Isang malakas na putok ng baril ang kumuha sa atensiyon ni Marc at mabilis na tinunton ang pinanggalingan niyon. Pinaghalong kaba at inis ang kaniyang nararamdaman nang mga oras na ito. Kinakabahan siyang baka kung napaano na si Dianne, at naiinis siya dahil sa katigasan ng ulo nito.
"Damn it!" malutong na mura pa niya, habang mabilis na tinatalunton ang daang patungo sa pinanggalingan nang putok ng baril.
"Hayop kang babae ka!" Narinig ni Marc na sigaw ng isang lalake.
Lalo pa niyang binilisan ang kaniyang paghakbang patungo sa kinaroroonan ng lalake, at saka mabilis na binaril ito, nang akmang babarilin nito ang nakahandusay sa lupang si Dianne. Bahagya pang napapitlag si Dianne nang iputok niya ang kaniyang baril, kasunod nang paghandusay ng lalake sa harapan nito. Mabilis niyang nilapitan ang dalaga at inalalayang makatayo, saka sila nagmamadaling umalis sa lugar na iyon.
Wala silang imikan ni Dianne habang mabilis silang tumatakbo pabalik sa kanilang kampo. Nang matiyak ni Marc na ligtas na sila sa kanilang kinaroroonan, sumandal siya sa katawan ng malaking puno ng Mahogany at saka hinihingal na sinulyapan si Dianne. Kagaya niya, hinihingal rin ito at pinagpapawisan.
"Okay ka lang ba?" tanong niya rito na tinanguan naman ng dalaga. "Ano ba kasi ang ginagawa mo sa lugar na iyon? Alam mo bang nasa kampo ka ng mga tulisan?" naiinis niyang tanong sa babae.
"Malay ko ba! Naglalakad-lakad lang naman ako kanina at hindi ko namalayang napalayo na pala ako," nakasimangot na tugon nito sa kaniya.
"Sa susunod huwag kang basta-basta na lang umaalis nang walang paalam. Mabuti at walang nangyaring masama sa iyo," pangaral niya sa dalaga.
"Kaya ko naman ang sarili ko!" masungit na tugon nito sa kaniya.
"Really? E, kung hindi pa ako dumating kanina, baka kung ano nang nangyari sa iyo. Baka nga tululuyan ka nang sumakabilang buhay e," sarkastikong pahayag niya sa dalaga.
"So, anong ibig mong sabihin? Na weak ako? Na hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko?" nakapamaywang na tanong nito sa kaniya.
"Wala akong sinasabing ganiyan, ikaw lang ang nag-iisip niyan. My point is—" Hindi na niya naituloy pa ang anumang sasabihin nang bigla na lang nagtaray sa kaniyang harapan ang dalaga.
"Hindi mo sinasabi? E, sa tono nang pananalita mo, ganoon ang nais mong iparating! At anong point ang sinasabi mo riyan? Point, point-in ko iyang mukha mo, e!"
"First Lieutenant De Perio, let me just remind you na ako pa rin ang superior mo. Igalang mo naman ako kahit pilit lang habang narito pa tayo sa misyon. Oras na matapos natin itong misyon na ito, saka mo ako tarayan. Ang hirap sa iyo hindi pa nga tayo, ina-under mo na ako," napapakamot ng ulong turan niya rito.
"Heh! Huwag ka na pong mag-ambisyon Captain Marc na magiging tayo! Dahil kahit pa matapos ang misyong ito, hinding-hindi ako papatol sa iyo, Captain!" masungit na saad nito sa kaniya.
Napangisi naman siya at saka naglakad palapit kay Dianne. Nakatitig siya sa mga mata nito, habang ang dalaga naman ay matapang ring sinalubong ang kaniyang mga mata. Kilala niya si Dianne bilang pasaway at matigas ang ulo. Alam na alam din niyang hinding-hindi ito magpapatalo sa kahit na sino.
"Talaga ba, De Perio? Baka naman kainin mong lahat iyang mga sinasabi mo sa akin ngayon? Lalo na kapag natikman mo ang matatamis kong mga labi," mapang-akit niyang turan sa dalaga. Tumawa naman nang malakas si Dianne, saka siya muling hinarap nito habang nakataas ang isang kilay ng babae.
"Masyado ka naman yatang confident Captain Gravador. Itaga mo ito sa bato, kahit anong gawin mo, hinding-hindi ako magpapa-akit sa iyo! At kahit kailan, hinding-hindi ako magkakagusto sa isang hambog na kagaya mo!"
Itinulak pa siya nito sa kaniyang dibdib, kaya naman mabilis niyang hinawakan ang kamay nito at hinila itong palapit sa kaniyang katawan. Walang kahirap-hirap na binuhat niya ito at mabilis na isinandal sa katawan ng puno ng Mahogany. Tinitigan niya ang mga mata nang nabibiglang si Dianne saka nakalolokong ngumiti sa babae.
"Tingnan nga natin, kung hindi ka maaakit sa akin?" paanas niyang saad sa dalaga saka inangkin ang mga labi nito.
Tila naman itinulos mula sa kaniyang kinatatayuan si Dianne at hindi magawang kumilos para pigilan ang binata. Imbis na magalit siya at pumalag sa paghalik nito sa kaniya, tila nagugustuhan pa niya iyon. Parang may sariling pag-iisip ang kaniyang katawan at kusang gumagalaw para sa kaniya.
Naipikit niya ang kaniyang mga mata at naipulupot ang kaniyang mga kamay sa leeg ni Marc, habang ninanamnam ang paghalik nito sa kaniyang mga labi. Hindi nga nagsisinungaling ang lalake nang sabihin nitong matamis ang mga labi nito. Maya-maya pa ay naramdaman na lang niyang ginagaya na niya ang paggalaw ng mga labi nito sa ibabaw ng kaniyang mga labi.
She never felt this kind of feelings before. Para siyang lumulutang sa ulap ng mga sandaling ito, at tila kay sarap sa pakiramdam nang pagkakakulong niya sa mga bisig ni Marc. Tuluyan na siyang tinatangay nang masarap na pakiramdam na iyon, nang biglang tumigil si Marc sa ginagawa nitong paghalik sa kaniya at humihingal na pinagdikit ang kanilang noo.
Para naman siyang binuhusan nang malamig na tubig, nang maaninag ang nakangising mukha ng binata. Mabilis niyang itinulak ito palayo sa kaniya at nagkunwaring inaayos ang kaniyang sarili.
"So, itataga ko pa rin ba sa bato na hinding-hindi ka maaakit sa akin?" nanunuksong tanong nito sa kaniya.
Hindi niya malaman kung paanong sasagutin ito kaya naman nag-iwas na lang siya nang tingin kay Marc, saka mabilis na naglakad palayo rito. Napakalakas kasi nang pagkabog ng kaniyang dibdib na halos umalingawngaw na iyon sa paligid. Isa pa, parang may kakaibang damdaming nabuhay sa kaniyang puso, matapos ang halik na pinagsaluhan nila kani-kanina lang.
"De Perio! Hintayin mo ako! Pambihira, matapos nating maghalikan iiwan mo na lang ako ritong mag-isa!" narinig pa niyang wika ni Marc habang nakasunod ito sa kaniyang likuran.
'Shocks! Anong nangyayari sa akin? Bakit parang bigla akong nahiya sa lalakeng ito?' bulong ni Dianne sa kaniyang sarili.
Walang imik na nagpatuloy na lang siya sa paglalakad, dahil parang bigla niyang nalunok ang kaniyang dila at hindi magawang makipagtalo kay Marc.
BINABASA MO ANG
Captain Marc: The Captain of War
Storie d'amoreCaptain Marc, the handsome and hot Captain of the Philippine Army Task Force. He's so friendly and charming that most of the people around him mistakenly think that he's a playboy. While Dianne De Perio is his hard-headed First Lieutenant, who will...