"Ang next assignment ninyo ay sa Bario Talahib sa Mindanao. Matindi-tindi ang makakatunggali ninyo roon kaya ipapaalala ko lang sa inyo na mag-iingat kayo. Hindi lang doble kundi tripleng ingat."
Nasa opisina sila ngayon ng PATF para sa briefing ng susunod nilang misyon. Nakatutok ang mga mata ni Marc sa kanilang head pero wala naman doon ang kaniyang isip. Kanina pa siya hindi mapakali lalo na at hindi niya nakikita si Dianne sa meeting na iyon. Tinotoo na kaya ng dalaga ang sinabi nitong magpapa-assign sa ibang grupo?
"Captain Gravador, are you with us?" tanong ni Major Castillanos. Pasimple siyang tumikhim saka tumango sa matanda.
"Okay gents, dismiss! I am expecting you all tomorrow at 22 hours on the helipad. You may go now—except to you Captain Gravador."
Isa-isang nagsilabas ang mga kasama niya hanggang sa dalawa na lang sila ni Major Castillanos ang natira sa loob ng opisinang iyon. The major losen up, place his hand on top of the table, and lean forward from his chair. While he sat straight and face the old man.
"You seem to look distructed, care to tell me?"
Parang ama na ang turing ni Marc sa matanda dahil ito ang naging sandalan niya nang mga panahong kinailangan niya ng mahihingahan. Si Major Castillanos ang tumayong ama niya nang mga panahong hindi magampanan ng kaniyang ama ang pagiging ama. Kaya naman hindi na kataka-taka kung mapansin nito na wala siya sa sarili kanina habang nagbi-briefing sila.
"Major, iyon lang ba talaga ang team ko this time?" hindi nakatiis na tanong niya rito.
"Yes. Why? Are you expecting more?" kunot noong tanong nito sa kaniya.
Umiling naman siya bilang tugon ngunit sa kaibuturan ng puso niya, nakaramdam siya ng katamlayan. Hindi siya sanay na wala si Dianne sa team niya. Sa loob kasi ng maraming taon, ngayon lang sila hindi magkakasama ng dalaga.
"If you were looking for First Lieutenant De Perio, unfortunately, she's joining the training with the newbies. So, I must say that this mission is for you and the other team alone. Don't worry Marc, I know you can do this without First Lieutenant De Perio. Besides, kailangan niyo ring maghiwalay para ma-miss n'yo ang isa't isa," mapanudyong saad nito sa kaniya.
Umangat naman ang gilid ng kaniyang labi saka napakamot sa kaniyang batok. Matinik din talaga ang matanda. Mukhang natunugan na nito ang lihim niyang pagtingin sa dalaga.
"If you don't have any question, you may leave now. Kailangan mong mag-ayos ng mga gamit mo at magpahinga. Mapapasabak kayo sa misyong ito."
Tumayo na siya at sumaludo sa kanilang Major bago naglakad patungo sa pinto.
"Marc, please do whatever you can to stop these terrorists and come back safe," pahabol na bilin ng matanda.
"We will do our best, Major. We'll come back safe and we'll see you soon."
Nag-aayos ng mga gamit si Dianne nang may marinig siyang katok mula sa pintuan ng kaniyang silid kaya naman saglit niyang iniwan ang pag-i-empake at pinagbuksan ang pintuan ng kaniyang silid. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala kung sino ang kumakatok na iyon. Ang buong akala niya ay ang kaniyang abuela ang kumakatok na iyon, kaya naman biglang lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib nang si Marc ang mapagbuksan niya ng pinto.
"A-anong ginagawa mo rito? At saka paano kang nakapasok?" natatarantang tanong nito sa kaniya.
"Wala man lang bang good afternoon kiss d'yan?" nakangising saad nito bago inginuso ang labi sa kaniya.
"Siraulo! Ano nga kasing ginagawa mo rito?" tanong niyang muli sa binata saka sumilip sa likuran nito. Baka mamaya mapagalitan siya ng lola niya kapag nakita itong nakatayo sa labas ng silid niya.
"Relax! Si Lola mismo ang nagpapasok sa akin kaya wala kang dapat na ipag-alala. Mukhang nag-aayos ka na ng gamit a," anito saka siya marahang itinulak papasok sa kaniyang silid.
"Hoy! Ba't ka pumasok? Labas! Baka makita ka ni lola mayayari ako niyan e," kinakabahang wika niya rito habang itinutulak itong palabas ng kuwarto niya. Pero dahil mas malakas sa kaniya ang binata, hindi man lang nagalaw ang katawan nito at imbis na ito ang maitulak niya palabas, siya ang naitulak nitong papasok sa kaniyang kuwarto hanggang sa mapaupo siya sa kaniyang kama. Naisara pa nito ang pintuan gamit ang paa nito.
