Chapter 2

439 16 13
                                    

Leslie Alegria Pov.

Idinala nga namin ang lalakeng bubog sarado sa ospital ng oras na iyon. Agaran siyang tinanggap ng ilang nurse at inasikaso maski walang tanong man sa aming dalawa ng tricycle driver.

Tinanong lamang nila kami kung anong nangyari at kung bakit wala siyang malay.

Sinabi ko ang totoong nasaksihan ko kaya't ang ilang stuff ay may tinawagan na hindi ko mahulaan kung sino.

Dahil nga nagmamadali ako ng oras na iyon, kailangan ko ng magtungo ng pamilihan upang hatiran ng makakain si inang helen.

Hindi na rin naman ako siningil ng tricycle driver bagkus hinatid pa niya ako kung saan ako pupunta.

"Maraming salamat po."

Tumango ang manong sa pagpapa-salamat ko. Matapos iyon ay nagpa-alam na akong mauuna na dahil tiyak ng naghihintay sa akin si inang.

Pagka-apak ko nga sa pwesto ni inang helen, salubong na ang kilay nito ng makita niya ako. Madilim ang kanyang awra at tiyak na bubulyawan na naman ako nito dahil sa oras na akong dumating.

"Bakit ngayon ka lang?" inilapag ko ang aking dala sa gilid bago harapin si inang.

"May nangyari lang po kasi sa kanto."

"Ano na naman iyan?" mataas na ang boses ni inang sa pagtatanong niyang iyon. "Bakit ba kung ano-ano na lang ang inaatupag mo? Bakit hindi ka magfocus kung anong inutos ko sayo?"

"Pasensya na po." nais ko sanang ipaliwanag ang nangyari, hindi na ako naglakas loob pa'ng sabihin iyon. Alam ko naman na magagalit siya dahil sasabihin nito na dapat ay hindi ako nangingi-alam sa mga ganoong gulo.

Ngunit hindi ko naman kayang iwan ang lalakeng iyon lalo na't alam ko'ng kailangan niya ng tulong.

"Pumarito ka na muna at mag-bantay, kakain lang ako saglit sa loob." muli ay tumango na lamang ako. Tumutulo pa ang pawis sa aking sintido dahil na rin sa init. Ngunit ayos lang naman iyon dahil medyo naiibsan ang sakit ng ulo ko.

Habang nakaupo nga sa harap ng mga paninda ni inang. Biglang sumagi sa isip ko ang nakitang binata kanina, hindi siya pamilyar sakin. Hindi ko rin naman masyadong inaninag ang kanyang mukha dahil na rin siguro sa nerbyos.

Gayun man, inisip ko na lamang ngayon na maayos na ito dahil nga nadala naman na siya sa ospital. Hindi ko na siya kailangan problemahin pa dahil kailangan ko ng magfocus sa pagtitinda.

Alas tres ng hapon matapos akong pa-uwian ni inang helen. Ang bilin niya sakin ay magluto mamayang alas singko ng isang sinabawang karne sa kamatis. Marami naman akong alam ukol sa pagluluto, tila ba nasanay na lamang ako sa hirap ng buhay at namulat kung paano tumayo sa sariling paa.

Gaya lamang ng dating gawi, nilakad ko lamang ang mahabang kalsada pauwi dahil nga ayokong gumastos sa pamasahe. Hindi naman na problema sa akin ang paglalakad dahil sanay na ako.

"Holdap 'to!" natigilan ako sa paglalakad dahil bigla akong nakarinig ng isang tinig ng lalake. Iginala ko ang aking paningin at doon nakita ko ang isang ginang na tinututukan niya ng kutsilyo.

"Ibigay mo sakin iyang dala mo'ng bag." hindi ko mamukhaan ang ginang dahil may balabal ito sa kanyang mukha. May mga alahas din siyang suot na kung titingnan mo ay isang mayamang babae.

Inabot nga ng ginang ang dala niyang bag sa takot na masaktan ng ginoo. Nasa likuran ako ng isang Jeep at walang gaanong tao dito mismo sa harapan ng isang panederya.

"Kailangan ko lamang makuha ang singsing ko sa loob ng bag. Pagkatapos ay ibibigay ko na rin sayo ang lahat ng pera ko."

"Hindi!" isang matigas na salita ang pinakawalan ng lalake na tila ba hindi sumang-ayon sa nais ng ginang. "Lahat ng nasa loob ng bag ay akin, kung may reklamo ka. Isasama kita!"

"H-hindi na, s-sayo na iyan."

Tuluyan na 'ngang binitawan ng ginang ang kanyang bag dahilan upang makatakbo na ang ginoo paalis. Dahil nakikita ko'ng naghihinayang ang ginang sa pagkadukot ng kanyang bag. Sinundan ko ang lalakeng may dala nito kung saan siya dumaan.

Iniisip ko na baka kailangan ng ginang ang mga perang iyon at minsanan lamang kinuha ng lalakeng walang puso.

"Manong kalbo." natigilan siya sa paglalakad matapos ko itong tawagin, dahil wala din masyadong tao sa lugar ng ginang kanina. Hindi na niya nagawang humingi ng tulong dahil na rin sa takot na masaktan.

"A-ano kamong s-sinabi mo?"

"Akina iyang bag na hawak mo." nangunot ang noo niya dahil sa sinabi ko'ng iyon. Hindi ko kilala kung sino ang lalakeng ito, tila ba dayo lamang siya at dito pinuntirya ang mayamang ginang na iyon.

"Bakit ko naman ibibigay sayo ang bag na 'to?"

"May CCTV footage sa lugar kung saan mo kinuha iyan, alam mo ba ang parusa dito sa kulungan ng san nicolas?"

Natawa siya na kung pakikinggan mo ay hindi mo nanaising marinig. "Pakialam ko sa batas niyo? Sinong tinatakot mo?" ngumisi ako sabay pasok ng kamay ko sa aking bulsa. Dumapo ang tingin niya doon na tila ba hinihintay ang bagay na ilalabas ko.

"Pag bilang ko ng tatlo, dapat ibigay mo na sakin ang bag na 'yan. Dahil kung hindi, sabog iyang noo mo sa sahig."

Tila ba nasindak siya sa sinabi ko'ng iyon habang nakatingin sa aking bulsa. May suot akong asul na jacket na may bulsa sa harap, mula sa loob ng bulsa ko may hawak ako doon na hindi niya nakikita.

"I-ibibigay ko sayo ang b-bag, h-huwag mo na lamang akong i-isumbong sa pulisya at huwag mo ng ilabas 'yan."

"Isa.." natataranta siya bigla sa pagbilang ko, hindi na umabot pa ng dalawa ang numero dahil daglian na niyang nilahad sa akin ang bag habang dahan-dahang dumistansya sakin. "Umalis ka na sa paningin ko, ayoko na rin makita ka pa'ng umaaligid dito."

Mabilis siyang kausap dahil agaran niyang sinunod ang nais ko. Doon ko na rin tuluyang nilabas ang bagay na nasa bulsa ko at doon nakita ko'ng isa iyong panyo. Nahulog kasi ito bulsa ng lalakeng tinulungan ko kanina, hindi na lamang ako nagkaroon ng pagkakataong ibalik ito kaya't inilagay ko na lamang sa aking bulsa.

Dahil nga nakuha ko ang bag ng walang kahirap-hirap. Muli akong bumalik sa lugar kung saan nakita ko ang ginang kanina, naroon pa rin ito ngunit may mga kasama na siyang mga ginoo na hindi ko mamukhaan ang mukha.

Gayon man, lumapit pa rin ako upang ibigay na sana ang kanyang bag ngunit bigla ay humarang sila sa harap ng ginang dahilan upang hindi ako makalapit dito.

"Anong kailangan niyo?" napalunok ako sa tanong nila.

"I-ibabalik ko l-lamang sana ang bag na pagmamay-ari niya."

Nangunot ang noo ng dalawang ginoo dahil sa sinabi ko'ng iyon. "Kasabwat ka ba ng lalakeng tinutukoy ni senyora!"

Namilog ang mata ko sabay iling ng dalawang beses. Ngunit lumapit na ang tinatawag nilang senyora kung saan mabilis nitong kinuha sa akin ang bag.

Binuksan niya iyon at agarang sinuri ang laman ng loob kung may nawala ba. Nang makitang kumpleto ang laman ng kanyang bag, nakahinga ito ng maluwang bago ako balingan ng tingin.

Medyo napaatras pa ako dahil sa titig at awra ng kanyang mata. Sa tingin pa lang nito ay malulula ka na sa takot.

"Isakay niyo siya sa kotse at dalhin sa mansyon."

Hindi ko alam kung anong gagawin matapos hawakan ng dalawang ginoo ang magkabilang braso ko.

Sapilitan nila akong isinakay sa magarang kotse dahilan upang mahimatay ako sa takot.

*********

to be continued....

CDS 3 : Admiring Dreams With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon