Chapter 8

39 3 6
                                    

"De Perio, tinatanong kita. Nanliligaw ba ang ugok na iyon sa iyo?" seryosong tanong ni Marc sa dalaga.

Maagang natapos ang misyon nila sa Bario Talahib dahil gumana ang taktikang inilatag niya sa mga rebelde. Agad siyang dumiretso sa pinagdarausan ng seremonyas para sa mga bagong miyembro ng PATF ngunit hindi na niya inabutan si Dianne. Kaya naman dumiretso na siya sa bahay ng mga ito upang doon na lang hintayin ang dalaga. Pero magdidilim na ay wala pa rin ito kaya nang may humintong sasakyan sa tapat ng bahay nila Dianne ay agad siyang tumayo mula sa upuang kahoy sa hardin at sinilip ito.

Agad na nagdilim ang kaniyang paningin nang makita itong umibis sa sasakyan ni Mike. Sabik na sabik pa naman siyang makita ang dalaga tapos ito ang aabutan niyang eksena. Nais niyang sugurin ang lalake ngunit nagtimpi siya at matiyagang hinintay na umalis ito bago niya nilapitan si Dianne.

"Kailan ka pa dumating?" imbis na sagutin siya ng dalaga, nagbalik tanong lang ito sa kaniya.

"Kani-kanina lang. Pinuntahan kita sa field kaso nakaalis ka na kaya dumiretso ako rito. Now answer me, nililigawan ka ba nang ugok na iyon?" naiinis na tanong niyang muli rito.

"Pinagsasasabi mo? Pumasok na muna tayo sa loob." Lalo siyang nainis sa dalaga nang hindi nito sagutin ang tanong niya.

"Dianne! Sagutin mo ang tanong ko!" napu-frustrate na wika niya sa babae saka niya hinila ang braso nito upang pigilan.

"Marc, puwede sa loob na natin pag-usapan ito?" sabi ni Dianne kaya wala na siyang nagawa kundi ang kunin ang mga gamit nito mula sa kamay ng dalaga at walang kahirap-hirap na binitbit iyon papasok sa bahay ng mga ito habang hawak pa rin niya sa braso ang dalaga.

Dire-diretsong naglakad si Marc papasok sa silid ni Dianne kahit pa sinasaway at pinipigilan siya nito dahil sa pag-aalalang baka makita sila ng abuela ng dalaga. Pero dahil naiinis pa rin siya rito, hindi niya pinansin ang pagsaway nito bagkus ay hinila lang itong papasok sa kuwarto. Mabilis niyang isinara at ni-lock ang pinto habang nakatingin sa dalaga.

"Marc! Baka kung anong isipin ni lola, buksan mo ang pinto!" nanlalaki ang mga matang wika nito sa kaniya.

"Hindi. Kung hindi mo sasagutin ang tanong ko, hindi tayo lalabas sa silid na ito. At huwag kang mag-alala, alam ng lola mo na kanina pa kita hinihintay. In fact she even ask me to come in, tumanggi lang ako dahil sabi ko hihintayin na kita. Now, tell me, nililigawan ka ba ni Reyes?" Habang tinatanong iyon ay tinatanggal niya ang butones ng suot niyang uniform.

"M-marc, a-anong ginagawa mo? B-bakit ka naghuhubad?" nabubulol na tanong ni Dianne sa kaniya.

Umangat ang gilid ng kaniyang labi habang pinagmamasdan ang namumulang mukha ni Dianne. Aliw na aliw siya sa itsura nito dahil ngayon lang niya nakitang mataranta ito at tila hindi alam kung paanong iwas ng tingin ang gagawin sa kaniya. Humakbang siyang palapit kay Dianne habang patuloy sa ginagawang pag-alis ng butones sa kaniyang army uniform. Nais niyang asarin si Dianne dahil sa hindi nito pagsagot sa kaniyang tanong. Sa ganoong paraan man lang, makabawi siya sa dalaga.

"M-marc, itigil mo iyan. I swear, s-sisigaw ako!"

"Then scream. Kapag ginawa mo iyan, lalo mo lang bibigyan ng dahilan ang lola mo para mag-isip ng masama. Come on, Di, scream," nakakalokong saad niya sa dalaga habang hinuhubad na ang kaniyang jacket.

*****

Hindi malaman ni Dianne kung paanong saway pa ang gagawin niya kay Marc dahil para itong tuksong ayaw tumigil sa ginagawa nitong paghuhubad sa kaniyang harapan. Napapikit siya nang mariin at nahilot ang kaniyang magkabilang sintido bago muling tiningnan ang binatang ngayon ay t-shirt at cargo pants na lang ang suot. Bakat na bakat ang malalaking muscles nito sa braso lalo na at nakahalukipkip ito sa kaniyang harapan. Kulang ang salitang makalaglag panga ang binata dahil sa kakisigan nito. At kung may kanin lang sa kaniyang tabi ngayon, malamang busog na siya dahil sa ulam na nakahain sa kaniyang harapan.

"Okay, hindi siya nanliligaw sa akin. Balak niya sana, but I stopped him bago pa man siya tumuloy sa part na iyon. Happy?" sagot niya sa tanong ng binata para lang tigilan na nito ang pagpe-flex ng katawan sa kaniyang harapan. Marupok pa naman siya.

"Ows? At bakit mo siya pinigilang manligaw sa iyo?" Medyo malambot na ang ekspression ng mukha ni Marc kaya natitiyak niyang naniwala ito sa kaniyang sinabi.

"Dahil ayaw kong magpaligaw, duh!"

"Bakit?"

"Dahil nga ayaw ko! Bakit ba ang kulit mo?"

Naiinis na napakamot ng ulo si Dianne saka nagmamartsang tumalikod sa binata at naupo sa kabilang panig ng kaniyang kama. Naiinitan na siya kaya unti-unting tinanggal ang butones ng suot niyang gala uniform. Naka-t-shirt naman siya bilang panloob kaya hindi siya nahiyang buksan iyon. Magtatanggal na sana siya ng kaniyang sapatos nang bigla siyang hilahin ni Marc pahiga sa kama. Impit siyang napatili at napapikit nang bumagsak siya sa katawan ng binata.

Nagrigodon ang kaniyang puso at napatingala sa binatang ngayon ay nakapikit habang yakap-yakap siya nito. Kita niya ang pagod sa mukha ni Marc at ang mga patubong buhok nito sa baba. Dahan-dahan siyang kumilos upang sana haplusin ang mukha ng binata ngunit hindi niya nagawa lalo pa nang yakapin na siyang patagilid ni Marc at isubsob nito ang mukha sa kaniyang leeg.

"Please don't leave. Let's stay this way for a while," paanas na sambit ni Marc. Kaya naman para siyang nanigas mula sa pagkakayakap nito lalo na nang tumama ang mainit na hininga ng binata sa kaniyang leeg. Nakakikilabot at nakatatayo ng balahibo ang hanging nagmula kay Marc, pero magkagayon pa man, aaminin din niyang nakakapagbigay kiliti at saya rin iyon sa buo niyang katawan.

"Marc, baka biglang pumasok si lola," bulong niya rito kasabay ng pagtapik sa braso ng binata. Gusto niyang ang ayos nila ni Marc nang mga sandaling iyon, pero nangangamba pa rin siyang baka makita sila ng matanda kapag pumasok ito sa kaniyang silid.

Imbis na bumitaw si Marc sa kaniya, lalo pa siyang hinapit nito palapit sa katawan ng binata at idinantay ang isang paa sa kaniyang baywang. "Don't worry, the door is locked," paungol nitong tugon sa kaniya saka mas lalong isiniksi ang mukha sa kaniyang leeg.

"Pero..." hindi na niya naituloy ang sasabihin nang lumapat ang mga labi ni Marc sa kaniyang mga labi. Hindi kaagad siya nakahuma dahil sa kabiglaan lalo pa at madiin at mapagparusa ang halik na ipinagkakaloob ni Marc sa kaniya nang mga sandaling iyon.

"Kapag hindi ka pa tumigil sa kasasalita mo, gagahasain na talaga kita," banta pa nito sa kaniya matapos siyang mahalikan nito.

"Kasi nga..."

"Aba't gusto mo talagang magahasa 'no? Kahit pagod ako kaya pa rin kitang gahasain ngayon," anito saka mabilis na dumagan sa kaniya. Napatili siya at mariing napapikit nang maramdaman ang bigat ng binata sa kaniyang ibabaw.

"Shhh! Ang ingay mo, marinig tayo ng lola mo. Saka wala pa nga tumitili ka na, paano na lang kapag tinuluyan kita?" nakangising wika ni Marc sa kaniya.

"Dianne, apo, anong ingay iyan? Ayos ka lang ba?"

Nanlaki ang mga mata niya at natarantang tinapik-tapik ang braso ni Marc para umalis sa kaniyang ibabaw ngunit hindi man lang tuminag ang binata at lalo pa siyang nilandi nito. Pinaulanan siya ng maliliit na halik ni Marc sa kaniyang mukha kaya lalo siyang nahirapang sumagot sa kaniyang abuela.

"O-okay lang po ako 'la! Natisod lang po ako."

"Liar!" nang-iinis na wika ni Marc saka siya muling hinalikan sa gilid ng kaniyang labi. Napaungol siya at napasinghap dahil sa panunukso ng binata sa kaniya.

"Sige apo. Akala ko kung ano nang nangyayari riyan. Sige na apo, magpahinga ka na muna at alam kong pagod ka," sabi pa nito sa kaniya.

"O-okay 'la! M-magpapahinga po muna ako!"

Pagkasabi niyon ay tuluyan nang inangkin ni Marc ang kaniyang mga labi na mabilis naman niyang tinugunan. 

Captain Marc: The Captain of WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon