita ng kahinaan sa mga ito.
"Captain Gravador, ipangako mong babalik kayo ng ligtas," sabi ni Dianne nang magtagpo sila sa labas ng tent.
Agad naman niyang ikinulong ang mukha nito sa kaniyang mga palad at saka nginitian. "Pangako, Di, babalik ako. Babalikan kita," aniya saka hinalikan sa mga labi ang kasintahan bago ito niyakap ng mahigpit.
"Mahal na mahal kita, De Perio—tandaan mo iyan."
"Mahal na mahal din kita, Gravador. Hihintayin kita—hihintayin ko ang pagbabalik mo," maluha-luhang wika ng dalaga.
Humigpit ang pagkakayakap niya sa kasintahan saka ito hinalikan sa tuktok ng ulo nito bago kumalas dito. Mahirap man gawin iyon ngunit kailangan na nilang maghiwalay. May importanteng misyon silang kailangang tapusin at iyon ang dapat nilang unahin para sa kaligtasan ng nakararami.
Pangako, babalik ako—babalikan kita Dianne.
AN:
Sorry na po, trinangkaso ang mamshy niyo kaya ngayon lang nag-update. Salamat sa pagbabasa ninyo. Sana dumami pa kayo...
![](https://img.wattpad.com/cover/353072836-288-k727680.jpg)
BINABASA MO ANG
Captain Marc: The Captain of War
Storie d'amoreCaptain Marc, the handsome and hot Captain of the Philippine Army Task Force. He's so friendly and charming that most of the people around him mistakenly think that he's a playboy. While Dianne De Perio is his hard-headed First Lieutenant, who will...