Leslie Alegria Pov.
Dumating nga si manang rosa na kasunod si akhiro. Naka-uniform na siya ngunit magulo ang buhok nito at halatang hindi man lang nagsuklay. Basang basa pa iyon ngunit wala siyang pakialam dahil halata iyon sa kanyang mukha.
"What are you doing here?" naituro ko ang sarili matapos niya akong tanungin. Para bang saglit ay nawalan ako sa sarili ngunit nakabawi naman na agad.
"Sinadya ko lang ang senyora, ngunit nasabi ni manang rosa na abala siya ngayong araw." tumango si akhiro sa sinabi ko'ng iyon.
"You can go back here after your class, let's go. Your already late." alam ko'ng hindi pa naman ako huli sa klase dahil alas siete 'y medya ang pasok namin ngayong martes. Ngunit ang bilis lang niyang nawala sa paningin ko kaya't nagmadali na akong nagpa-alam kay manang rosa.
"Babalik na lang ho ako mamaya."
Tumango ito. "Sige na, sundan mo na si señorito. Baka mahuli ka pa sa klase mo.." gaya ng sabi ni manang rosa. Sumunod na nga ako kay akhiro dahil baka mag-bago pa ang isip nito at iwanan niya ako. Sayang din naman ang pamasahe at pwede ko na iyong gamitin mamaya papunta dito.
"Why don't you text me if your going to asked my mother. Edi sana, hindi ka na pumunta dito."
Napanguso ako sa sinabi niyang iyon, daig niya pa si amang kung sermonan ako. Ngunit ng lumingon siya sakin, naitikom ko na lang ang labi sabay iwas ng tingin.
"W-wala naman kasi akong cellphone eh, atsaka. Ayos lang naman sakin kung pumunta ako dito."
Nangunot ang noo niya habang nakatayo malapit sa pintuan ng kanyang kotse. "What kind of people are you?" umarko ang nguso ko sa tanong niyang iyon, ini-insulto niya ba ako?
"Katulad mo lang din, akhiro. Pareho tayong humihinga at kumakain ng kanin. Umiinom din ako ng tubig at natutulog tuwing gabi."
"Tsk." umismid siya, halatang hindi nagustuhan ang sagot ko kung kaya't tinalikuran na niya ako upang sumakay na sa loob. Napapangiwi na lamang ako dahil hindi pa niya ako pinagbuksan ng pinto. Ang gentleman talaga ng lalakeng 'to, nato-touch ako.
"Why don't you have phone?" iyon ang bungad niyang tanong pagkapasok ko sa kanyang kotse. Sinuot ko ang seatbelt bago ito lingunin kung saan binubuhay na nito ang makina.
"Dahil mahirap lang ako, pang-mayaman lang naman iyang cellphone na iyan eh. Atsaka, wala din naman akong tatawagan dahil araw-araw ko'ng nakakasama ang pamilya ko."
"Cellphone is important too, specially your studying now. You can use that in your group chat, paano mo malalaman ang update ng professor mo?" napa-isip din ako sa sinabi niyang iyon. Ngunit hindi ko na nagawang sumagot pa dahil umaandar na ang kotse. Naiisip ko rin naman iyon, nais ko rin naman magkaroon ng cellphone ngunit hindi iyon kaya ng bulsa ko. Siguro kapag sobra-sobra na ang pera ko ay doon lamang ako makakabili.
MABILIS lang namin narating ang unibersidad dahil nga naka-sakay kami ng kotse. Wala na din namang gaanong studyante kung kaya't ayos lang kung bumaba ako sa kotse ni akhiro.
"Where are you going?" nagtaka siya dahil lumihis ako ng daraanan. Kailangan ko pa kasing ipa-xerox iyong ibinigay sa akin ni kassandra dahil baka naghihintay na siya sakin.
"Ipapa-xerox copy ko lang ito sa labas, salamat sa pagsabay, mauuna na ako." tatakbo pa sana ako ngunit hinawakan na niya ang aking bag. Hindi tuloy ako maka-alis sa kinaroroonan ko dahil sa pagpigil nito sakin.
"Give it to me." nilingon ko siya, binitawan na rin nito ang bag ko kung saan nilalahad niya ang palad sakin. "I will request it to the officers." nahihiya man ako at nais tumanggi, ngunit hindi ko na ginawa. Kinuha ko na iyon sa aking bag at agarang binigay sa kanya.

BINABASA MO ANG
CDS 3 : Admiring Dreams With You
Narrativa generaleSi leslie Alegria ay isang dalaga na may minimithing pangarap sa buhay, isa siyang dalaga na matatag sa lahat ng pagsubok na pinagdadaanan nito. Marami man humahadlang sa pangarap niya, hindi niya naisip sukuan iyon kahit ano mang balakid ang dumati...