Chapter 4

45 3 0
                                    

Months later...

"Dianne! I miss you!"

Mabilis na nagyakap sina Diane at Grace nang magkita ang mga ito sa Dream Cafe nang araw na iyon. On vacation siya ngayon dahil katatapos lang ng ilang buwang engkwentro nila sa mga terorista sa isang liblib na lugar. Mabuti na lang at isa ang grupo nila sa magagaling na pangkat kung kaya't mabilis na natapos ang kanilang misyon.

"I miss you too! Kumusta ka na? Kumusta ang work sa Manila?" Sabik na sabik siyang makita ang kaibigan lalo na at matagal-tagal niyang hindi nakita ang dalaga.

"Okay naman. So far maayos naman ang trabaho ko sa Stadium University. Ikaw, kumusta? Ang itim mo sis!" anito saka siya hinila nitong paupo sa sofa malapit sa salaming dinding ng coffee shop.

"Naku, magtaka ka kung umuwi akong maputi pagkatapos naming makulong sa liblib na lugar na iyon." Natatawa siya habang sinasabi iyon sa kaibigan. "Teka, nasaan nga pala si Althea? May balita ka na ba sa babaeng iyon?" maya-maya'y naalala niyang itanong kay Grace. Simula kasi nang malaman nitong buntis ito, bigla na lang nagtago ang kaibigan at hindi nila alam kung saan ito hahanapin.

Umiling si Grace saka kinawayan ang isa sa tauhan ng shop na iyon. Lumapit ang babaeng nakakulay puting t-shirt at nakasuot ng kulay ubeng apron sa kanilang table. Kinuha nito ang mga order nila bago sila muling nag-usap na magkaibigan.

"Ewan ko ba sa babaeng iyon. Alam naman niyang puwede niya tayong takbuhan sa oras na kagaya nito. Pero ayun, mas pinili pa niyang lumayo at magtago."

Nalulungkot siya sa sinapit ni Althea, pero wala naman silang magagawa kung nagdesisyon na itong lumayo sa kanila. Aasa na lang silang isang araw ay magparamdam na ulit ito sa kanila.

"Teka nga, maiba tayo ng usapan. Si Kristine, ano nang balita sa pinsan mo? Hindi pa ba uuwi iyon? Ang tibay rin nila ni Jeff ha."

Napangiti si Dianne dahil totoo ang sinabi ni Grace. Bilib siya sa relasyon ng kaniyang pinsan at Jeffrey. Mantakin mong kumasa ang dalawa sa long distance relationship?

"Hmmm, mukha namang masaya si Tin sa set up nila ni Jeff. Nakakainggit," nabitla niya kay Grace. Huli na nang mapagtanto ang sinabi niya. Mapanukso na siyang tinititigan ngayon ni Grace.

"Bakit, kayo ba ni Marc? Don't tell me wala pa ring progress ang relasyon niyo?" mapanudyong tanong nito sa kaniya.

Nag-init ang mukha niya hindi dahil sa mapanuksong tanong ni Grace, kundi dahil sa eksenang dumaan sa kaniyang isip. Ang eksenang naganap sa kanila ni Rex na nakapagpalinaw ng nararamdaman niya para sa binata.

"Huy! Bakit hindi ka na nakasagot diyan? Kayo na 'no?" untag sa kaniya ni Grace.

"Hindi pa 'no!" pabiglang sagot niya sa kaibigan na lalong ngumisi sa kaniyang harapan.

"Aha! Hindi pa. So, may chance! Nanliligaw na ba siya? Magkuwento ka na dali!" anito na may kasamang pagyugyog sa kaniyang kamay na nakapatong sa kanilang mesa. Mabuti na lang at wala pa ang mga order nila kundi malamang natapon na iyon sa lakas ng pagkakayugyog ni Grace sa kaniya.

"Grace!" saway niya sa kaibigan sabay kamot sa kaniyang kilay.

