Chapter 1

956 22 11
                                    

Chapter 1

Leslie Alegria Pov

Mahimbing sana ang tulog ko ngayong umaga kung hindi ko lamang narinig ang sigaw ni inang Helen.

Mula sa kinahihigaan ko, naririnig ko na ang pagrereklamo niya na hangga ngayon ay nakahiga pa rin ako.

Alas sais na kasi ng umaga. Dapat kanina pa ako nakabangon ngunit masama ang pakiramdam ko. Ngunit pinilit ko'ng bumangon para lamang magpakita kay inang Helen.

Siya ang pangalawang asawa ni amang. Si amang ay isang driver ng jeep at itong si inang Helen ay may pwesto sa palengke.

Nagkahiwalay ang totoong magulang ko noong nag-aaral ako ng grade school. Masyadong magulo ang kanilang pagsasama at halos araw-araw na lamang silang nagtatalo. Dumating nga sa puntong nasasaktan na ni amang si ina. Dahil doon, nagpasya si ina na makipagkalas na sa kanilang relasyon, mabilis ang naging paghihiwalay nila. Iniwan ako ni ina
kay amang dahil nag-apply itong DH sa ibang bansa.

Wala na akong balita pa kay ina hangga ngayon, nasa disi otso na ako sa piling ni amang at sa bago niyang asawa na si inang Helen.

May anak si inang Helen na halos kasing edaran ko lang. Siya si Kassandra Eduarte, nag-aaral ito dahil sa tulong ng mayayamang angkan doon sa mansyon ng mga Del Vega. Tinutulungan siya ng isang senyora na nag-aabot tulong sa mga mahihirap.

Ako sana ang napiling matulungan nila ngunit nawala ang papel ko sa listahan. Ang maswerteng pinalad noon ay ang step sister ko'ng si Kassandra.

"Aba'y anong oras na at ngayon ka pa lang bumangon! Nakaalis na ang ama mo pero heto ka at wala pang hinandang almusal."

Iyon ang bungad sa akin ni inang Helen na halos kainin na ako sa galit pagkababa ko.

"P-pasensya na po, inang."

"Kumilos ka na! Papasok pa ang kapatid mo!" Napasulyap ako kay Kassandra na ngayo'y nakaupo lang sa sofa habang nagtitipa sa kanyang cellphone na touch screen. Maayos ang kanyang upo na parang walang pakialam sa paligid. Samantalang ako na masama ang pakiramdam dahil nabasa ako ng ulan kahapon, magluluto pa para lamang sa makakain nila.

"Maghahanda na po ako."

Iyon lamang ang sinabi ko at hinayaan ang ganoong senaryo. Dapat ka ng masanay Leslie, simula naman ng nag-asawa si amang ay naging alipin ka na. Bakit ngayon ka pa malulungkot?

Napabuntong hininga ako, alam ko'ng aalis sila inang Helen mamayang alas siete para pumasok si Kassandra, samantalang si inang ay didiretso ng palengke upang buksan ang pwesto.

Ako naman ay maiiwan muna dito para linisin ang buong bahay at maglaba muna ng uniform ni Kassandra.

"Kailangan mo akong hatiran ng makakain mamayang alas onse, bantayan mo muna rin ang pwesto habang kumakain ako." Tumango lamang ako sa sinabi ni inang helen. Naihanda ko na ang almusal sa hapag kung saan nag-uumpisa na silang kumain. Samantalang ako ay nakatayo lang sa gilid at ni hindi man lang nila ako inabalang yayain.

Hindi ko na iyon pinansin pa, sanay na ako.

Nagtungo na lamang ako sa likod bahay upang mag-igib ng tubig sa poso.

Nararamdaman ko pa ang init sa aking katawan ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon.

Dito kasi sa probinsya, magkalapit lamang ang bahay ng isa't-isa. Kailangan mong maunang mag-igib dahil mamaya lang ay marami ng pipila para lang kumuha ng tubig.

Dito sa san Nicolas, mahihirap halos ang nakatira dito. Swerte ka na lang kung makapag trabaho ka sa hacienda ng mga del vega.

Doon pa iyon sa groto, mataas ang kanilang mansyon at sila ang pinakamayang tao dito sa san Nicolas.

Nagmamay-ari sila ng malaking hacienda na puno ng iba't-ibang pananim at alagang hayop.

Nais ko sanang makapag-trabaho doon ngunit bihira lang sa amin ang makapasok sa hacienda. Kung hindi mo rin kilala ang mga del vega, mananatili ka na lamang nakatingala sa kanila.

