Leslie Alegria Pov.
Dahil nga sa narinig ko mula sa senyora. Hindi ko malaman kung ngingiti ba ako o anong ipapakita kong reaksyon. Nagulat kasi ako na nalaman pala nila na ako iyon, wala na sana akong balak ipaalam na ako ang tumulong sa anak nila dahil alam kong mas lalo lang nilang ipipilit ang pera sakin.
"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin, hija? Ikaw pala ang nagdala sa ospital kay akhiro. Kung hindi pa namin pina-check ng husto ang Cctv ay hindi namin malalaman na ikaw 'yon."
Muli ay napipilitang ngiti ang iginawad ko sa senyora. "Ayos lang naman po kasi, ang importante po natulungan ko ang anak ninyo."
"Ikaw talagang bata ka, alam mo ba. Pinabibilib mo ako, natutuwa ako sayo lalo."
"Salamat po, senyora. Natutuwa din po ako dahil nakilala ko kayo. Hulog kayo ng langit para sakin."
Ngumiti ang senyora bago tumango. "Lahat ng kailangan mo sabihin mo, huwag kang mahiyang lumapit sakin dahil tutulungan kita. Kahit ano man iyan." ngumiti na lamang ako sa sinabing iyon ng senyora. Natutuwa ako dahil alam kong may malalapitan ako sa oras ng kagipitan. Ngunit gayun man, hindi pa rin talaga ako makabawi dahil sa maraming ibinigay ng senyora sa akin.
"Ipahahatid na kita sa anak ko habang maaga pa. Sa lunes ka na lang mag-umpisang magtrabaho dito." tumango si ako sa sinabing iyon ng senyora. Tuluyan na rin pinaloob ni manang rosa ang mga gamit sa paperbag kung saan tumutulong na ako sa pag-aayos.
Matapos iyon ay tinulungan niya din akong ibaba ang mga iyon sa sala dahil na rin masyadong marami iyon.
Naabutan na namin sa sala si akhiro habang nakaupo sa sofa. Naiwan din ang senyora sa silid dahil may kinakausap ito sa telepono.
"Ihahatid na kita." nagprisinta na si akhiro nakikita niya yatang pagod na ako. Tumayo na ito at naunang lumabas, kahit hindi niya kami tinulungan. Hindi pa rin mawawala ang saya sa sistema ko ang saya.
"How much your uniform cost?" iyon ang bungad na tanong ni akhiro pagkapasok ko sa kotse. Nasa likurang upuan ang mga gamit ko habang akk naman ay nasa passenger seat.
"Mahigit isang libo ang uniform ng architect. May school uniform din na bibilhin at P.E uniform."
Tumango-tango si akhiro habang minama-obra nito ang manubela. "Ako na ang bahala sa uniform mo, i will call the head admin." napamaang ako bago tuluyang umiling ng ilang beses.
"Huwag na, akhiro. Magkakaroon na rin naman ako ng trabaho eh. Atsaka, may isang buwan pa para makabili ako." napa-tsk ito sa sinabi ko. Para bang nainis bigla sa pagtangi.
"Then you can paid me after your salary. Huwag mo na lang kino-kontra ang tulong ko." napanguso ako. Nakakahiya naman kasi kung siya pa ang gagastos sa uniform ko. Ayoko naman lubusin ang binibigay nilang tulong dahil nahihiya ako. Alam kong mabait sila, ngunit hindi naman ako humihingi ng kapalit mula sa naitulong ko sa kanila.
Ang importante ang nakatulong ako.
"Diyan na lang." muli ay huminto ang kotse ni akhiro sa hindi kalayuan sa amin. Sigurado akong nasa alas sais na ng gabi at hindi ko alam kung naka-uwi na ba sila inang. Ngunit ang inaalala ko sa ngayon ay ang pagbaba ni akhiro sa kanyang kotse.
"Ito ba ang bahay ninyo?" napipilitan lamang akong ngumiti habang nakatingin siya sakin. Parang hindi pa siya sigurado dahil sinisiguro nito ang reaskyon ko. "Hindi ito ang bahay ninyo, hindi ba?" nag-iwas ako ng tingin. Nahalata niya bang nagsisinungaling lamang ako? Ayoko kasing magpahatid doon sa mismong tapat ng bahay. Alam kong maraming masasabi si inang at kassandra sa oras na mangyari 'yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/353478510-288-k285328.jpg)
BINABASA MO ANG
CDS 3 : Admiring Dreams With You
قصص عامةSi leslie Alegria ay isang dalaga na may minimithing pangarap sa buhay, isa siyang dalaga na matatag sa lahat ng pagsubok na pinagdadaanan nito. Marami man humahadlang sa pangarap niya, hindi niya naisip sukuan iyon kahit ano mang balakid ang dumati...