"Ay sis, ang kilay sabog-sabog na. At ang kuko, mukhang nginatngat ng daga. Bakit ganiyan iyan?" sita nitong nakangiwi habang pinagmamasdan ang kaniyang mukha at kuko.

"Ikaw talaga, kung ano-ano iyang napapansin mo. Normal na lang iyan para sa kagaya kong palaging nasa remote place," sagot niya rito saka tinampal ang noo nito.

"Naku, naku, naku! Dadaan tayo sa salon after dito at ipapaayos natin iyang kilay mo at kuko! For sure pati iyang kuko mo sa paa ay mala kuko na ng dragon. Pero balik tayo sa topic. Nanliligaw na ba si Marc sa iyo?"

Akala pa naman niya ay nakalimutan na ni Grace ang tungkol doon. Mukhang nagkamali siya. Alam din niyang hindi siya tatantanan ng kaibigan kaya useless ang magtago rito.

"Hindi..."

"Hindi ako naniniwala!"

"Grace, gusto mo bang magkuwento ako, o hindi na lang?"

"Siyempre... gusto! Sige na, tatahimik na ako. Magkuwento ka an," anito at pagkunwa'y iziniper pa nito ang bibig.

Huminga naman siya nang malalim saka inilahad ang mga naganap habang nasa kampo sila. Inobserbahan niya ang reaksiyon ni Grace at kitang-kita niya sa mkha ng kaibigan ang pagka-amuse. Kung sisipatin niya itong mabuti, tila kinikilig pa ang kaibigan habang nagkukuwento siya.

"So, kayo na nga? Kasi hindi ka naman niya hahalikan at hindi ka magpapahalik kung wala naman kayong relasyon," anito kasunod ng paghigop nito ng kapeng in-order nito.

"Hindi nga! Hindi ka naman nakikinig e," napu-frustrate na saad niya sa kaibiganm saka inilagay sa bibig ag straw ng in-order niyang frappe.

"E, ano lang kayo? M.U? Naku tigilan mo ako Di! So highschool!" iniikot pa nito ang eyeball saka humiwa ng ube cake at diretsong isinubo sa bibig nito.

Napabuntong hininga naman siya saka ginaya ang kaibigan. Hindi nga niya alam kung anong itatawag sa relasyon nila ni Marc dahil never naman naging vocal sa nararamdaman nito ang lalake. Isa pa, hindi naman nila pinag-usapan ang tungkol sa halik na pinagsaluhan nila nang minsang muntik na siyang mapahamak. Ang tiyak lang niya sa ngayon, she's falling to that guy.

"Basta, hindi kami ni Gravador," pinal niyang saad sa kaibigan.

"Sa ngayon. Pero I do believe na magiging kayo rin ni Marc. Feeling ko nga destined kayo e. Dahil sa dinami-rami ng propesyong papasukan niyo, pareho pa kayong sa army nabilang. And mind you, hindi naman ito ang unang beses na nahalikan ka ni Marc. 'Di ba?"

Nakagat niya ang kaniyang labi saka napailing. Tama naman kasi si Grace, hindi iyon ang unang halik na ipinagkaloob sa kaniya ni Marc. At maging iyon ay tandang-tanda pa rin niya. Paano ba namang hindi, e, iyon ang unang halik niya na kinuha ng binata sa kaniya.

"Grace, alam mo, parang lalo kang dumaldal. Kumain na nga tayo at nang makapunta na tayo ng salon."

"Hus! Umiiwas ka lang e. Pero sige, bilisan na natin dito nang maipaayos na natin iyang kilay mo at mga kuko. Isama na rin natin iyang buhok mong konti na lang e magiging sabitan na ng mga damit sa tigas."

"Grabe ka!" sabi na lang niya saka hinaplos ang may kagaspangang buhok. Ikaw ba naman ang mabilad sa arawan at mabilisan ang paliligo. Ewan na lang niya kung umayos pa ang buhok niya.

Captain Marc: The Captain of WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon