Author's note: This version of the story is UNEDITED. Apologies for the incorrect grammar, spelling, and other writing flaws. I will fix this at a later time.
Warning: This chapter contains brutality and violence that could trigger some readers. Please read at your own discretion. Thanks!
****
Chapter 62 - The One With All The Broken Morals
Grabeng sakit ng ulo ko. Di ko alam kung nauntog ba ko ng malakas o kung uminom ba ko ng sobrang dami kagabi at hangover 'tong nararamdaman ko. Basta! Sobrang sakit, kirot na nanggagaling sa loob, hindi ko maipaliwanag.
Unti unti, idinilat ko ang mga mata ko. Agad akong sinalubong ng hindi pamilyar na lugar at kulob na amoy.
A big room, no, a big warehouse. Walang bintana, walang kahit anong gamit. Ang tanging labasan ay yung pintuan na ilang hakbang ang layo sakin. Base sa layo ng pinto at mga pader, mukhang nasa gitna ako ng kwarto. Agad akong napakunot sa labis na pagtatakha...
Nasaan ako?
Madiin akong napapikit nang biglang pumintig yung sinitido ko. Balak ko sanang iangat ang kamay ko para hilutin yung ulo ko na biglang sumakit, pero hindi ko nagawa. Hindi ko magawa. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at mabilis napadilat nang mapagtanto ko ang kasalukuyan kong kondisyon.
I'm sitting on a wooden chair in the center of this big empty room. Nakatali ang kamay ko patalikod sa sandalan nitong upuan. Samantalang ang dalawang mga paa ko ay mahigpit ding nakatali sa magkabilang paa ng upuan. Bukod pa dun, may kung anong mga pabigat ang nakapatong sa hita ko na nakalagay sa parang maliliit na sako. Meron ding ganon na nakapatong kamay nung upuan. Bawat bag, may nakasulat na timbang. Ang bigat!
I wanted to scream and call for someone, call Thera, pero, fuck! May duct tape yung bibig ko. I immediately felt panic rising all over my body; chills in my bones.
Fuck! Fuck! Fuck! Fuck!
Pumikit ako para pilit alalahanin yung mga nangyari. How did I end up here? I learned about Luna's text, Thera and Luna's confrontation, pauuwi na kami ni Thera...
And then it sink in. I immediately opened my eyes. I can feel my heartbeat going wild.
Philip...
BINABASA MO ANG
The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)
RomanceFor love, would you play the role of the hero or the villain? An unmasked serial murderer is on the run, and killings are taking place all over the country. What a bad moment for a girl named Skylar Millie Parker to return home after four years in C...
