Akhiro Del Vega Pov.
“Umuwi ka na lang dito sa san nicolas kung puro gulo lang din ang inaatupag mo diyan sa manila!" that’s what my mom said on the other line. Galit siyang tumawag sakin dahil sa narinig na balita mula sa pinsan ko.
I got involved on trouble again last night. Doon sa bar na pinuntahan ko kung saan napasama pa ang mga kaibigan ko sa gulo kung kaya’t pati ako ay damay.
“It's just a small thing mom. You don't need to worry about it," i answered her with a calm voice. Pero muli lang din niya akong pinaulanan ng sermon hangga sa dumating kami sa puputulin niya ang allowance ko.
“Sa oras na hindi ka pa umuwi dito, i will banned all your ATM's akhiro. Sumusobra ka na kasi, pinagbigyan na nga kita sa kurso mo pero ano naman ang ginagawa mo sa buhay mo!"
“I'm sorry, mom."
“Go home now and don‘t use your car. Mag-commute ka muna, susunduin ka namin sa terminal." napamura ako sa isip dahil sa sinabi ni mommy. Alam kong siya pa rin ang masusunod so i can‘t do anything and just follow what she’d order.
Nagpahatid nga ako sa driver ni tito sa terminal ng walang dala kahit ano. Today is the last week of enrollment, pero ngayon ay tiyak ng hindi ako makapag-aaral dito dahil nagagalit na si mommy.
I don’t want to go home in province. Masyadong tahimik at ayoko sa mga tao doon. Lalo na sa nakita ko noong kasama ni daddy na binigyan niya ng pera, that woman is crying on daddy’s shoulder. Iba na ang naisip ko doon kaya nagalit ako sa mga taong nakatira sa san nicolas.
They are using you because of money. Hindi ko rin nagustuhan ang pagkikita ng babaeng iyon at ni daddy ng walang alam si mommy. Inisip ko na baka babae iyon ni daddy dahil inaabutan niya ito ng pera, kahit sino naman siguro ay iyon ang iisipin kung makikita nila ito.
That‘s why i hate san nicolas.
Specially our hacienda that i will handle soon. Umaayaw nga ako dahil anong gagawin ko ‘don? Kung makakasama ko lang din naman ang mga tao sa san nicolas ay wag na lang.
Ilang oras ang naging biyahe ko patungong probinsya. Medyo may kainitan na ang sinag ng araw matapos ko’ng marating ang terminal. Malas pa na lowbat ang aking cellphone kung kaya‘t hindi ko matawagan si mommy.
I decided to ride a tricycle that im not use to do. Sinabi ko nga ang address ng mansyon but suddenly, his service stop in the middle of road. Maging ako ay nangunot ang noo dahil bigla na lang huminto ang sinasakyan namin. Ang sabi niya ay nagkaroon ng problema ang makina nito kaya wala akong choice kung hindi ang maglakad at humanap ng ibang masasakyan.
Medyo badtrip na ako at mainit na ang ulo ko. Idagdag mo pa na biglang may humarang sa akin na hindi ko nagustunan ang pag-ngisi sakin.
“May yosi ka ba?" nasa lima yata sila na halatang taga rito. Maaangas ang dating na para ba’ng nais nilang katakutan ko sila.
"I didn’t smoke,"
Natawa sila sa sinagot ko. “English speaking pala ‘to eh. Kung wala ka palang sigarilyo, bigyan mo na lang kami ng pambili." nangunot ang noo ko sa sinabi nila. This is what i told earlier, ang mga tao sa san nicolas ay mukhang pera.
“Why don’t you work to earn money?" hindi nila nagustuhan ang sinabi ko ngunit wala akong paki-alam. Nilagpasan ko na sila ngunit hindi pa man ako nakakalayo ng bigla‘y hilain ng isang ang suot ko. Agad niya akong sinapak ng hindi ko man lang napaghandaan, sabay-sabay na silang umatake dahilan upang manghina ako agad. Nakuha nila ang wallet at cellphone ko ngunit hindi ko na iyon inisip pa, ang iniisip ko kung may makakatulong ba sa akin dito lalo na‘t nanlalabo na ang aking paningin.
![](https://img.wattpad.com/cover/353478510-288-k285328.jpg)
BINABASA MO ANG
CDS 3 : Admiring Dreams With You
Ficção GeralSi leslie Alegria ay isang dalaga na may minimithing pangarap sa buhay, isa siyang dalaga na matatag sa lahat ng pagsubok na pinagdadaanan nito. Marami man humahadlang sa pangarap niya, hindi niya naisip sukuan iyon kahit ano mang balakid ang dumati...