"Ang aga mo'ng nag-iigib ngayon, leslie." tipid lamang akong ngumiti kay glenda. Siya ang kaibigan ko dito sa san nicolas simula bata pa, katulad ko. Mahirap din si glenda at kailangan din niyang magtrabaho para mapag-aral ang sarili.

"Kailangan ko'ng mag-ipon ng tubig, maraming labahin sa bahay." ngumiwi siya habang naiiling.

"Bakit ba pilit mo'ng pinaglalaba ang mag-inang iyon? Alam mo, noong narito pa si tita norma. Hindi ka niya hinahayaang magtrabaho ng ganito." nginitian ko lang siya sa sinabi niyang iyon bago itapat ang dala ko'ng timba sa poso.

"Sampong taon pa lang ako noon, glenda. Bata pa ako, disi otso na ako ngayon at kaya ko ng gumawa ng trabahong bahay, atsaka pa. Sila ang bumubuhay sakin, ayos lang 'yon."

Bumuntong hininga siya habang nakatingin sakin. "Mabait ka lang kasi, pero ang totoo. Inaalipin ka lang ng mag-inang iyon."

"Lilipas din ito, glenda. Hindi naman habang buhay paparito ako, darating din ang araw na makaka-angat din tayo sa hirap." naging maganda ang ngiti niya dahil sa inihayag ko.

"Tama ang sinabi mo, sa oras na makapag-tapos ako, tutulungan kita. Magtulungan tayo kung sino ang mauna satin."

"Syempre mauuna ka'ng matupad ang pangarap mo, saka na ako. Kapag nakapag-ipon na."

Naging malungkot siya sa eksenang iyon, nasa first year college na kasi ito samantalang ako ay high school lamang ang natapos ko. Hindi na kasi ako nag-aral dahil mas inuna pa nila ang pag-aaral ni kassandra, isa kasi itong nursing at medyo may kagastusan din ang kursong iyon.

Alam ko naman na makapag-aaral din ako, kahit naman huminto ako. Hindi ibig sabihin na ihihinto ko rin ang pangarap ko, alam ko'ng darating din ako sa puntong 'yon.

Matapos ko'ng makapag-igib, dumiretso na ako pauwi upang gawin na ang mga trabahong bahay. Halos ilang oras akong nagtatrabaho bago ko tingnan ang oras, pasado alas diyes na ng umaga. Natapos naman na akong magluto at maglaba, kailangan ko na lamang ipaghatid ng makakain si inang bago pumatak ang alas onse.

Dahil sa kaisipang iyon, hindi na ako nagpahinga para makapunta na ako ng pamilihan. Lalakarin ko lang iyon ng mga bente minutos dahil ayoko naman ng mamasahe pa, may pera naman ako ngunit tinatabi ko lamang iyon para sa pag-aaral ko.

May bayad kasi ang tuition fee dito, kung scholar sana ako ay magiging madali lamang ang lahat. Ngunit malas ako dahil hindi ako pinalad na mapabilang doon.

Sa paglalakad ko patungong palengke, medyo tahimik sa kantong kinaroroonan ko dahil ibang daan ang aking tinahak. Nais ko kasing mapadali ang aking paglalakad upang hindi ako gaanong mapalayo.

Ngunit natigilan ako ng may makitang grupo ng kalalakihan na tila ba pinalilibutan ang isang binata. Napamaang ako ng makitang duguan na ito dahil halatang pinagtulungan siya, pinagsisipa pa nila ang kawawang binata bago tuluyang umalis.

"Mayabang ka lang naman pala sa umpisa!" iyon pa ang huling dinig ko sa mga kalalakihan bago nila tuluyang lisanin ang kawawang lalake.

Dahil ako lamang ang taong narito, naglakas loob na akong lapitan siya kung saan para ba'ng nanghihina na ito.

"Hihingi lang ako ng tulong." hindi niya ako pinansin ng sabihin ko iyon, tumayo na ako upang maghanap ng taong makakatulong sa akin. May nakita akong tricycle driver na paparating kaya pinara ko iyon upang maidala namin sa ospital ang lalake.

"Ano ba'ng nangyari dito?" iyon ang tanong niya habang pilit namin siyang pinagtutulungan upang maisakay sa tricycle.

"Napag-tripan po yata, may kalalakihan kanina na pinagsisipa siya."

"Naku, mga kabataan talaga. Mukhang dayo pa itong batang 'to." hindi nga pamilyar sa akin ang lalakeng 'to, ngunit maski duguan siya at maraming pasa. Nakikita ko'ng anak mayaman siya.

*********

to be continued....

CDS 3 : Admiring Dreams With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon