Leslie Alegria Pov.
"Hindi namin nabalitaan na may nobyo ka palang mayaman?" iyon ang tanong ng ginang na taga rito malapit sa amin. Tatlo silang lumapit sa akin at iyong nangunguna ang nagtanong.
"Ang swerte mo naman, leslie. Hindi ka lang makaka-alis sa kahirapan, mawawala na rin sa landas mo ang iyong madrasta." sumabat pa si marites number two na hindi ko naman sinang-ayunan. Alam ko'ng hindi maganda ang pakikitungo sa akin ni inang ngunit hindi ko naman pinlano na umalis sa puder niya.
"Kung ako sa'yo, papatusin ko na ang lalakeng 'yon. Hindi ka na lugi, may kotse. Paniguradong may mansyon din iyon." napabuntong hininga ako sa hirit ni marites number three. Pinagkakalulong ba talaga nila ako sa malditong iyon? Kung sa bagay, nakita kasi nila na bumaba ako sa kotse niya. Tiyak na iyon nga ang iisipin nila ngunit hindi ko iyon kukumpirmahin, dahil hindi naman talaga totoo.
"Hindi po lalake ang sakay ng kotse kanina, babae po iyon." iba't-ibang uri ng ekspresyon ang makikita mo sa kanilang mukha. May nagdududa, may hindi naniniwala at natatawa.
"Sus, ikaw leslie ah. Ayaw mo pang umamin sa amin, huwag kang mag-alala. Hindi naman namin 'yon sasabihin kay helen, ang maldita mong madrasta ay hindi dapat malaman 'yon." napapailing na lang muli ako sa sinabi ni marites number one. Tiyak na iyon lagi ang sasabihin nila sakin sa oras na magkita kami, kaya sa ngayon. Magpapa-alam na ako sa kanila ng walang sinasabi.
Dala nga ang pagkain na ibinigay sa akin ni akhiro. Pumasok ako ng bahay na halos katahimikan lang ang bumungad sakin. Sanay naman na ako sa tahimik, sa probinsyang ito. Bihira lang kung mag-ingay ang mga kapitbahay. Kung may okasyon lamang o kaya pagtitipon, nagkakaroon ng videokie noon sa tuwing fiesta ang binyagan.
Inilapag ko sa mesa ang ilang prutas, itinabi ko rin ang iniluto kong ulam na paborito pala ni akhiro. Hindi ko alam kung bakit natutuwa akong malaman ang paborito niya. Nagkakaroon tuloy ako ng interest na malaman pa ang lahat ng nais nito, iyong tipo kung ano ang paborito niyang kulay. Ano-ano ang hilig niyang sports at pelikula.
Napanguso ako dahil sa naisip ko. Nais ko sanang kurutin ang sarili upang suwayin siya, bakit mo ba naiisip iyon leslie? Hindi tama ang mga pumapasok sa isip mong 'yan!
Dahil nga hindi ko na kailangan pang magluto. Inayos ko na lamang ang mga gamit na ibinigay sa akin ni akhiro. Marami akong notebook na natanggap mula sa kanya, magaganda lahat iyon at sobra-sobra pa. Marami din akong ballpen at iba pang magagamit para sa pag-aaral. Ngunit namamangha talaga ako sa ibinigay niyang bag sa akin. Bagpack iyon na kulay black na may gold na zipper. Makapal siya at mukhang mamahalin ngunit hindi ko alam kung anong brand ng bag itong ibinigay niya.
Ito kasi ang unang beses na magkaroon ako ng magandang bag. Atsaka, hindi ako mahilig sa mga branded kaya't hindi ko alam ang mga pangalan ng bawat bag.
Gayun man, hindi ko na iyon inisip pa. Nag-uumapaw ang saya ko hindi lamang sa mga gamit na natanggap ko. Kundi, mag-uumpisa na akong tuparin ang aking pangarap. Ipapangako ko sa sarili na hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko makapag-tapos lang ako sa kursong ito.
At sa oras na mangyari 'yon, ako ang kauna-unahang architect dito na magpapatayo ng magandang bahay.
Napapangiti ako sa naiisip ko'ng iyon. Hindi naman na kasi gaanong kagandang ang bahay namin. Wala itong kisame, hindi rin nakapalitada ang bawat haligi ng bahay kung kaya't panay asinta lamang ng blocks ang makikita mo. Naka-flooring naman ang bahay ngunit hindi kagandahan, sapat lamang ang bahay namin para matirhan. Kuntento na ako dito ngunit sa oras na makapagtapos ako sa aking kuro, ako mismo ang guguhit sa magandang bahay na nais ko.
__________
DUMATING ang araw ng lunes, alas siete ng umaga. Suot ko na ang isang sibilyang damit dahil wala din naman akong uniporme. Iniisip ko nga rin iyon dahil baka may kamahalan ang damit na 'yon. Alam ko rin na required iyon sa unibersidad na iyon, ngunit sa ngayon. Hindi ko na muna iyon poproblemahin, kailangan ko munang tukuyin ang aking silid at schedule sa pag-aaral.
"May sapatos ako sa bahay, leslie. Bakit hindi ka nagsabi?" ngumiti lang ako kay glenda habang nakasakay kami ng tricycle. Hinintay pa ako nito sa paradahan dahil nais niyang magsabay kami.
"Ayos naman na 'tong suot ko, glenda."
