Chapter 39

287 15 1
                                    

Leslie Alegria Pov.

Hindi ko talaga akalain na sa dami ng taong nakilala ko. Isang del vega pa ang tutulong sa akin na bago ko pa lang nakilala nitong taon.

Ngayon pa lang ay nagpapa-salamat na ako sa inaabot niyang tulong sa amin para lamang malinis ang pangalan ni amang.

Sino ba ang mag-aakala na tutulungan kami ng isang anak ng del vega. Biktima ang kanyang ama at nasa ospital pa rin ito dahil hindi pa rin siya nagigising dahil sa insidente.

Ngunit heto siya at handa kaming tulungan kahit wala kaming ebidensya na hindi si amang ang nagmamaneho ng jeep nito.

“P-paano kung malaman ito ni senyora, hijo? Baka ikapahamak mo pa itong pagtulong mo sa amin," umiling si akhiro sa sinabing iyon ni amang.

“Hindi niya po malalaman, ako na po ang bahala. Hindi makatarungan ang nangyayaring ito, at sa tulong niyo bilang pakiki-isa sa plano ko. Mahuhuli natin ang totoong may sala sa lahat,"

Hindi na nagbigay pa ng tugon si amang sa sinabi nito. Para ba‘ng kay lalim na ng kanyang iniisip dahil nag-aalinlangan din ito sa kanilang gagawin..

Ngunit kung ako ang tatanungin, kumbinsido ako sa plano ni akhiro. Nagtitiwala ako sa kanya dahil sa ngayon ay siya lang ang makakatulong sa amin.

Nang oras na iyon ay may tinawagan si akhiro. Saglit na nagkamustahan kami ni amang at natanong ko rin kung makakasama ba siya sa amin ngayon sa pag-uwi.

Hindi niya pa alam ang isasagot ngunit may ilang oras pa siya para mag-desisyon.

“Sumama na ho kayo amang, sumuko na kayo ng kusa sa mga pulisya upang hindi na lumaki ang kaso niyo." iyon muli ang sinabi ko kay amang matapos namin mananghalian. Kasama na namin sila tito na ikalawang panganay sa magkakapatid. Lumabas na rin si amang sa kanyang silid upang sabayan kaming kumain kanina.

“May punto si leslie, rigor. Walang mangyayari sayo kung magtatago ka lang dito. Mas mabuting harapin mo na ang kasong isinampa sayo upang malinis na ang pangalan mo," maging si tiyo ay iyon na ang sinabi niya. Magkasama lamang sila dito sa iisang bahay, maging ang asawa ni tiyo ay narito ngunit si tita hazmin ay dalaga pa rin hangga ngayon.

“N-natatakot kasi ako sa mga p-posibilad na pwedeng mangyari kay leslie. P-paano ko siya bibigyang proteksyon kung nakakulong ako?"

“Like what i‘d said before, i will give her protection to guard your daughter. Hindi ko rin naman hahayaang masaktan ang anak ninyo," tumango si tiya hazmin sa sinabi ni akhiro. Ngunit si tito ay nag-usisa bigla na nagbigay katahimikan sa amin.

“Liniligawan mo ba ang pamangkin ko?" maging si akhiro ay matagal bago sumagot. Ngunit sa huli ay umiling din siya kung saan tinulungan ko na ito.

“Magkaibigan lamang po kami ni akhiro. Nagtatrabaho po ako sa kanila dahil si senyora flora ang nagpapa-aral sakin," tumango sila. Nabigyang klaro naman ang kanilang tanong hangga sa bumalik kami sa usapan kay amang.

Nagawa rin namin siyang mapilit na sumama sa amin. Hindi naman sa nais ko siyang makulong, gusto ko lang naman luminis ang pangalan niya sa buong san nicolas para hindi na rin siya nagtatago ng ganito.

Lumisan kami sa bahay nila tiya pasado alas dos na. Sigurado lang na gagabihin na kami ng uwi kung saan sa simbahan na lamang kami ibaba ni akhiro. Nasabi niyang tinawagan na nito ang kilala niyang abogado na magdidipensa kay amang. Kasama namin siyang tutungo ng prisinto kung saan naghihintay na siya doon sa simbahan.

Alas siete ‘y medya na makarating kami sa san nicolas church. May naghihintay ng kotse doon na sa tingin ko nga ay iyong abogadong nasabi ni akhiro.

CDS 3 : Admiring Dreams With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon