Third Person Pov.
Dahil kailangan ng witness sa kaso ni rigor alegria. Hindi naging maganda ang unang hearing na naganap dahil nasa kabilang panig ngayon ang judge dahil sa lahat ng mga kaanak na namatayan noong gabing iyon.
Maging si senyora ay hindi papayag na maabsuwelto si rigor dahil sa ngayon siya ang dinidiin na suspek sa kaso dahil hindi pa rin nila nahahanap ang tinutukoy niyang totoong suspek sa insidenteng ‘yon.
Ang kaso lamang ay wala silang mahanap na witness upang patunayan na hindi si rigor ang nagmamaneno ng gabing iyon. May mga ebidensya rin kasi ang kabilang panig na ang jeep ay pagmamay-ari ni rigor dahil sa mga ID na naroon.
“Kumusta naman ang hearing?" nasa unibersidad na si leslie dahil pumasok pa rin siya kahit masama ang kanyang pakiramdam. Hindi rin kasi niya matiis lumiban dahil baka may malagpasan siyang leksyon.
“Hindi maganda ang unang hearing eh. Wala sa panig namin ang judge dahil wala kaming witness at ebidensya,"
Napabuntong hininga si diego dahil sa narinig. Nakakaramdam na ito ng awa kay leslie dahil pabigat ng bigat ang mga pinagdaraanan niya.
“Sana magising na si don javier. Alam ko na siya lang ang susi sa kalayaan ng tatay mo, siya lang ang makapagsasabi na hindi si tito rigor ang sumaksak sa kanya." tipid na ngumiti si leslie bago tumango.
“Pinagdarasal ko nga na magising na siya. Hindi lang para mailigtas niya si amang, kundi para mabigyan din ng hustisya ang mga namatay ‘nung gabing iyon."
“Tama ka, masyado naman hangal ang may gawa sa insidenteng ‘yon. Malaki ang galit niya sa mga del vega kaya pinagtangkaan niya ang buhay ni don javier," hindi na sumagot pa ang dalaga dahil ang totoo, may kasalanan din siya kung bakit sila nasangkot sa guling iyon.
Ngunit hindi siya nagsisi na tinulungan nito si senyora. Nararapat lamang na gawin niya iyon ngunit hindi nito inaasahan ang naging kapalit.
DAHIL araw ng biyernes ginanap ang unang hearing. Maagang silang pina-uwi ng kanilang professor ngunit nag-iwan muli ito ng sandamakmak na activities na gagawin at ilang plates na ipapasa sa lunes.
Halos maramdaman na ni leslie ang pananakit ng ulo niya. Hindi niya iyon sinasabi kay diego dahil ayaw na nitong mag-alala ang kaibigan niya. Nauna na lamang siyang umuwi dahil nais na niya talagang magpahinga. Mainit ang nararamdaman nito sa kanyang mata at paghinga sa ilong, pakiramdam niya ay may lagnat siya at hindi niya alam kung saan niya nakuha iyon.
Pagka-uwi nga sa bahay na pansamantala niyang tinitirhan. Hindi na ito nag-abalang magbihis pa, dumiretso na siya sa kanyang silid at doon nahiga.
Sa sobrang sama ng pakiramdam niya ay hindi na nito namalayang nakatulog siya. Tumawag din kay akhiro ang bodyguard na nagbabantay kay leslie at sinabing nasa kwarto lang siya at hindi pa lumalabas para kumain.
Lagi kasi niyang tinatanong kung anong ginagawa nito at kung kumain na ba siya. Ngunit nagtataka si akhiro kung bakit hindi pa ito kumain gayong alas siete na ng gabi pasado.
“Anong ginagawa niya sa silid?" walang naging maayos na sagot ang bodyguard dahil hindi naman niya matukoy kung natutulog ba ito o nag-aaral lang. Naka-lock kasi ang pinto at hindi man lang kumikibo si leslie ng tawagin siya nito.
“Papunta na ako diyan," iyon na lamang ang sinabi ni akhiro bago maghanda upang puntahan si leslie. Kalahating oras yata bago siya makarating sa tinitirhan nito at agad siyang dumiretso sa pintuan ni leslie.
Dahil naka-lock nga iyon. Hinanap pa ni akhiro ang susi sa cabinet na nagawa naman niyang makita. Pagkabukas nga ng pinto ay nabungaran na niyang nakahiga si leslie sa kama kung saan balot na balot siya ng kumot dahil nilalamig ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/353478510-288-k285328.jpg)
BINABASA MO ANG
CDS 3 : Admiring Dreams With You
General FictionSi leslie Alegria ay isang dalaga na may minimithing pangarap sa buhay, isa siyang dalaga na matatag sa lahat ng pagsubok na pinagdadaanan nito. Marami man humahadlang sa pangarap niya, hindi niya naisip sukuan iyon kahit ano mang balakid ang dumati...