"May mas bago akong sapatos doon, maliit na sakin. Dadalhin ko iyon mamaya sa inyo." bumuntong hininga ako.
"Ikaw ang bahala, pero ayos lang naman sakin itong suot ko. Bibili na lang sana ako pag nagsweldo ako."
Napapailing siya sa sinabi ko. "Ang tipid mo talaga, atsaka. Kung may nais ka pang gamit, huwag kang mahiyang magsabi sakin. Baka matulungan kita."
Tumango na lamang ako, si glenda ay may suot ng uniporme. Nag-aaral siya sa kursong nursing at classmate nito si kassandra. Nais niya sanang pursigihin ang medication ngunit hindi na niya yata iyon kaya. Mahilig kasi si glenda sa mga ganoong gawain, kahit nag-aaral pa lamang ito noon sa highschool ay madalas siyang mag-volunteer sa center, kaya ngayon. Iyon na ang tinahak niyang kurso.
KALAHATING ORAS ang naging biyahe naming patungong unibersidad. Medyo malayo din iyon kaya pasado alas siete na ng makarating kami, mabuti na lamang at naabutan pa naming bukas ang gate dahil nasabi ni glenda sa akin na pag umabot ang alas otso, hindi ka na maaaring pumasok o lumabas. Kailangan ay maaga ka, marami din rules ang regulations na dapat mong sundin.
"Nasa bulletin board ang pangalan mo, sasamahan kitang tumingin. Doon mo malalaman kung saan silid ka pupunta." tumango ako kay glenda at hindi umangal sa pagprisinta nitong tulong. Dahil ito ang unang beses na magtungo ako sa university na 'to, hindi ko pa halos alam ang pasikot-sikot.
"Medyo malayo ang building ng mga architecture dito, nasa dulo pa iyon. Nalalapit sa gusali ng mga psychology at engineering."
"Masasamahan mo ba ako doon? Pero kung hindi na, ayos lang. Baka mahuli ka sa klase mo." natawa siya sa sinabi ko'ng iyon.
"Naku, ikaw pa leslie. Malakas ka yata sakin, sasamahan kita 'don. Baka matapos na ang unang klase mo hindi mo pa nahahanap ang silid." napanguso ako dahil sa katotohanang iyon. Ngunit madali naman ng magtanong, hindi ko nga lang alam kung madali din bang sumagot ang mga studyante dito. Nakikita ko na kasi sa mga iilang mag-aaral na nakakasalubong namin kanina na medyo magagayak sila. Pinagtitinginan pa nila ako na para ba'ng hindi ka-belong sa lugar na 'to.
Napabuntong hininga ako habang naglalakad. Wala naman ng pakialam si glenda sa mga nakakasalubong namin, kahit na pinagtitinginan nila ako mula ulo hangga paa, snob lang itong kaibigan ko na para ba'ng walang nakikita.
"Narito ka na, kung lalabas ka mamayang breaktime. Nandoon lang ako sa canteen, hihintayin kita doon." ngumiti ako bago umiling.
"Baka hindi na lang, wag mo na akong hintayin glenda. Paparito lang ako sa silid."
"Tsk, ikaw talaga. Malapit lang naman ang canteen dito, hindi mauubos ang oras mo sa paglalakad."
Muli ay umiling ako. "Sa susunod na lang glenda, kailangan ko pa kasing tipirin ang pera ko. Aalamin ko muna kung magkano ang uniform namin, saka na iyan." bumuntong hininga siya sa sinabi ko, kalaunan ay tumango na lamang siya bago tuluyang magpa-alam na tutungo na sa kanyang silid.
Nagpatuloy na rin ako sa pagpasok at ang swerte ko lang dahil wala pa ang aming professor. Ngunit marami ng nakaupo sa bawat pwesto, walang gaanong bakante at ang nasa gitnang bahagi lang ang nakikita kong may espasyo. Kahit nahihiya akong makidaan sa babaeng lalagpasan ko, pinilit ko pa 'rin ang daang iyon dahil wala na akong nakikitang mauupuan pa. Ayoko naman na doon sa dulo dahil baka hindi ko gaanong marinig at makita ang aming inaaral.
Inilapag ko ang bag sa upuang iyon habang nakatingin sila sa akin. Akma na akong uupo ngunit bigla'y nawala ang upuang nasa likuran ko.
Dahil doon, bumagsak ang pang-upo ko sa sahig kasabay ng malakas na pagtawa ng kababaihang nasa likuran ko.
"Someone own that chair, newbie. You must know your place. Doon ka sa likod." iyon ang siyang inusal ng babaeng nakatingin sa akin. Mataray at parang naiinis pa sakin ngunit hindi ko na lamang siya pinansin.
Pinilit ko'ng tumayo ng hindi sila iniimikan. Kinuha ko ang aking bag at naglakad nga sa likurang pwesto na parang wala lang nangyari.
Pambihira, ang malas ko yata sa section na kinabibilangan ko.
*********
to be continued....
BINABASA MO ANG
CDS 3 : Admiring Dreams With You
General FictionSi leslie Alegria ay isang dalaga na may minimithing pangarap sa buhay, isa siyang dalaga na matatag sa lahat ng pagsubok na pinagdadaanan nito. Marami man humahadlang sa pangarap niya, hindi niya naisip sukuan iyon kahit ano mang balakid ang dumati...