"Hoy! Anong ginagawa mo?" tanong niya sa binata nang bigla na lang itong magtanggal ng sapatos at mahiga sa kaniyang kama. Kinuha pa nito ang isa niyang unan at niyakap.
"Ang bango! Amoy Dianne! Kukunin ko ito ha?" ani Marc saka sininghot-singhot ang kaniyang unang yakap nito.
Pilit niyang inaagaw ang unan sa binata ngunit ayaw bitiwan ni Marc ang kaniyang unan. "Bitiwan mo na kasi iyan! Akin na!" gigil na gigil niyang sabi rto.
"Di, ang damot mo. Akin na lang ito para palagi kitang maamoy kahit na magkalayo tayo. Matagal-tagal din kaya tayong hindi magkikita. Mami-miss ko ang amoy mo. Saka mag-ayos ka na ng gamit at isasabay na kita tutal pareho lang naman tayo ng pupuntahan. Sige na, maiidlip lang din ako para may lakas ako mamaya."
"Bahala ka na nga!" sumusukong saad niya rito saka tumayo mula sa kama at ipinagpatuloy ang naantala niyang pag-aayos ng gamit. Aminin man niya at sa hindi, natutuwa siya sa presensiya ni Marc at sa kakulitan nito. Sa totoo lang, mami-miss din niya ang binata lalo pa at ito ang unang pagkakataong hindi sila magkakasama sa misyon.
Hindi na inabala pang gisingin ni Dianne si Marc matapos niyang mag-ayos ng gamit. Tulog na tulog kasi ang binata at parang nakakahiyang gisingin kung kaya't dahan-dahan siyang lumabas ng kuwarto upang maghanda ng pagkaing kakainin nila at babaunin. Tiyak niya kasing gugutumin mamaya si Marc sa biyahe ng mga ito.
Abala na siya sa paghahanda ng mga pagkain nang may bumisina sa labas ng kanilang gate. Mabilis siyang nagpunas ng kamay bago mabilis na naglakad palabas ng kanilang bahay upang silipin kung sino ang bumubusinang iyon.
Nang makarating siya sa kanilang balkonahe ay agad siyang napahinto nang makita si Marc na nakapamaywang habang nakikipag-usap sa bagong dating. Mabilis siyang lumapit sa gate upang alamin ang pinag-uusapan ng dalawang lalake.
"Ako ang maghahatid kay Dianne sa head quarters, makakaalis ka na."
"Mike! Anong ginagawa mo rito?" singit niya sa dalawang lalakeng tila nagsusukatan. Hinawaka pa niya ang naninigas na braso ni Marc upang kalmahin ang binata.
"Susunduin sana kita para sabay na tayong magpunta sa head quarters, tutal on the way naman itong bahay n'yo sa amin."
"On the way..." Mabilis niyang pinisil ang braso ni Marc at pinandilatan ito bago ngumiti kay Mike.
"Ahmmm, sorry Mike, si Captain Marc na ang maghahatid sa akin. Isa pa, masyado pang maaga. Kung gusto mo mauna ka na lang, tutal magkikita rin naman tayo roon."
"A, gano'n ba? Sige, kita na lang tayo sa kampo mamaya," napipilitang saad nito saka tinapunan ng tingin si Marc. Nagulat pa siya nang bigla siyang akbayan ng binata at kabiging palapit sa katawan nito. Tila ipinahihiwatig nito kay Mike na pagmamay-ari siya nito. Mabilis tuloy nagbawi ng tingin ang lalake saka tumalikod na sa kanila. Bumusina pa ito bago tuluyang umalis.
"Huwag kang makikipaglapit sa mga lalake sa training habang wala ako, kundi yari ka sa akin."
Kunot noong napatingin siya kay Marc na seryosong nakatingin din sa kaniya. Sa tagal nilang magkasama, ngayon lang niya nakitang ganoon siya tingnan ng lalake. Oo't seryoso ito sa tuwing nasa misyon sila, pero kakaiba ang tinging ipinukol nito sa kaniya ngayon. Parang...selos? nagseselos nga ba ito sa kaniya?
"Nagbabanta ka ba?"
"Just don't! Halika na, kailangan mo pang maligo."
Napasunod na lang siya sa paglalakad ni Marc nang akayin siya nitong pabalik sa kanilang bahay. Ni hindi na niya nagawang mag-protesta dahil tiyak niyang wala naman siyang makukuhang sagot sa binata.
BINABASA MO ANG
Captain Marc: The Captain of War
RomanceCaptain Marc, the handsome and hot Captain of the Philippine Army Task Force. He's so friendly and charming that most of the people around him mistakenly think that he's a playboy. While Dianne De Perio is his hard-headed First Lieutenant, who will...