Chapter 38

281 14 1
                                    

Leslie Alegria Pov.

Nag-iwas ako ng tingin sa tanong na iyon ni akhiro. Hindi ko alam kung bakit naitanong niya kung nanliligaw ba si diego sa akin.

Saan niya ba nakalap ang tanong na ‘yon?

“K-kaibigan ko lang si deigo," tumaas ang kilay niya sa tanong ko.

“Im not asking if that diego is your friend, my question is about courting. Kung liniligawan ka ba niya,"

Umiling ako. “H-hindi,"

“You look not sure in your answer. Baka ayaw mo lang sabihin na nanliligaw talaga siya sa‘yo," hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Bakit ko naman gagawin iyon? May makukuha ba ako kung mag-sisinungaling ako.

“Totoo ang sinasabi ko. Walang nanliligaw sakin, akhiro." nag-iwas na lang siya ng tingin at bigla‘y iniba ang usapan.

“We’re leaving after i finish my coffee, maghanda ka na. Para makarating tayo agad sa manila,"

Tumango ako sa sinabi niyang iyon. Wala din naman akong ibang dadalhin, naka-bihis na rin naman ako dahil siya na lang ang hinihintay ko kanina pa.

Gayun man, niligpit ko na lang ang mga damit na nilabhan ko kahapon. Ilang minuto din ng iwan ko si akhiro sa sala at ng bumalik ako tapos na siya sa kanyang pagkakape.

“Hindi ka ba hahanapin ni senyora?" kanina ko pa sana nais itanong iyon dahil nga nasabi niya kanina na iniwan nito ang kanyang cellphone. Hindi kasi niya nais malaman ni senyora kung nasaan ang lokasyon niya.

“Hahanapin niya ako, so we need to go home after lunch. Hindi ako pwedeng gabihin,"

“A-anong sasabihin mo mamaya?"

“I have lot‘s reason to answer, leslie. Huwag mo ng isipin iyon." tumayo na siya pagkasabi ‘non. Inayos nito ang suot niyang jacket bago muli akong tingnan. “Let’s go," tumango ako bago siya tuluyang tumalikod. Nang oras nga na iyon ay lumisan na kami, gamit namin ang kanyang kotse kaya‘t panigurado lang na mapapadali kami.

Hindi ko nga namalayan na nakatulog ako sa biyahe. Malamig kasi sa loob ng kotse kaya‘t madali akong dinalaw ng antok, naalimpungatan lamang ako ng may marinig akong malakas na busina. Mabilis akong umayos ng upo, inayos ko ang nagulo ko‘ng buhok bago lingunin si akhiro.

Nagmamaneho pa rin siya ng makita ko ito. Seryoso siya at halatang pinabayaan lamang niya akong makatulog.

“B-bakit hindi mo ako ginising?" sandali lamang niya akong nilingon dahil muli rin siyang nag-focus sa daan.

“You look tired earlier. So, i let you to sleep. Wala ka rin naman ibang gagawin sa biyahe," hindi ako naka-imik.

Pansin ko rin na madami ng kotse sa kinaroroonan namin kung kaya‘t tumingin ako sa katabi ko‘ng bintana.

Doon ko na rin nakita ang malaking billboard sa hindi kalayuan. Maraming kotse at matataas na gusali sa paligid. Doon ko na napuna sa sarili na nasa syudad na kami, medyo namamangha ako. Dahil nasanay ako sa probinsya, hindi ko halos mapangalanan ang aking nararamdam sa unang araw ko dito sa manila.

Nakakamangha.

Ganito pala sa syudad, paano pa kaya sa ibang lugar na meron ang manila?

“It‘s a little bit traffic," nalingon ako kay akhiro dahil sa sinabi niya. Medyo traffic nga ngunit ayos lang, natutuwa naman ako sa nakikita ko.

“Malayo pa ba iyong address na ibinigay ko?"

Umiling siya. “Medyo malapit na tayo, hindi ka ba pamilyar sa nadaanan natin?"

CDS 3 : Admiring Dreams With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon