Chapter 4

475 17 15
                                    

Leslie Alegria Pov.


Mula sa mahabang mesang puno ng pagkain, tahimik akong nakaupo sa tabi ng ilang del Vega habang sila ay kumakain. Hindi pa kami nag-uusap ni senyora flora dahil nais pa niya kaming magsalo-salo sa mga nakahandang pagkain.

Ngayong araw pala na ito, nakauwi ang anak niyang si akhiro mula manila. Hindi ko rin akalain na del vega pala ang lalakeng natulungan ko kanina at akhiro ang pangalan nito.

"Why aren't you eating your foods?" iyon ang tanong sa akin ng babaeng del vega na pinsan ni akhiro. Kasalo ko ngayon ang pamilyang del vega kaya't hindi ako halos makakilos ng maayos.

Sa totoo lang ay sa pangalan ko lamang sila kilala, hindi naman kasi ako pinapalad na makita sila noon dahil bihira lang sa mga taga san-nicolas ang makapasok sa kanilang hacienda at mansyon.

"Pagpasensyahan mo na ang anak ko dahil pinagkamalan kang magnanakaw." iyon ang siyang paghihingi dispensa ni senyora flora habang nakangiti na ngayon sa akin. Wala na ang anak niya dito dahil hindi iyon sumabay sa aming pagsasalo, tila ba wala siya sa kundisyon dahil sa nangyari sa kanya. Ngunit nakalulungkot lamang na hindi ako nito matandaan.

"A-ayos lang po." mababa ang tinig ko dahil nahihiya pa akong sumagot. Kulang na lang ay itago ko ang sarili para lamang hindi na nila ako mapansin.

Ang mga eldest na del vega ay nasa harapan ko lamang, at ang mga pinsan ni akhiro ay nakahilera sa aking gilid kaya't para ba'ng hindi naiibsan ang kaba ko dahil sa kanilang presensya.

"Siya nga pala ang batang tumulong sa akin kanina, malaki ang pasasalamat ko sa batang ito dahil naibalik niya ang aking bag. Naroon pa naman ang singsing ng mga del vega at ikakamatay ko iyon sa oras na mawala ang singsing."

Hindi ako makapag-bigay tugon sa sinabi ng senyora. Magpapasalamat lamang pala siya sa akin kaya nito ako idinala dito. Pero bakit kailangang sapilitan pa? Nag-isip na tuloy ako ng masama at muntik pa akong tumakas kanina.

"We should thank her, ang singsing pa namang iyon ay para sa mapapangasawa ni akhiro. Ang susunod na henerasyon ng mga del Vega.." hindi ko kilala ang matandang lalakeng na nagsalita, ngunit sa tingin ko ay iyon ang ama ni akhiro dahil nahahawig sila ng mukha at pustura.

Ang gaganda ng kanilang lahi, makikinis ang kanilang balat at matatangos ang kanilang ilong. Alam ko naman na hindi lang ang hacienda ang kanilang negosyo, balita rin sa san-nicolas na may hinahawakan silang kumpanya ngunit mas sanay si senyora flora na manatili dito sa probinsya.

Hindi ko na lamang alam ang ilang kwento pa sa kanila dahil ang nasa isip ko lamang ay mayaman sila at mababait na tao.

Matapos ng pagsasalo naming iyon, may isang ginang na lumapit sa akin na tila ba iyon ang kanang kamay ng senyora ngumiti ito bago magsalita.

"Sumunod ka sakin, naghihintay si senyora flora sa kanyang opisina." wala akong naging imik sa utos niyang iyon. Tumayo na lamang ako at sumunod ng maglakad siya, wala na ang mga kasamahan naming del vega dahil lumabas sila upang doon mag-usap.

Si Akhiro naman ay hindi ko na nakita dahil mukhang hindi na ito bumaba sa kanyang silid.

"Kailangan nating mahanap ang taong tumulong sa anak natin. Malaki rin ang pasasalamat ko sa kanya dahil naisugod niya ito sa ospital." iyon ang nabungaran ko'ng usapan sa dalawang mag-asawa na del vega. Muntik pa akong mapaatras ngunit nasa likuran ko na ang sekretarya ni senyora kaya't hindi ko magawa iyon.

Kung ganon, pinaghahanap na pala nila ako. Nais ko sanang sabihin na ako ang babaeng tumulong kay akhiro kanina, ngunit nahihiya ako dahil wala naman akong sapat na ebidensya at wala akong lakas na makipag-usap sa kanila.

