Leslie Alegria Pov.
Buong maghapon ay wala ako sa sarili. Marami akong iniisip kabilang na doon si amang, medyo sumasakit na ang ulo ko dahil hindi ko alam kung anong uunahin ko.
Nakapag-pasa na ang lahat ng mga classmate ko. Hindi ko pa nakumpleto ang mga nahuhuling requirements ko sa katapusan ng midterms. Ang sabi ko ay ihahabol ko na lamang iyon bukas, hindi ko kasi kayang gawin ang plates ko kagabi. Kung pipilitin kong tapusin iyon, baka pangit lamang ang kalalabasan.
"Ayos ka lang ba?" nagyaya si diego sa cafeteria bago kami lumabas. Pansin niya kasing namumutla ako dahil nakakaramdam ako ng hilo, alas singko na ng hapon. Palabas na lahat ng studyante dahil uwian na.
"O-oo," iyon lamang ang isinagot ko. Naupo ako sa bakanteng upuan habang hawak-hawak ang aking noo. Nagpa-alam din saglit si diego na bibili muna ng maiinom kaya't saglit akong naiwan.
Wala ng gaanong studyante sa cafeteria. Iyong babae na lamang ang nagpupunas ng mesa habang ang ilang empleyado sa loob ng counter.
Nakita kong pabalik na si diego sa pwesto ko. May dala siyang mineral water na agaran niyang binuksan para sa akin bago iyon ilahad.
"Huwag kang masyadong mag-isip. Uuwi din ang papa mo," alam ni diego ang balita dito sa san nicolas. Sinabi ko rin sa kanya ang nangyari nang gabing iyon at natutuwa akong naniniwala siya sakin.
"Hindi naman maiiwasan 'yon, diego. Tatay ko ang pinaparatangan nila ng kaso, inosente si amang. Wala siyang kasalanan sa pagkaka-ospital ni don javier," bumuntong hininga si diego bago tumango.
"Alam ko, naniniwala ako sa mga sinasabi mo. Pero wala tayong magagawa, mga del vega sila. Alam mo naman na makapangyarihan sila at kaya nilang gamitin ang kanilang pera mabigyan lang ng hustisya ang nangyari sa don," hindi ako nagbigay imik. Naaawa lamang ako kay amang dahil marami pa siyang sugat ngayon, iniisip ko nga kung umiinom siya ng gamot.
"Kung may kailangan ka, sabihan mo lang. Willing naman kitang tulungan, ano pa ba ang mga requirements na kulang mo?"
Ngumiti ako ng tipid bago umiling. "Kaya ko na 'yon, diego. Tatapusin ko iyon mamaya, salamat na lang."
Nakatitig siya sa akin at walang sinagot. Ako na rin ang nag-iwas ng tingin bago muling uminom ng tubig. Medyo nahimasmasan na ako at nabawasan ang aking pagkahilo.
Nagyaya na rin akong umalis na dahil kailangan ko pang magtungon sa mansyon ng mga del vega. Nais ko rin naman makibalita sa nangyari kay don javier. Kung kumusta na ba siya at kung anong lagay nito.
Ngunit nahinto kami ni diego ng makitang nagkakagulo sa gitna ng quadrangle. Para bang may nangyaring aksidente doon na hindi ko malaman kung sino ang nakapulong doon.
Nakikita ko lamang ang ilang nag-eensayo sa voleyball. Doon ko na rin naaninag kassandra na nakaupo habang hawak ang tuhod niyang may sugat. Hindi ko na rin nagawang lumapit dahil mula sa kinatatayuan ko, nakita ko doon si akhiro na kinakausap si kassandra. Medyo malayo kami kaya hindi ko naririnig ang pag-uusap nila.
Nakita ko na lamang ang pagbuhat ni akhiro kay kassandra. Tumalikod siya at naglakad patungong clinic, hindi ko alam kung bakit hindi naging maganda ang pakiramdam ko habang tinatanaw ang pag-alis nila. Medyo may kulang sa akin na hindi ko matukoy.
"Baka nadapa iyon kanina," tumango ako kay diego. Hindi naman niya alam na magkapatid kami ni kassandra, wala naman nakaka-alam na magkapatid kami dito. Bago pa lang kasi ako at karamihan na nag-aaral dito ay mayayaman.
Paano nila makikilala ang isang tulad kong mahirap?
"Kaya mo bang magbisiktela? Baka gusto mo lang humangkas sa motor ko?"
BINABASA MO ANG
CDS 3 : Admiring Dreams With You
General FictionSi leslie Alegria ay isang dalaga na may minimithing pangarap sa buhay, isa siyang dalaga na matatag sa lahat ng pagsubok na pinagdadaanan nito. Marami man humahadlang sa pangarap niya, hindi niya naisip sukuan iyon kahit ano mang balakid ang dumati...