Leslie Pov.
Pagka-hinto ko sa tapat ng bahay ay naroon pa ang kotse ni akhiro. Ngunit wala siya doon, hindi siya naghihintay sa tapat ng kotse nito na kadalasang nakikita ko.
Naisip ko na agad na baka nasa loob siya. Pinapasok pa ba siya ni kassandra?
Napailing ako habang ipinapasok ang aking bike sa gilid kung saan ko ito itinatabi.
Mula sa gilid ng bahay, naririnig ko na ang tinig ni inang. Hindi ko din alam kung bakit wala pa si amang ngayon, kadalasan naman ay narito na siya tuwing ganitong oras na.
Pumasok ako sa loob na medyo mabibigt ang yapak. Naabutan ko nga sila sa sala na masayang kinakausap si akhiro. Ngunit natuon na ang atensyon nito sa akin ng makita niya ako.
"Bakit ngayon ka lang dumating? Ang daming tutupiing damit doon," tumango ako sa sinabi ni inang.
"Kinuha ko lang po ang bike," iyon na lamang ang sinabi ko. Mukhang hindi naman din sinabi ni kassandra na kasama ko sila kanina. Hindi rin naman ako nagtagal sa harapan nila dahil pumasok na ako sa aking kwarto. Dahil wala din namang pinto ang aking silid at bukod tanging kurtina lang ang nakaharang doon.
Narinig ko ang pamama-alam ni akhiro habang nakaupo ako sa higaan ko.
"Hinintay ko lang maka-uwi si leslie, kasama namin siya kaninang kumain. I just want to make sure she's safe," hinihiling ko na sana ay hindi na iyon sinabi pa ni akhiro. Naiimahe ko na ang mukha ni kassandra at inang bago ko tuluyang marinig ang mga yapak ni akhiro paalis.
Maging ang tinig ni inang na pinag-iingat si akhiro ay narinig ko rin. Ilang segundo lang ng marinig ko ang makina at busina ng kotse nito hudyat ng kanyang pag-alis.
Wala naman sana akong planong ipaalam kay inang ang pagkikita namin ni akhiro. Ngunit tiyak ng sasabihin na iyon lahat ni kassandra dahil alam ko ang ugali niya.
"Mukhang nawiwili ka na sa anak ng senyora, leslie." boses iyon ni inang na ngayo'y nakasandal sa hamba ng pintuan. Naroon si kassandra sa gilid niya, nakataas ang kilay ngunit hindi ako nagbigay imik.
"Nakakalimutan niya yata inang na isa lang siyang hampas lupang katulong ng mansyon. Masyado siyang assuming, nakita ko sila sa lugto's house kanina. Kung hindi pa siguro ako dumating ay tuluyan na niyang lalandiin si akhiro!" napabaling ang paningin ko kay kassandra.
Kunot ang noo at nais siyang singhalan ngunit pinilit kong ikinalma ang sarili.
"Hindi totoo iyan, kassandra. Alam mong kumakain lamang kami, sinamahan ko lamang siya dahil bilang anak siya ng boss ko, susundin ko rin kung anong ini-uutos niya."
Natawa si inang sa sinabi ko. "Huwag ka ng mag-dahilan pa, leslie. May pinagmanahan ka rin naman, katulad ka lamang ng nanay mong mahihilig sa del Vega. Pero hindi naman siya ang gusto, kaya't tigilan mo ang binatang iyon. Si kassandra dapat ang ipagtulakan mo sa kanya at hindi iyang sarili mo!"
Hindi ako nagbigay imik. Wala din naman na akong oras pa para sumagot. Hahaba lang lalo ang usapan at mamasamain lamang nila ang pagdadahilan ko.
Mas mabuting tumahimik na lamang ako kesa sa masagot ko sila.
Iyon ang hindi ko nais mangyari dahil kahit papaano, may respeto pa rin naman ako sa kanya bilang ikalawang asawa ni amang.
ALAS NUEBE pasado na ng dumating si amang. Inaayos ko ang mga nakatuping damit ni kassandra ng makita ko siyang umupo sa sala.
Mabilis akong binalot ng gulat dahil sa nakita ko. Duguan si amang habang hawak niya ang kanyang dibdib, hindi ko malaman kung hahawakan ko ba ito dahil na rin sa nakikita ko.
BINABASA MO ANG
CDS 3 : Admiring Dreams With You
General FictionSi leslie Alegria ay isang dalaga na may minimithing pangarap sa buhay, isa siyang dalaga na matatag sa lahat ng pagsubok na pinagdadaanan nito. Marami man humahadlang sa pangarap niya, hindi niya naisip sukuan iyon kahit ano mang balakid ang dumati...