"Oh hija, narito ka na pala. Maupo ka at meron tayong pag-uusapan." sapilitan ang aking pag-ngiti bago ako maupo sa harapan ng senyor. Kahit may katandaan na ang asawa ni senyora flora, makisig pa rin itong tingnan at hindi mo talaga maitatanggi na isa siyang del vega.

"Magpapasalamat akong muli dahil sa ginawa mo kanina, napaka-tapang mo dahil nabawi mo ang aking bag sa magnanakaw na iyon." ngumiti ako bago tumango.

"Walang ano man po, senyora."

"Alam ko'ng delikado iyong ginawa mo, pero humahanga pa rin ako sayo. Dahil doon, bibigyan kita ng malaking pabuya sa pinamalas mo'ng tapang at kabaitan." napapangiti muli ako ng pilit bago umiling sa sinabi niyang iyon.

"Naku po, senyora. Hindi naman po ako humihingi ng kapalit sa ginawa ko'ng tulong. Hindi na po kailangan." nakatitig siya sa akin na tila ba namamangha sa pagtanggi ko sa kanyang pera. Hindi ko naman talaga kukunin iyon kahit na kailangan ko ng salapi. Ang mahalaga ngayon ay nakatulong ako at muling naibalik ang bag sa kanya.

"Hindi maaari iyon, hija. Nais kitang bigyan ng pakun-swelo dahil sa ginawa mo'ng kabaitan, hindi maaari na tanggihan mo ang grasyang binibigay ko."

Napapakamot ako sa aking batok bago mailing muli. "Salamat po talaga, senyora. Pero hindi ko talaga matatanggap ang perang ibinibigay ninyo." sa huli ay napabuntong hininga siya sa sinabi ko.

"Kung ganon, saan ka pala nakatira?" iyon ang naitanong niya matapos ng pagtanggi ko sa perang inaalok niya sa akin.

"Dito rin po ako sa san nicolas, sa purok uno po kami ng baryong fuero.."

Tumango-tango ito sa sinabi ko. "Taga fuero ka pala, marami kaming studyanteng hinahawakan doon. Hindi ka ba kabilang sa mga nabigyan namin ng libreng edukasyon?"

Umiling ako sa tanong ng senyora. "Hindi po ako pinalad na mapili."

"Kung ganon ay hindi ka nag-aaral?"

Muli ay umiling ako sa tanong nito. "Hindi na po, tumutulong lang ako sa gawaing bahay at pagtitinda sa pamilihan."

Nagtinginan ang dalawang mag-asawa na para ba'ng may mali sa nangyari. "Paanong hindi ka napili kung lahat naman ng nagpasa ng papel ay tinanggap namin. Imposibleng hindi ka napasama sa listahan." hindi ako makapag-salita dahil sa narinig. Kung ganon, may posibilidad pala na natanggap ako ngunit nawala lamang ang aking ipinasang papek kaya't hindi ako natawag?

"Ilang taon ka na ba hija? Ano rin ang iyong pangalan?"

"Ako po si leslie Alegria." ngumiti ako sa kanila habang nakatingin sila sa akin na para ba'ng kay gaan ng kanilang dugo. "Nasa disi otso na po ako ngayong taon, senyora."

"Kung ganon, sa edad mo'ng iyan. Dapat nag-aaral ka na sa kolehiyo, ngunit hindi ka makapag-aral."

"Hindi po ako maswerte sa buhay, senyora."

Ngumiti siya ng kay ganda na para ba'ng may magandang balita siyang ibabahagi sakin.

"Huwag ka'ng mag-aalala, ngayong araw na ito. Tanggap ka na bilang trabahador dito sa hacienda Del Vega." napamaang ako dahil sa narinig na sinabi ng senyora.

Para ba'ng hindi pa ako makapaniwala na dahil suwerte ka na lang talaga kung makakapag-trabaho ka sa hacienda.

"Ako na rin ang bahala sa edukasyon mo, bukas din ay ipasa mo ang mga requirements na hihingin sayo ng aking sekretarya."

Tila ba kay galak ng aking nararamdaman ng araw na iyon. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa senyora dahil sa ibinigay niyang opurtinidad sa akin.

Dahil doon, hindi na ako nagdalawang isip pa na tanggapin ang alok niyang iyon.

Sa wakas, makapag-aaral na din ako at makapag-tatrabaho sa malaking hacienda ng del Vega.

*******

To be continued.....

CDS 3 : Admiring Dreams With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon